Kabanata 4

1.3K 34 1
                                    

4

Burp!! I burped hard kaya yung mga kumakain din sa restaurant ay napalingon sa akin. Kaya napa-peace sign nalang ako. Hehe

Yung mukha ni Rain di maipinta.

"Napaka-baboy mong kumain!" asar nyang sabi sa akin. Lumalaki butas ng ilong.

"Baboy kaagad? Bakit nakita mo ba akong kumain ng feeds?" asar ko sa kanya. Sinimangutan nya lang ako.

Halos maubos namin.. ay! Ako lang pala. Halos maubos ko yung inorder kong pagkain.

Yung natira pinabalot ko pa sa waitress doon. Ayaw sana ni Rain kasi nakakahiya daw. Pero hindi ako pumayag. Sayang yun eh. Bayad yun at saka, kailangan magtipid. Hindi lahat ng tao nakakakain.

Asar akong iniwan ni Rain sa restaurant. Mabilis syang naglakad kaya ako halos takbuhin ko na para maabutan ko lang sya.

"Hoy! Rakiel, wait!"

Pero patuloy lang sya sa paglalakad at hindi ako nilingon.

Maaabutan ko na sana sya nang bigla akong mapatid ng paa ng nakasalubong ko. Nadapa ako at napasubsob ang magandang mukha sa tile floor.

Omaygad! Nakakahiya!!

Tatayo na sana ako nang abutin ni Rain ang kamay ko at itinayo.

"Napaka-clumsy mo!!" His forehead creased. Halatang naiinis sa katangahan ko.

Ngumuso lang ako sa kanya habang dahan-dahang tumayo at sumabay sa paglakad sa kanya.

"Ayos ka lang?" may pag-alalang tanong nya holding my arm while walking.

"Yeah!"

"Bakit ka ba kasi tumakbo?"

"Eh, iniwan mo ako dun e.." ingos ko sa kanya.

He sighed at tiningnan ako. He's checking on me kung may sugat ba ako sa pagkadapa ko.

Umiwas ako ng tingin. Kasi parang tinambol ang dibdib ko sa kaba sa ginagawa nya.

"Ayos ka lang ba talaga?" He asked.

Tumango ako at alanganing nakangiti.

"I wanna watch movie pa sana, pero it's getting late. Hatid nalang kita sa inyo baka mapagalitan pa ako ng parents mo.." He said.

Napalunok ako, biglang nag-iba ang templa ng mood ko nang maalala ko sila nanay at tatay na naman.

Wala kaming imikan ni Rain nang pauwi na. Pagkatapos nyang magtanong sa akin ng address ko, wala na kaming kibuan.

"Dito nalang.." sabi ko nang nasa tapat na kami ng boarding house ko.

He looks shocked. Akala yata nya sa mansion nya ako ihahatid.

Mabilis akong bumaba ng kotse nya.

"Thanks sa paghatid.."

"Can I come in? Pakilala ako sa parents mo!"

Hay!! Iniwan ko sya pero mabilis din naman syang bumaba sa kotse nya at walang imik na sumunod sa akin.

"Dito ka lang, magpalit lang ako ng damit." sabi ko pagkapasok namin sa loob ng boarding house ko.

After ko magbihis ay bumaba kaagad ako.

Nadatnan ko sya na nakaupo sa mini-sofa ko doon.

"Oh, H-hi!" kaagad syang tumayo pagkakita sa akin.

"You want coffee?"

Tumango sya kaya kaagad ko syang tinemplahan ng kape.

"Pansin ko lang, wala dito ang parents mo.."aniya while sipping his coffee.

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon