Kabanata 16

1.1K 46 0
                                    

After nung pumunta sila Rain sa Sophie's, ay hindi na sya nagpaparamdam sa akin sa hindi alam na kadahilanan. Chus!

Ewan ko dun, nakalunok ata ng silent mode na remote control. Hmmp, bahala sya sa buhay nya!

Mabilis akong pumasok sa classroom namin dahil two minutes nalang ay ma-late na ako.

Nakita ko kaagad si Maia na kausap ang isa sa mg classmate namin na nerdy na si Rhoda..

"Hi best!" bati ko rito bago umupo sa upuan ko.

,"Hello beshy!" Aniya na nakaharap na sa akin.

Maya-maya'y dumating ng first subject professor namin na si Miss Janet Tañeda.

"Good morning class!!"

"Good morning Miss Tañeda!" we said in chorus.

"Uhmm before we start, I just wanna let you know na sa darating na Foundation Day ng university ay isa sa inyo dapat ang mag-perform on stage."

Puro hiyawan naman ang mga kaklase namin, obviously excited.

"May isa dito sa inyo na swerteng mapasama sa performance ng WOOKIES!"

Wookies? Di ba yun ang banda nila Rain? Whoa! Yung mga girl classmates namin puro dasal na ang ginagawa! Tsk! Ganyan ba talaga kasikat ang WOOKIES para sa mga babaeng yan? Tsk! Like, duh??

"Miss Samantha Villegas, you're lucky choosen by the wookies!"

Lucky choosen by the wookies. Ahdjdkeba!ncnflalanfmsm? Huh?

"Teka Miss Tañeda, I don't have any talent!"

"Pwes magkakaroon ka ng talent dahil ikaw ang pinili ng wookies!"

Putanginang Wookies! Anong gagawin ko? Sasayaw na nakaatras? Tumambling?

Magaling akong kumanta, sa CR lang. Saka, hindi pang bulgaran 'tong boses ko noh. Its exclusively mine and mine alone.

Mahirap na baka mangisay ang mga butiki pag narinig ang boses ko!

"Hoy Maia, what I'm going to do?" tanong ko sa kanya ng matapos ang first subject namin.

"Swerte mo nga besh, ikaw ang nakasama. Tignan mo nga si Thalia, yung labi parang tinubuan ng mukha sa sobrang bitter nya." natatawang saad nya.

Makakasama ko sila sa isang performance? Ni hindi nga nagpaparamdam sa akin yung vocalist nila e. Bwisit!

Bago matapos ang last subject namin sa umaga ay tinawagan ako ni Kelvin.

"Oh?"

"Punta kang hide out mamaya may meeting tayo 3:00pm."

"Oh, ba't ikaw ang tumawag? Ikaw ba lider?"

"Tss! Hindi ako, napag-utusan lang po madam!"

"Tss! Ewan ko sa inyo! Pakitanong dyan sa lider nyo kung nakalunok ba sya ng sanitary napkin. Tsk!"

Pagsabi nun ay pinutol ko kaagad ang tawag nya. Tss! Putanginang Rain! Nakakainis!

Ba't ba ako naapektuhan ng ganito? Aishh! Paki ko ba kung hindi sya magpaparamdam sa akin? Mas mabuti nga yun e, walang mangungulit sa akin, walang makipag-date.

Pero, di ko talaga alam. Deep inside me is wanting to see him, talk to him..

Ugghhh! I'm going insane!

What I'm going to do? Kinakabahan na ako! This isn't normal na talaga.

Haish! After ng klase ay umalis na ako papuntang hide out, vacant ko naman kasi ngayon kaya okay lang. Pero bago pa ako makapasok sa hide out may humila na ng kamay ko.

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon