Kabanata 6

1.2K 38 0
                                    

Day 2

We're on our date na naman daw. Ngayon manood kami ng movie. Buti nalang wala kaming klase this afternoon kasi may meeting  ang mga head and professors ng campus namin.

We decided to watch a romantic movie, para naman daw maging aware ako kung ano ang ginagawa ng mag-jowa.

Tss! Ogag lang! Para daw pag ginawa namin hindi na ako magugulat! Tangina, nagmumukha tuloy kamatis ang pisngi ko.

Hindi porke't intact pa ang v-card ko e kailangan nyang ipamukha sa akin yan! Pwede naman siguro yan matutunan!

Yuck! Samantha, kumekerengkeng ka na!

Nung nasa kissing scene na yung movie, bigla kong tinakpan ang mukha ko, pero may maliit na puwang para makita ng kunti ang scene na yun.

"Tss! Para kang tanga!" aniya. Sinimangutan ko sya then rolled my eyes.

"Nagtakip ka pa ng mukha eh gusto mo namang makita!" aniya na natatawa.

"Shut up!" my cheeks turned to red na.

"Gusto mo e-try natin?" he said at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin.

Inumang ko ang kamao ko at inambahan sya ng mahinang suntok sa pisngi.

"Ouch!! Baka ma-deform ang kagwapohan ko Sam!" maarteng saad nya pero nakangiti. Lumabas tuloy ang biloy nya sa magkabilang-pisngi.

So gwapo, pero hindi ko ibigay sayo ang first kiss ko noh?.. eherm!

After namin manood ng movie, napag-pasyahan naming maglibot muna.

May napansin ako sa may isang section ng mga damit. And I saw Brian there.. and Maia???

What the heck? Anong meron sa kanila?

Napansin yata ako ni Rain na napahinto kaya hinila nya ako sa isang ice cream parlor.

Tinignan ko syang nagtataka.

"Tsk! Kain tayong ice cream. Mukha kang lutang dyan!" aniya at binuksan ang freezer.

Mabilis kong kinuha ang cookies and cream na cone doon. Pero inagaw nya.

"Akin yan!" I hissed.

"No! Sa akin to."

"Ako ang unang nakakuha nyan e."

"Well, nasa akin na ngayon." asar nya sa akin.

"Kuha ka nalang ng sayo, sa akin yang hawak mo eh!"

"Well, unfortunately last nalang 'tong cookies and cream na 'to."

"That's my favorite!"

"And this is my favorite too!" hindi parin sya nagpapatalo sa akin na inaasar lang ako lalo.

Tsk! Pinakaayaw ko yung inaagawan ako! Padabog ko syang iniwan doon at nagmamadaling lumabas ng mall.

Narinig kong tinatawag nya ako, pero hindi ako lumingon at binalewala syang humahabol sa akin.

Nang may makita akong taxi ay kaagad ko itong pinara at sumakay.

Saksak nya sa baga yung icecream nya! Tss! Kakainis sya. Napaka-ungentleman nya! Ako naman talaga ang unang nakapulot nun e, pero inagaw nya.

Bata na kung bata, pero ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung inaagawan ako!

Kung anong akin, ay akin! Ang kay Pedro, ay kay Pedro! Ang kay Juan, kay Juan!!

Pagkatapos kong ibigay ang pasahe ko ay inis akong bumaba ng taxi at dumeretso sa loob ng boarding house ko.

Maya-maya'y may narinig akong marahang katok sa pinto kaya kaagad kong binuksan.

I saw Rain outside, stood infront of my door.

"Uhmm, look Sam, I'm sorry earlier.."seryosong saad nya sa akin without even blinking.

"Yan lang ba ang ipinunta mo rito?"

"Yeah, I felt guilty kasi nang bigla ka nalang magdabog at iniwan ako roon.."

"Pasok ka!" aya ko sa kanya papasok. Kaagad naman syang pumasok at umupo sa mini sofa ko roon.

He stared at me na kaagad kong iniiwasan.

I heard him sighed. Kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Sorry talaga. Di ko alam na sa isang icecream lang eh, magtatampo ka ng ganun.."aniya na nakabusangot.

"Tama, icecream LANG yun." emphasize ko pa para dama nya.

"Nagso-sorry na nga eh.."

"Next time, huwag mo 'kong inaagawan, I really hate it!"

Nakangiti syng tumango sa akin pero sinisimangutan ko sya. Please lang huwag kang ngumiti Rakiel!

"Copy and noted, since my girlfriend is very sulky right now." aniya na natatawa.

Sinimangutan ko lang sya.

"Fake girlfriend kamo."ani ko.

Nakangiti lang syang nakatitig sa akin na ikinapula ng pisngi ko. Titig kasi ng titig .Tsk!

Okay! I'm kinda marupok kaya I can't resist his hotness and kagwapohan.

Crush lang naman. I didn't say na na-fall na ako. Crush lang, as in Infatuation..

There, you admit it Samantha.

Umuwi na rin sya pagkatapos nyang uminom ng coffee. Nagpunta lang daw sya rito para mag-sorry at makiinom ng kape. Oh diba?

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon