3
First day ng fake relationship namin ni Rain Rakiel, I'm nervous. To think na I will act as a girlfriend, nakupo!! Di ko alam ang gagawin ko. I never been in a relationship pa kasi. In fact, NBSB ako.
"Di mo man lang sinabi sa akin na boyfriend mo na ang isang cold na leader ng Meteors.."naka-pout na saad ni Maia sa akin pagkapasok namin sa classroom namin.
Meteors? Napahagalpak ako ng tawa. Meteors talaga? Hahahaha ano yun Meteor garden lang ang peg?
Sinimangutan nya ako dahil sa kakatawa ko.
"Anong tawa-tawa mo diyan. Nagtatampo pa ako sayo ha!" asar nyang sabi sa akin.
Di ko pa pala nasabi sa kanya ang tungkol sa contract namin ni Rain.
I looked at her seriously na ipinagtataka nya.
"What?" inis nya paring saad sa akin.
"May sasabihin ako, pero huwag mong sabihin sa iba ha?"
Tumango naman sya pero halata parin na nagtatampo sya.
Sinabi ko sa kanya ang lahat, dahil sa problema ko about sa tuition fee ko next sem ay sinunggaban ko ang offer ni Samonte.
"Are you still sane Samantha?"
"Tingin mo sa 'kin baliw?"
"Oo! Baliw ka na! Di mo alam ang consequences sa pinasukan mo!" she tsk-ed.
"Kapit lang sa patalim best.."saad ko. Sinimangutan nya ako sabay iling.
"Pero the good thing is, makikita ko lagi si Brian. Ok na rin yan Sam!"
Binatukan ko nga. Akala ko ba ayaw nya? Yun pala gusto nya lang din lumandi kay Brian.
"Aray! Ba't ka ba nambabatok?"
"Akala ko ba ayaw mo sa pinasukan ko?"
Imbes na sumagot bumungisngis lang sya.
Last subject namin ng biglang nagtilian ang mga classmate naming mga babae.
Tsk! Umiling nalang ako. For sure dumaan na naman yung apat na engkanto.
Nakaub-ob lang ako sa upuan ko at nagmumuni-muni.
"What are you doing here Samonte?" anang ni professor Jane.
Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rain na ngayo'y naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Sit in ma'am! Any problem?" nakangising saad nya kay prof. Jane at padabog na umupo sa tabi ko.
"Ah-ehh nothing sir.." kandautal na tanggi ni Prof..
Lahat ng mga kaklase kong babae halos nasa akin nakatuon ang pansin.
Inirapan ako ni Thalia, one of my classmates na sa tingin ko ay patay na patay sa isa sa apat na engkanto.
Tinaasan ko sya ng kilay. At asar na nginitian sya.
Nang tignan ko si Maia, kumikindat sya sa akin habang inginuso si Rain sa tabi ko na humalukipkip. Tsss! Problema nya?
Matapos ang last subject namin ay nagmamadali akong nagligpit ng gamit at mabilis akong umalis iniwan si Maia.
Gusto kong umiwas kay Samonte kasi kinkabahan ako.
"Where do you think you're going Villegas?"
Napahinto ako sa paglakad ko at nilingon si Samonte.
"U-uuwi??" nakangising saad ko sa kanya.
But he just looked at me. Checking me from head to foot.
"Today is the first day of our contract, if ever you forgot." he said.
Napatikhim ako. I cleared my throat first before I speak.
"Wala naman tayong gagawin, kaya uuwi nalang ako."
"Let's date.."
Bigla akong napaubo. Date? As in D-A-T-E?? Napaka-straight forward naman ng isang 'to.
"Looks like, hindi ka pa nagka-boyfriend sa lagay na yan Villegas."
Mas lalong lumakas ang ubo ko sa sinsabi nya. Bwisit!
"Of course not! Anong akala mo sa akin, inosente?" nakataas ang kilay na saad ko sa kanya sabay tikhim. He just smirked.
Tss! Pansin ko hindi nya kasama ang tatlo ngayon. Himala! Halos magkadikit ang mga 'to eh.
"Nasaan yung tatlo? I mean your friends?"
"I'm on a date kaya stop asking!" aniya sabay hila sa akin papuntang parking kung saan nandun ang kotse nya.
Hinila ko ang kamay ko pero mas hinigpitan nya ang hawak.
"I didn't say yet na makipag-date ako sayo.."
"You signed our contract. So, you have no choice but to follow me. Remember, I already paid you!"
"Get in!" aniya nang hindi ako sumagot.
"Paid me? Bakit bayad mo na ba tuition ko for next sem? Tss!"
"Unfortunately, I already did!"
Napanganga akong nakatingin sa kanya and he winked.
Shit! My heart thumping.. napalunok ako at tumingin nalang sa labas ng kotse nya.
We're here in a mall. Anong ggawin namin dito?
"Let's eat.." aniya at iginiya ako sa isang mamahaling restaurant.
"Do we have to do this?" I asked. Pero hindi nya ako kinibo.
"Hoy Raki!" tawag ko ulit sa kanya sabay sundot sa tagiliran nya kaya napaigtad sya.
Tinignan nya ako ng masama. Nginisihan ko lang sya.
"What?" aniya.
"Sabi ko, kailangan pa ba nating gawin 'to eh wala naman dito family and friends mo."
"Yes! I guess you already read rule number three."
Tsk! Sinimangutan ko sya.
"Saka, para masanay ka na rin, just in case na makaharap natin ang family and friends ko, alam mo na ang gagawin. Sa tingin ko kasi, virgin ka pa!" nakangising saad nya sabay smirk.
Pinandidilatan ko sya ng mga mata at babatuhin ko na sana ng sapatos ko nang biglang dumating ang waiter at kinuha ang order namin.
"Wala akong pambayad!" ingos ko sa kanya.
"Akong bahala!"
Hmm? Siya pala ang bahala ha! Sige nang makaganti naman ako. I laughed evily in my thoughts.
Napanganga sya na halos orderin ko ang lahat ng nasa menu. He has this mauubos-mo-yan look. I just smirked.
Halos mapuno ang table namin sa inorder ko. Wow! Mukhang masarap ang mga pagkain.
Nilantakan ko muna ang steak na naroon. Kukuha sana si Rakiel pero tinampal ko ang kamay nya.
"No! Raks, you're not allowed to touch my food." I winked habang subo parin ng subo.
"Ok, pero ikaw magbabayad nyang kinain mo!" aniya.
Napaubo ako at mabilis na uminom ng tubig.
Naghiwa ako ng steak at inilagay sa plate nya. He eyed me curiously.
"Joke lang naman yun Raks, here eat this!" sabi ko pa habang nilalagyan ng hiniwang steak sa pinggan nya.
He smiled evily kaya sinimangutan ko lang sya. Sana mabilaukan! Hmmmp!
Bigla syang napaubo. Nagdilang-anghel ka Samantha! Let's party!!
BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomanceSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...