Kabanata 29

1.2K 45 4
                                    

Wedding Day

As I walked down the aisle, kita ko na nag-aantay ang groom ko sa altar.

He's handsome kahit nangangayayat na. Wearing his tuxedo, he still look hot and handsome.

But this is not a typical wedding day. My groom is waiting for me in his hospital bed.

Nang makarating ako sa altar, hinawakan ko ang kamay ni Rain. Hinang-hina na sya.

He couldn't even able to talk..

Nararamdaman kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nginitian ko sya. Ganun din sya sa akin.

I whispered I love you to his ears as the ceremony started.

I was crying walang pakialam kung magkalat ang make up ko. Hindi ganito ang expected wedding ko e. Gusto ko ng masayang kasal. Yung hindi nahihirapan ang mahal ko.

Since hindi makapagsalita si Rain, ako nalang ang nagbasa ng vow ko para sa kanya. Nabasa ko na rin naman ang vow nya para sa akin e.

"Baby.." iyaka ko nang nag-umpisa akong basahin ang vow ko.

"Nagsimula tayo sa pretentious relationship, as fake boyfriend-girlfriend. Hindi ko inaasahan na mahulog tayo sa isa't-isa di pa man din umabot at natapos ang One a hundred days contract natin. May dumating na pagsubok, pero hindi yun naging hadlang para hindi natin ipagpatuloy ang maudlot nating pagmamahalan. Mahal kita Hubby, my Rain, my Raks, my Samonte.. I love you till eternity.."

"Ngayon, grabeng pagsubok ang dumating sa atin, at hindi ko alam kung kakayanin ko pa 'to. Hindi ko kaya e, inisip ko palang na hindi kita makikita, parang mamatay na ako."

Kita kong umiiyak na rin ang mga taong saksi sa kasal at  pagmamahalan namin ni Rain.

Patuloy parin ako sa paghikbi, kahit tapos na ang vow ko, patuloy parin ako sa pagsasalita.

"Mahal na mahal kita hubby ko.." sabi ko sa kanya.

Ibinuka nya ang bibig nya pero di ko marinig ang boses nya kaya lumapit ako..

"I-i l-love you s-so m-uch S-sam my wife t-till e-eternity.." paos at halos hindi ko na marinig ang sinasabi nya pero ramdam na ramdam ng puso ko ang bawat katagang binibigkas ng mga labi nya.

I kissed him. He kissed me back.

Pero yun na pala ang huling halik na mararamdaman ko galing sa kanya.

Dahil, pagkatapos ng halik na yun ay binawian ng buhay ang asawa ko.

Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Dahil pagkatapos pala ng kasal namin, kasunod ay burol ng pinakamamahal kong si Rain.

Halos hindi ako kumakain, lagi lang akong nagbabantay sa casket ng asawa ko. Ni hindi ko magawang kausapin ang parents ko at mga kaibigan ko.

Alalang-alala na sila mommy at Daddy lalong-lalo na si Kelvin.

Alam nya palang may sakit si Rain kaya ginawa nya ang pabor na hinihingi ni Rain, ang magkabalikan kami.

Pero, bakit naman ganito? Kung kailan okay na ang lahat saka naman sya nawala sa akin.

Pilit akong kinakausap ni mommy pero nakatulala lang ako sa nakapikit na asawa ko sa loob ng coffin.

I miss you already hubby.. Ba't mo naman ako iniwan ha?

Binibigyan ako ng pagkain ni Mommy pero di ko ito ginalaw, ayaw ko sa amoy..parang binabaliktad ang sikmura ko sa pagkaing dala ng mommy ko.

Siguro dahil tatlong araw na akong hindi kumakain.

"Sam.." si Kelvin..

Kaagad akong yumakap sa kanya at umiiyak sa balikat nya.

"Shhh, it's okay. It's OK.." alo nya sa akin.

We decided na ipa cremate ang labi ng asawa ko para makasama ko parin kahit man lang ang abo nya.

Days had past, weeks, nang mararamdaman kung nahihilo ako, magsusuka, laging pagod. Gusto ko nalang ang matulog ng matulog. Ni ayaw kong kumain dahil alam kong isusuka ko lang lahat..

Alalang-alala na ang pamilya ko. Gusto nila akong dalhin sa hospital pero tumanggi ako. Ayoko! Maalala ko lang ang asawa ko.

Pero, dumating sa point na pumayag na talaga ako dahil iba na talaga ang nararamdaman ko at nag-umpisa na akong mangayayat..

Pagkatapos kong mai-check ng doctor ay naghintay muna kami ni mommy sa labas para sa result ng test..

Gulat ako nang lumabas ang doctor at sinabing "Congratulations, you're two weeks pregnant.."

Shit! Sobrang saya ko. Hindi pala nasayang ang advance honeymoon namin ng asawa ko nun.

Fvck! Wala akong mapagsidlan ng saya ko ngayon. Pero masama ang tingin sa akin ni Mommy.

"Samantha??" parang inspector mills si mommy.

"Sorry mom, h'wag ka na po magalit, magkakaapo ka naman na eh.."

Napabuntong-hininga nalang si mommy. Kaya pala nanghihina ako, dahil buntis pala ako.

Hubby, kung nasaan ka man ngayon, I'm pregnant! I'm having our first and last baby in my tummy. Sana lang nandito ka para kumpleto ang saya. I love you hubby. Miss na miss na miss na kita. Sobra!

Masaya akong umuwi ng mansion. Ganun din si mommy.

Ibinalita ko sa biyenan ko at lolo ni Rain na buntis ako. Ganun nalang ang tuwa nung dalawa. Kahit daw papaano ay may naiwang ala-ala si Rain sa akin.

Pero nalungkot ako, kasi mas masaya kung nandito sya. Alam kong sabik na sabik na syang magkaroon ng anak, pero wala na di na sya nakaabot.

Weeks and months had past at ngayon ay ang araw ng pagluwal ko sa anak naming dalawa ni Rain.

It's a boy. And he has a perfect resemblance from his father. I named him Rain Matthew.

Masaya ako at the same time malungkot. Pero, okay lang. Alam ko masaya na ngayon si Rain kung nasaan man sya ngayon na makitang masaya kami ng anak namin.

Baby MattMatt is handsome like his father. Hayy! Sobrang inlove ko kay Rain kasi daw kamukha nya ang baby namin.

So, hindi ko mahal ni Rain, kasi wala nakauhang feautures sa akin ang anak ko ganun? Pero joke lang, green eyes ang baby matmat ko.. meaning, mahal na mahal namin ang isa't-isa ni Rain.

A/N

Thanks Readers! Sorry, sad story. 😔

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon