CHAPTER 14

95 67 0
                                    

LAILER'S POV

Lumipas ang maghapon na puno ng tawanan, kwentuhan at kung ano-ano pang kabaliwan, panay kasi ang pagpapatawa ni Daemon, kung ano-anong mga jokes ang sinasambit. Nagawa rin naming libutin ang pagkalawak-lawak na hacienda ng pamilyang Guazon, matapos niyon ay agaran kaming umuwi sa mansyon, at hinihintay ang pagdating nina Jaze hanggang sa kasalukuyan.

Hinahanda namin ang hapunan nang bumusina nang sabay-sabay ang motor at kotse na sinasakyan nila. Dali-daling lumabas ang isang maid at pinagbuksan sila ng gate.

'PLAAAKK!'

Sabay-sabay kaming napalingon ng ilan pa sa mga maids nang marinig ang tunog nayon sa sala.

"Ano yan?" dinig kong tanong ni Tito Zandro.

Dala ng kyuryusidad ay lumapit na rin ako sa kanila. Binati ako nilang tatlo at nagpatuloy na sa negosasyon.

"Papeles." simpleng sagot ni Jaze.

Eto na naman...

"I mean what's with that papers?"

"Ink."

Ay tanga!

Lahat ay napasapo sa noo kabilang na ako, kanya-kanyang buntong hininga ang lahat.

"Wala to, inabot na ata ng gutom." iiling-iling na ani Zire.

Muli ay tinignan ni tito si Jaze. Sa paraan ng tingin nya ay alam kong alam na ni Jaze ang ibig sabihin niyon.

"I won."

"Sa Lethal Race na naman ba?" biglang singit ni Daemon.

"Tumpak baklita! gumagana rin pala ang isip mo." binaling nito ulit ang paningin kay tito.

"Dapat ba kaming mamangha sa ginawa mo? ano na naman ang ipinusta mo? ang mansion nato?" ewan pero pakiramdam ko ay nagagalit na si Tito Zandro, masyadong importante ang mansion nato dahil na rin siguro sa sobrang laki ng gastos na ginugol nila dito.

"Oo naman, dapat kang mamangha pero mali ang akala mo Papa," bumuntong hininga ito at saka sumandal. "Hindi ang mansion ang ipinangpusta ko."

"Alin naman?" kunot noong tanong ni Tito, lumingon naman ang lahat nang marinig ang mga yabag ng taong papababa sa hagdan.

"Hi baby Jaze." Pinaulanan ng halik ni Tita Zanlie si Jaze, panay naman ang iwas nito.

"Ma! buli ni ina nya!." panay ang halakhak nito ng bumaba ang kiliti ng kanyang ina sa leeg nito. "Wag mo na akong tatawaging baby!"

"Bakit naman anak?" nakangusong tanong ni Tita Zanlie.

"Kasi hindi na ako dumedede sayo Ma!" busangot na sagot naman ni Jaze.

Ang halakhak naman ng mga kasamahan namin ang bumalot sa buong sala.

"Oh, balik sa topic!" iiling-iling na pagbasag ni Tito Zandro sa malutong na halakhakan nila.

"Iisa- isahin ko," naupo ito sa coutch na parang lalaki.Tomboy ba to? "Nakuha ko ang ang kompanya ng angkan ng mga Emperial." ngumisi ito at inilibot sa amin ang paningin, "Ang Emperial Incorporated, tig-isang Hotel and Restaurant ng angkan ng Walter at Zaldarriaga, tatlong resorts ng angkan ng mga Avila sa Cebu, at ang hacienda ng mga Sandoval." ani Jaze, halos lumuwa ang mata ko, ganon talaga sila kayayaman na kahit importanteng bagay at pag-aari ng angkan nila ay handa nilang itaya?

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now