Kelvin's POV
Here I am again ladies. Should I introduce myself again? Mukhang wala pa kasi kayong alam about me.
Well, I'm Kelvin Hashed Rinner, the one and only twin brother of Samantha Ashley Villegas. Alangan naman di one and only, kambal nga diba? I am five feet and eleven inches in height, and I am twenty years old. So, about my features? I've got a long eyelashes and double eyelids, pointed nose, pouty lips, my eyes are black and also my hair. In general, I am hot and handsome no question about that. Lols!
About my twin? She looks like me except to her green eyes. Mana kay mommy. Hmm, enough for that.
Riding my Kawasaki ZX- 10R superbike,ay dumerecho ako sa gig namin tonight sa bar ni Brian. Sila mom and dad ay nasa hospital parin dahil di pa nagigising si Sam. Hayy!
I wish she'd wake up earliest para naman makasama ko na sya. Sabik ako sa kapatid goodness!
Nang makarating akong bar ay kaagad kong hinanap ang tatlong kaibigan ko.
I saw them in a couch with girls except kay Rain na tungga lang ng tungga ng beer.
Tumikhim ako kaya napalingon sila sa akin.
"Kelvs!"bati nila Tyrone at Brian sa akin.
Tinignan ko si Brian habang nginusuan ko si Rain. Brian shrugged his shoulder.
"Kanina pa yan." sabi sa akin ni Tyrone.
"Anong problema nyan?" tanong ko.
"Di nya mahanap si Sam."
I tsk-ed. Wala din akong balak sabihin kung nasaan si Sam. He hurt my twin for goodness sake!
Busy naman si Tyrone sa babae nya. Grabeng mga 'to. Si Brian naman ganun din. Tsk!
"Baka mahuli ka ni Maia nyan." saad ko.
He smiled bitterly without saying anything sabay tungga ng beer na hawak.
I almost finished my shot nang magsalita ang emcee at tinawag kaming WOOKIES para sa aming gig tonight.
"Rain, let's go." saad ko rito. Nauna na sila Brian at Tyrone sa stage pagkatapos magpaalam sa mga babaeng kasama.
"I-ikaw n-a-lang k-kumantah Khelvs.."
Putek lasing na ang gago.
"Problema mo?"
"W-wala na s-he Sam, iniwan na a-kho, d-i k-o mah-hanap!"
"Gago!" yun lang ang nasabi ko at iniwan sya para pumuntang stage.
Ayokong sabihin sa kanya kung nasaan ang kambal ko. Sinaktan nya ito, at malamang sa malamang na sya ang dahilan kung bakit tulala si Sam nung araw na nabangga sya ni Daddy.
Bestfriend ko si Rain, pero kapatid ko ang nadedehado, alangan namang wala akong gagawin. I'll protect my only sibling as long as I can protect her.
After our gig ay mabilis akong sumakay sa superbike ko at dumeretso na ng hospital. Iniwan ko sila Brian, Tyrone at Rain dun sa bar.
Mom called earlier na nagising na raw si Sam kaya hindi na ako nakisabay sa tatlo.
As I stepped inside Sam's ward, sobrang bilis ng kabog ng puso ko. And I don't know why. I just couldn't explain the feeling.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Sam pag nalaman nyang magkapatid kami.
"Sam!" bati ko sa kanya at kaagad na lumapit rito.
"Kelvs!" masayang bati nya rin sa akin. She's smiling at me. Habang yung mga parents namin ay halos maiyak na ng makita kami ni Samantha.
"Anong problema ng parents mo? Ba't parang maiiyak?" she asked me innocently.
I look at my parents, asking if they didn't told Samantha yet through my glares. Umiling sila.
I held Samantha's hands as I sighed.
"Sam, pansin mo ba na magkamukha tayo?"
"Huh? magkamukha? Mukhang hindi naman eh. Mas maganda ako sayo." aniya na natatawa. Hindi ininda ang dextrose na nakasabit sa kanya.
Napangiti ako at hindi na napagilan ang luha ko pero mabilis ko itong pinahid.
"K-kasi Sam.." alanganin akong napatingin sa parents namin while holding Samantha's hands. I saw our parents nodded.
"Kasi?" tanong nya.
"Kasi, you're my long lost twin sister.."
She look so shocked! She's staring at me at biglang tumulo ang luha sa mga mata nya.
"You're kidding me right?" aniya.
Umiling ako. Noon nama'y lumapit sa kinaroroonan namin si mom at dad.
"I'm s-sorry Sam, pero totoo ang sinabi ni Kelvin." ani ni Daddy.
Samantalang iyak naman ng iyak si mommy habang yakap ni daddy.
"Bakit?" Samantha cried.
I didn't answer anything. Sumikdo ang dibdib ko nang makita ang tatlong mahal ko sa buhay na umiiyak. Kaya hindi ko narin napigilan ng luha ko.
"B-bakit n-nyo a-ako p-pinamigay??"
"Bakit nyo ko iniwan."
"Bakit ganun nalang kadali sa inyo na ipamigay ako?"
Mga katanungan ni Samantha na hindi namin nasagot.
"H-hindi kita pinamigay Sam.." saad ni mommy habang dahan-dahang lumapit kay Sam.
Samantha looked away nang makalapit si mommy.
"May dahilan kung bakit ko nagawa yun sayo princess.." iyak ni mommy.
"Dahilan? Lahat nalang ba ng bagay may dahilan?" may hinanakit na saad ni Sam sa mom namin.
"Ipinaampon kita dahil kailangan.."
"Bakit, naghihirap na ba kayo? Kung ganun, bakit ka pa nag-aanak kung di mo naman pala kayang panindigan ang responsibilidad mo bilang isang ina!"
"Sam.." saway ko rito. She glared at me. Mukhang galit na rin sya sa akin.
"H'wag mo naman singhalan si mommy.."
"Bakit, Kelvin, wala ba akong karapatang magalit huh? Naranasan mo ba ang nararanasan ko Kelvin? Nung namatay ang mga foster parents ko, naranasan mo na bang mamuhay ng mag-isa? Na halos wala kang makain? Na kailangan mong magtrabaho para may makain ka, may matirhan ka, may pang-aral ka dahil walang kamag-anak na kumupkop sayo?"
"Hindi diba? Tapos ganun lang kadali sa inyo na i-approach ako at sabihing kayo ang tunay na pamilya ko?"
"Anim na taon akong namuhay na mag-isa na wala ang kinikilala kong magulang, kaya hindi ko na kayo kailangan!" saad pa nya sabay tayo at tanggal ng dextrose nya.
"Samantha!" singhal ni Daddy rito. Si mommy iyak lang ng iyak.
"Oh, bakit? Wala kang karapatang singhal-singhalan ako Sir!" galit na saad ni Sam kay Daddy.
"Sam, h'wag ka namang bastos sa parents natin.." awat ko rito.
"Parents mo lang Kelvin!" singhal nya sa akin sabay tayo at akmang aalis pero pinigilan sya ni mommy.
"Nak, please.."
Pero tinampal lang ni Samantha ang kamay ni mommy sabay labas ng kwarto. Pero bago pa ito makalabas, tiningnan nito si Daddy.
"Sorry sir, pero ikaw na magbayad sa bill ko rito, ikaw naman nakabangga sa akin." yun lang at ibinalabag nya ang pinto.
Ganun nalang ang iyak ni mommy. Inalo naman sya ni Daddy habang umiiyak na rin.
"Mom, Dad, nadadala lang ng galit si Sam, pasasaan ba at mapapatawad nya rin tayo.." wika ko.
A/N
Medyo naiyak ako sa chapter na 'to, kayo ba? 😭😭
BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomanceSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...