Six months later..
Samantha's POV
"Congratulations beshy!!" bati sa akin ni Maia sabay yakap at beso.
"Whoa! Congratulations din bestfriend! Sa wakas graduate na tayo!" masayang saad ko may patalon-talon pa kami habang magkahawak-kamay.
"Pero, mamimiss kita beshy!" aniya na nakanguso.
"Mamiss din kita best!" sabi ko sabay yakap ko sa kanya.
"So, final na talaga ang pagpunta mong Canada?"tanong nya.
Malungkot akong tumango. "Yeah. Gusto kasi ni mommy na dun muna ako habang inaasikaso nila daddy ang business nila dito." saad ko.
"So, how about Kelvin?" tanong nya.
"We're leaving together. Siya kasi ang kinuhang architect ng tito George namin kaya magkasama kaming aalis." sabi ko sabay upo sa monoblock chair na nandun.
"Hanggang ngayon best, di ko parin talaga lubos-maisip na magkapatid kayo ni Kelvin eh. Bakit di ko yun naisip nun? Hayss!"
"So, ngayon alam mo na?" natatawang saad ko sa kanya.
"Sana si Kelvin nalang naging crush ko.. Aray! Ba't ka ba nambabatok?"
"Ayoko sayo para sa kapatid ko!" biro ko sa kanya.
"Ay! Wala pa man din ay tumututol ka na? Grabe ha!"
Natatawa nalang ako sa inarte nya. After our graduation ceremony ay naghiwa-hiwalay na kaming magka-klase dahil may kanya-kanyang celebration ang bawat isa.
"Congratulations Engineer!" bati ko kay Kelvin pagkababa ko ng stage.
"Congratulations din Sam.."aniya sabay yakap sa akin.
Binati ko rin sina Brian at Tyrone.
"Pwede ko na bang ligawan ang kambal mo Kelvs?" tanong ni Tyrone sa kapatid ko.
"Gago! H'wag mong idamay ang kapatid ko sa kagaguhan nyo!" aniya sabay sapak kay Tyrone. Napatawa nalang kami dahil dun.
Mabilis kaming umuwing bahay dahil naghihintay na sila mommy at daddy dun. After kasi ng ceremony ay nauna na sila sa amin kasi tutulong daw sila sa paghahanda para sa celebration ng pagtatapos naming magkambal.
Nang makarating kaming mansion ay kaagad kaming sinalubong ng yakap ng parents namin. They congratulate us.
"Congratulations princess!" bati sa akin ni Daddy sabay yakap.
"Thanks Dad!" Sabi ko sabay yakap.
"Congratulations Sweetheart!" bati din sa akin ni mommy.
"Thanks 'my.."sabi ko sabay yakap din kay mommy.
"Edi wow! Wala talagang bumati sa akin!" maktol ng kambal ko kay napatawa kami nila mommy at daddy.
"Congratulations son!"
After we celebrate ay nagpapaalam muna akong magbihis. Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Okay, masaya ako na sa wakas ay nakapagtapos na ako, na nakasama ko ang totoong pamilya ko. Pero feeling ko may kulang. There's something in me na di ko matukoy kung ano, pero di ako satisfied.
Dahil ba, hanggang ngayon, mahal ko parin ang first love ko? Dahil ba, sa kabila ng lahat ay umaasa parin akong magkikita pa kami?
Pero di ko alam kung magkikita pa kami, lalo na ngayon na week from now ay aalis na kami ni Kelvin papuntang Canada.
Kumusta na kaya siya? Bakit di man lang sya nagpaparamdam kahit sa mga kaibigan nya. Or ako lang ang walang alam?
Di rin namin alam kung bakit di siya sumipot sa kasal nya kay Audrey. Aaminin ko, nasasaktan ako nung araw na yun dahil ikakasal sya sa iba pero, napalitan ng tuwa yung sakit na nararamdaman ko dahil hindi siya sumipot sa araw ng kasal nila ni Audrey.
Sa kabila ng masasakit na salitang natatanggap ko sa lolo ni Rain ay somehow, masaya ako sa nangyari. You can call me selfish, pero masama bang sundin ko ang tibok ng puso ko?
Pero, paano ko pa masusunod ang tibok nito kung ang itinibok nito ay wala ng balita, kung buhay pa ba sya or patay na! Hayys!
Week Later...
"Mag-iingat kayo dun mga anak ha. Kelvin, bantayan mo yang kambal mo." bilin ni mommy kay Kelvin.
"Di naman na yan bata si Sam 'my eh.. Ahhh! Aray!" piningot lang naman siya ni mommy.
"Basta Kelvin, alagaan mo yang kapatid mo doon. Ayokong may umaaligid na lalaki dyan!" bilin din ni Daddy.
"Grabe naman Dad, bakit di nalang kayo ang sumama kay Sam.. Fvck! Awww..aray bitaw!!!" Kinurot naman siya ni mommy.
Napahagalpak ako ng tawa. Hahaha! Mukha ni Kelvin parang nakakain ng papaitan.
"Di ba ako pwedeng mag-boyfriend Dad, Mom?" tanong ko.
"Pwede, pero kailangan munang dumaan sa kamay ng kapatid mo at sa amin ng mommy mo." seryosong wika ng tatay namin.
Nakanguso akong nakatingin sa kanila.
"Bakit si Kelvin pwede?? Tapos ako, daming ka ek-ekan?"
"Lalaki si Kelvin princess, walang mawawala.." saad ni Daddy.
"Bakit hon, dahil ba lalaki kayo okay lang na mambabae kayo kasi wala namang mawawala sa inyo?" Simangot na saad ni mommy.
"No! No! No! Of course not. Di ko na kailangang mambabae hon, dahil ikaw lang sapat na!"malambing na wika ni Dad kay mommy.
"Ashus!!" saad ko.
"Yuck! Kadiri kayo!" maarteng wika naman ni Kelvin na nagpapatawa sa amin.
Noon namay tinawag na ang mga pasahero pa-Canada!..
Goodbye Philippines!
Almost fifteen hours din ang flight namin from Philippines up to here in Toronto.
I'll manage one of our restaurant business here. Kaya yung dream ko na maging flight attendant, napurnada.
I'll be doing this for a year siguro. Di naman ako mahihirapan kasi kasama ko naman si Kelvin tuwing may free time sya.
Yung kambal ko? Saan ba nagpunta after namin dumating sa penthouse namin?Okay penthouse ni Dad. Well, naghahanap na naman ng babae. Mabuti daw dito di uso ang commitment.
Why settle to one daw when you can get so many? Di ba gago lang?
Mag-isa akong nag-ayos ng mga gamit namin. Inuna ko muna ang mga gamit ko bago kay Kelvin.
After ko mag-ayos ng gamit ay nagluto naman ako ng makakain ko. Buti nalang at may pagkain ditong fridge ni Dad na pwedeng lutuin.
Hay! Saan na kaya si Kelvin. Gagong yun, mukhang sanay na sanay na sa pagtravel abroad. Samantalang ako? Wala! Pinabayaan lang naman nya.
After kong magluto ay nagpapahinga muna ako sa sofa dun habang nanonood ng CMM NEWS.
A moment later ay may narinig akong nagdoorbell, maybe its Kelvin kaya mabilis ko itong binuksan.
"Flower delivery!." saad nung delivery boy.
Nagtataka man ako ay tinanggap ko yung bulaklak at pinirmahan yung received.
Huli na nang ma-realize ko na dapat pala di ko tinanggap yun. Di ko man lang natanong kung kanino galing ang bulaklak.
Pano pala kung masamang loob yun! Fvck! Natampal ko tuloy ang noo ko.
Tiningnan ko yung bulaklak, nagbakasakaling may nakalagay na card pero I found nothing.
A/N
Don't forget to vote.. thank you! Stay safe! GBUS!

BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomansaSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...