CHAPTER 25

29 7 0
                                    

ALTHEA'S POV

Pagkarating na pagkarating ko pa lang sa opisina ni Ms. Velaria ay bumungad na sakin ang sekretarya nito, ipinagbigay alam n'ya na wala ito kaya agad ko ring tinanong kung nasan.

"Ang tanging bilin n'ya lang naman po ay sabihin sainyo na alam n'yo na raw kung saan s'ya matatagpuan. Kanina pa nga rin may humahanap sa kanya eh, nasan ba kasi s'ya? alam mo ba?"
nagtatakang saad nito.

Alam ko lung nasaan ang isang yun pero bukod sakin na sekretarya ng organisasyon ay wala na dapat makaalam ng tungkol sa mesyo masasabi kong madilim at maitim na pag-iisip at ugali ni Ms. Velaria.

"Ahh... oo alam ko." Napangiti ako ng pilit. "Maiwan na kita ha? may bibilhin pa kasi ako para sa event na paparating ehh."

"Ay?! may ganon?! anong event?!" sunod-sunod na tanong nito kaya napataas ang kilay ko.

"S'ya na lang mismo ang magsasabi sayo, tyaka di ba student ka rin dito? ia-announce n'ya rin naman siguro sa Monday. Better wait na lang siguro no?" ani ko at tuluyan nang umalis papunta sa Abandoned Building na kung saan hindi ko na naman alam ang nangyayari.

Habang tinatahak ang malayo-layong daan ay napapaisip ako. Ano kayang klaseng event ang mangyayari bukod sa alam kong pageant yun? bukod sa alam kong halos lahat ay magsasaya na naman?

Sa'king dinaraanan ay kita ang ibang myembro ng gang na gumagawa na ng mga designs na hindi ko matukoy kung para saan, hindj sila magkanda-ugaga sa pag-paroon at parito.

Nang matunton ko na ang mismong gusali ay dinig ko na ang putak sa ni Ms. Velaria.

"Ano na naman ba ang nangyayari sa grupo n'yo para kayong mga bata kung mag-siasta? ano saan napunta ang utak n'yo? sa suso ni Layla kakalaro n'yo ng ML? puta!" dinig kong pasigaw na aniya. Nadatnan ko ito na nakapamewang. "Muntik nang mawala ang isa sa mga leader n'yo! buti na lang at agad na nadala sa hospital dahil kung hindi!? hindi pa man nangyayari ang dapat mangyari ay patay na kayong lahat!" Napaharap ito sa gawi kk at bahagya pang namilog ang mga mata.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko hanang ang paningin ay nakapako sa dugo sa malubak-lubak na flooring ng gusali.

"Sila ang tanungin mo." Maikling aniya tyaka tuluyang umalis, hinabol ko na lang ito ng paningin, kapagkuway muli ko namg itinuon ang paningin kila Drew.

Wala pa mang lumalabas na lung anong salita sa bibig ko ay marahas na nitong tinadyakan ang silya sa harapan n'ya.

"Bwisit! bwisit! bwisit!" Naihilamos nito ang kamay sa mukha at tuluyan nang napaupo sa sahig. "Bakit ba palaging nangingialam ang hayop na'yon!?" sigaw nito.

"A-ano bang pinagsasabi mo? hindi pa rin ba kayo umuuwi simula kagabi?" takang tanong ko.

Simula kagabi ay ganon pa rin ang suot nila kaya hindi nga malayong wala pa ni isa sa kanila ang nakaauwi.

"Wala pa ni isa sa'min ang nakakauwi." Tiim bagang na aniya. Nahalata ko ang hiwa sa may bandang leeg n'ya kaya napalapit ako at agad na hinawakan ito nang dahan-dahan.

"Anong nangyari dito?" tanong ko habang mabusising sinisipat ang sugat.

"Kasama mo ba ang tao na agad sumugod sa'min kagabi rito para lang patakasin si Earl?"

Agad aking napaayos ng tayo at pinakatitigan ito. Ako pa talaga ang sisisihin n'ya kung bakit nakawala ang bihag nila? WTF!

"Ako talaga? por que ba tutol ako sa kung ano man ang ginawa n'yo kagabi?! di ba sinabihan kita pero hindi ka nakinig at pinabuhat mo pa talaga ako sa mga kasamahan n'yo tapos ngayon sasabihin mi na kilala ko ang umatake sainyo!? nag-iisip ka ba ha?! Drew?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapataas ang boses kaya bago pa man uminit ang sitwasyon ay minabuti ko na lang na sumunod kay Ms. Velaria at sundin ang kung anoman na iutos nito.

LOST IN REALITY, FOUND IN FANTASYWhere stories live. Discover now