CHAPTER 26

28 3 0
                                    

ALTHEA'S POV

Nakaka-ilang ulit na akong delete ng ni-record voice message sa messenger pero wala pa ring maayos na kinalalabasan.

Simula nang magkasama kami sa iniutos ni Ms. Velaria ay talaga namang kinulit na ako ni Drew na araw-araw mag-send ng voice message.

At ngayon?! talaga namang nabubuwisit na ako, dahil sa lahat ng kantang pwedeng ipakanta sa akin talagang Bahay Kubo pa?!

("Asan na?") aniya sa kabilang linya, napa-buntong hininga na lang ako sa pagkaburyo at pagkainis sa paulit-ulit niyang pangungulit.

"Seryuso? talagang bahay kubo pa?" inis asik rito. "Hoy Drew! ako ba pinagti-tripan mo? tigil-tigilan mo ako."

"Would you believe me if I say that thrre.s someone that I really like?" Pakiramdam ko ay parang hinabol ng mga kabayo, isa lang ang sigurado, kinakabahan ako sa kung sino ang tinutukoy niya na nagugustuhan n'ya.

"Kung totoo ba naman yan eh di maniniwala ako." Pigil-kilig kong tugon. "She's very lucky, Althea... dahil sa kanya ay naisipan ko na maging kalmado sa pag-gawa ng desisyon lalo na sa grupo ko." Nawala ang ngiting kanina lamang ay namunutawi sa mga labi ko.

Sigurado naman akong hindi ako yun eh, alam kong hindi ako yun kaya hangga't maaga pa dapat ay pigilan ko na ang tuluyang pagkahulog kay Drew, dahil sa bandang huli ay ako lang ang dehado.

"Ahhh..." Na lang ang naitugon ko, wala eh, speechless, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa napagtanto ko na hindi naman talaga ako.

("Bakit parang nanahimik ka ata.") He chuckled. Gusto ko sanang sabihin pero baka isipin nya na ang arte ko at ako pa talaga naglakas loob na magparamdam?

"Ahhh... w-wala naman." Pagsisinungaling ko.

Bahagya at sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, napuno nang ideya ang utak ko, she's very lucky of having him as her admirer. Hindi nga lang siguro paghanga ang nararamdaman ni Drew sa kanya eh, kundi pagmamahal, hindi bilang kaibigan, kundi bilang minamahal.

("Ang swerte n'ya!") Biglang sigaw nito sa kabilang linya na animoy kinikilig. ("Hindi ko naman talaga s'ya gusto, well... let's just easily say that I'm already inlove with her.") Hindi ko man nakikita ay alam kong labas ang dalawang dimples n'ya sa pagkakangiti nito, simula pa man noon na minamasdan ko pa lamang s'ya ay talagang bukod sa kanyang ngiti ay hindi mo rin maaalis sa mga dimples nya ang paningin mo.

("Oh... sige na... ibaba ko na 'to cause I'm going to prepare a song, kakantahan ko kasi yun eh, tatawagan ko pa yun.") Halatang naaatat na aniya.

"Sig---" Tugon ko sana ngunit hindi na natuloy, s'ya na mismo ang bumaba ng linya.

Napabuntong hininga na lang ako at pabagsak na nahiga sa kama. Sana all mahal, sana all binibigyan ng sapat na oras para maparamdam lang sa kanila kung kagaano sila kaswerte at kamahal ng taong minamahal din ng iba.

I'm about to sleep when my phone rang, I lazily got it and swipe to the right, I just let my phone on the bed and waited until someone on the other line breathe heavily.

("I look at her and have to smile as we go driving for a while, her hair blowin' in the open window of my car and, as we go I see the lights, watch them glimmer in her eyes on the darkness of the evening...") Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko kung kaninong boses yun, at hindi nga ako nagkamali, it was Drew singing Passenger Seat.

("And I've got all that I need, right here in the passenger seat, oh and I can't keep my eyes on the road, knowin' that she's inches from me...") Pagpapatuloy n'ya pa. Haling kilig at kaba, siguro nagkamali lang s'ya ng tawag, oo... baka nga nagkamali lang s'ya. May posibilidad na si Avria ang babaeng tinutukoy n'ya, babaeng ang kati-kati.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now