Kabanata 11

1.1K 46 2
                                    

19 years later.. (19 years ago)

"Ma'am Sophie, bilisan nyo po, parating na ang papa mo!" takot na saad ni Manang Siony.

Mabilis akong sumakay ng taxi at nagpahatid ako sa malapit na terminal.

Kailangan kong itakas ang anak kong babae, dahil pag nagkakataong maabutan ito ni Dad, kukunin nya ito sa akin at ang malala pa, baka patayin.

My Dad is a Chinese businessman. Culture na nila na ayaw nila ang magkaanak ng babae kasi hindi raw magagamit sa negosyo gaya ko.

I'm a useless daughter to my father.

"Manang Sion, ikaw na muna bahala kay Kelvin ha! Sabihin mo kay Sir Ralph mo kapag dumating, na lumuwas muna akong probinsya at alam na nya ang rason kung bakit."

Tumango naman si Manang Siony. Awang-awa rin sya sa anak kong si Ashley..

"Paano, pala ma'am pag nagtanong yung tatay mong mabait?"

"Sabihin mo lumuwas ako at may inasikaso. Basta yung si Kelvin ibigay mo sa daddy Ralph nya ha?" bilin ko.

Kaagad akong sumakay ng bus bitbit ang bag na may lamang mga gamit ni Ashley..

Sorry 'nak, kailangan muna nating maghiwalay para sa ikabubuti mo.. hindi ko man kayang gawin 'to sayo, pero kung alam kong ito ang mas nakakabuti para sayo, handa akong mag-sakripisyo anak ko!

Pinahid ko ng luha ko habang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na si Ashley.

My lil girl, my mini-me.. She has my eyes.

Napahikbi ako, dahil hindi ko kayang mahiwalay kahit na sa isa sa mga anak ko. Sobrang bigat ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang anak ko na natutulog.

Hinubad ko ang kwentas ko na regalo sa akin ni mommy nung 18th birthday ko. A gold necklace na may diamond pendant, at isinuot ko sa dalawang buwang si Ashley.

I sighed nang makarating ako sa bayan ng Samar. Halos dalawang araw din ang byahe ko papunta rito.

Naghahanap muna ako nang hotel na matutuloyan, medyo pagod na rin kasi ako..

"Magandang umaga po!" bati ko dun sa mag-asawang naglilinis ng mussels/tahong.

"Maupay man na aga ma'am (magandang umaga din po ma'am)."

"May alam po ba kayong malapit na hotel dito?"nakangiti kong tanong dito.

"Ako po si Ruben, ito naman ang asawa kong si Editha, wala po kaming alam na malapit na hotel rito ma'am eh.."

"Ay! Ganun po ba?" dismayado kong saad.

"Teka, saan ka ba galing ma'am?" tanong sa akin nung Editha.

"Galing po akong Maynila, ate Editha.."

"Aba'y dito ka nalang muna tumuloy, kami lang naman dito ng asawa ko. Diko kasi alam kung may hotel dito ma'am eh.." saad ulit ni ate Editha. Mukhang hindi naman kami magkalayo ng edad.

"Salamat po!" saad ko! Sobrang bait nila kahit di nila ako kilala.

"May dala ka palang sanggol, ilapag mo muna yang anak mo dun sa kutsun (foam)" ani ni Kuya Ruben.

Kaagad ko namang inilapag muna si Ashley dun sa may higaan at bumalik dun sa mag-asawa.

"Wala ba kayong anak, ate, kuya?" tanong ko. Kanina pa kasi ako dito pero wala akong nakikitang ibang taong pumasok sa bahay nila maliban sa kanilang mag-asawa.

"Naku, ma'am! Sampung taon na kaming mag-asawa nitong si Ruben, pero di parin kami biniyayaan ng anak eh." saad naman ni ate Editha at isinalang ang pinaghuhugasang tahong.

Sakto! Sa kanila ko ipaampon si Ashley. Mukha naman silang mabait..

"Pwede ko ba kayong makausap, ate Editha?"

Tumalima naman sila ni Kuya Ruben at umupo kami sa upuang kawayan roon.

"Ano ba yan, ma'am?"

"Sophie nalang po. Mapagkakatiwalaan ko ho ba kayo?"

Tumango si kuya Ruben, tumango na rin si ate Editha.

Sinabi ko sa kanila ang dahilan ng pagkapadpad ko ritong Samar. Awang-awa sila sa akin lalong-lalo na sa anak kong si Ashley.

Kaya nung sinabi kong ipa-ampon ko sa kanila si Ashley, ay kaagad silang pumayag.

"Ipangako nyo po sa akin na alagaan nyo po ng mabuti ang anak ko po, magpapadala po ako dito ng pang-gastos nyo weekly.."

Mabilis namang pumayag ang mag-asawa dahil magkakaroon na daw sila ng anak...

"Ba't di nyo pinuntahan yung pinagbilinan nyo kay Ashley, 'my?" tanong ko matapos i-kwento sa akin ang dahilan ng pagkaka-hiwalay namin ng kambal ko.

"Binalikan ko sila 'nak, pero nakaluwas na daw ng Maynila.." she sighed.

"Your mom and I did our very best para mahanap yung kambal mo Kelvin, pero huli na. Di na namin nahanap pa ang kapatid mo." malungkot na saad ni Dad.

I silently wiped my tears. Sabihin nyo ng gay, pero nasasaktan din ako sa nangyari sa amin ng kapatid ko.

My grandpa is a Chinese sa side ni mom. British naman yung grandma ko.

Sa side naman ni Dad British-Filipino kaya kuha ko yung sa Filipino na mata.

"Tama na po yan mom, dad.." sabi ko na nakangiti. "Hindi po tayo dapat na malungkot, kararating lang ni Dad eh.." dugtong ko.

They both smiled and hug me tight.

"We never stop looking for your twin sister Kelvin, just in case you wanted to ask."

I nodded and smiled. Pero napabuntong-hininga ako nang maalala na may kapatid pala ako. I feel so sad. Di ko alam kung ano ang nangyari sa kapatid ko, kung ok lang ba sya, kung nakakakain ba sya, o kaya kung buhay pa ba sya.

Hayyy.. naisip ko si Audrey, may green eyes din yun eh, at di nalalayo ang name na Ashley sa Audrey.

Posible kaya yun? Hmmm maybe.. pero pano ko hahanapin si Audrey? Mula nang umalis papuntang Germany kasama ang mom at stepdad nya, wala na kaming balits na magbabarkada..

Aishhh!!

A/N

Hi there silent readers 😉. Keep safe! God speed! 😘😘

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon