Kabanata 23

1.1K 49 4
                                    

Kelvin's POV

Naawa ako sa bestfriend ko. Pero mas naawa ako sa kapatid ko. Isa pa, my twin asked me a favor,na kung pwede daw sana ay hindi ko muna ipaalam sa mga kaibigan ko na magkapatid kami.

Pero, di ko alam kung matatago namin dahil parehas talaga kami ng pagmumukhang dalawa. Tsk!

After ng klase ay kaagad akong umuwi ng mansion dahil umuwi si Sam kanina kasi daw sumama ang pakiramdam nya. Di ko alam, pero I know, she's hurting right now.

Nang makarating akong mansion ay naabutan ko si Manang Siony sa may bakuran nagdidilig ng mga halaman.

"Manang, si Sam po?" tanong ko kaya napalingon sya sa akin.

"Nasa kwarto nya yata iho. Puntahan mo nalang."

Kaagad akong pumanhik sa kwarto nya to check her. Medyo nakaawang ang pinto kaya dumerecho ako sa pagpasok!

Fvck! Gulat syang napatingin sa akin kaya napahampas ako ng kamay sa hangin.

She's wearing only a lose t-shirt and a lose panty. Yung buhok nya sabog habang may toothbrush sa bibig nya!

"Samantha!" bulyaw ko sa kanya. Gulat naman syang napatingin sa akin at dali-daling nagtakip ng tuwalya!

"Magbihis ka nga!" Sigaw ko.

"Ba't ka ba sigaw ng sigaw!" Reklamo nya.

"Ganyan ka ba talaga? Pano nalang kung ibang tao ang pumasok rito?"

"Matuto ka naman kasing kumatok noh?" nakabusangot nyang saad.

"Matuto ka ring magsara ng pinto! Tsk!"

"Kailangan mo?" aniya.

I sighed. "I just wanna check kung okay ka lang ba." sabi ko.

"I'm fine." Aniya na nakatungo habang nilalaro ang toothbrush na hawak nya.

"Magbihis ka kaya muna, saka bumili ka nga ng panty!"

"Problema mo sa panty ko kuya?"

"Bumili ka kaya ng matino. Tsk! Suot mo lose thread, may butas. Hindi ka ba kinakabag dyan?"

Sumimbakol ang mukha nya. Haha bwisit! Kung di ko lang kapatid 'to, diko alam kung ano ang iisipin ko.

"Pero kidding aside Sam, are you really fine?"

Instead of answering me, she deep sighed.

"Bakit kuya, hindi ba ako dapat maging okay?"aniya sa malungkot na boses.

"Come here!"wika ko at niyakap siya.

"Kung kailan minahal ko na sya Kelvs, saka naman nangyari 'to." hikbi nya.

"Shhh! Everything will be alright. It might be taking so much time for you to move on, pero you'll eventually get through it 'kay?" Alo ko sa kanya.

Bigla syang bumitaw sa akin. "Naks, galing talaga sayo kuya! Bakit may naging jowa ka na ba?" natatawang saad nya habang pinunasan ang luha nya.

My phone rang. I saw Brian was the caller.

"Bry?" saad ko pagkasagot ng tawag.

"Alam mo bang kasal ngayon ni Rain kay Audrey?"

"What?"gulat kong tanong sa kabilang linya.

"Yeah. I know it's too sudden pero his grandpa invited us.."

I saw Samantha smiled bitterly. Fvck! She heard it!

Di ako nakaimik. I just ended Brian's call.

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon