A/N
SORRY FOR TYPOS AND ERRORS! 😉 ENJOY READING!!!
1
"Sam, ready ka na ba for the next sem?" tanong sa akin ng kaibigan slash bestfriend ko na si Maia.
"I dunno best, kulang pang-enroll ko eh. Di kasi ako nakakuha ng part time this week." malungkot kong saad.
"Ngayon ka pa ba susuko Samantha? Isang sem nalang graduate na tayo at matutupad mo na ang pangarap mong maging isang flight attendant."
Di ako umimik. Wala rin naman kasing patutunguhan kung sasagot pa ako.
"I'll help you!" maya-maya'y saad nya na nagpalingon sa akin sa kanya.
"You're kidding right? Tss!"nakangusong saad ko.
"Gagamitin ko yung savings ko, para may pang tuition ka next sem Sam.."
"No." angal ko.
"Yes!"
"No!"
"Yes."
"Aish!! Ewan ko sayo Maiang!"
Natigil yung pagtatalo namin ni Maia nang marinig namin ang tilian ng mga studyante sa hallway ng campus.
As usual, andito na naman ang apat na nilalang na mga hambog lalong-lalo na yung pinaka-lider nila na si Rain Rakiel Samonte. Palibhasa, mga mayayaman! Tss!
"Ayy! Rain!!" tili ng isang studyante di kalayuan sa pwesto namin ni Maia.
"Ang gwapo mo talaga Kelvin! Pa-kiss!!" tili naman nung isa.
"Akin si Rain!!!"
"Jowain mo na 'ko Brian!!"
"Mas gwapo ang Tyrone ko!!"
Napailing nalang ako. Tss! Sa apat na taon ko dito sa Houston University ay ganyan na ang nangyayari araw-araw. Di pa ba sila nagsasawa sa kakapuri ng mga nilalang na yan?
Si Kelvin lang ang alam kong mabait sa mga yan. Pero yung tatlo, mas makakakita ka ng demonyo sa lupa kaysa impyerno!
"Tara na!" aya ko kay Maia at dinampot ang bag ko at mabilis na naglakad papuntang hallway kung saan naroon ang mga apat na engkanto..
"Basta I'll help you ha!" aniya.
"Hahanap ako ng paraan, just don't bother." tanggi ko.
"Tss! Pride Sam.."
Andito na kami sa hallway at andito parin yung apat na may umaaligid na mga hitad. Tssk! Pati ba naman sa hallway maglalandian sila.
Pambihira naman kasi, walang ibang way papunta ng classroom namin maliban sa hallway na 'to..
Nakita kong nakatingin si Rakiel sa akin, kaya sinimangutan ko sya at mabilis na naglakad habang nasa likod ko naman si Maia na sige ang pa-cute kay Brian.
Unfortunately, ka-batch namin sila. Kami ni Maia Tourism, samantalang sa Engineering naman yung grupo nila Samonte.
"Girlfriend, wait!" narinig ko pang sambit ni Samonte bago kami makapasok ni Maia sa classroom namin.
Edi wow! May girlfriend din pala ang playboy na yun? O baka flavor of the day lang.
Siniko ako ni Maia kaya napatingin ako sa kanya. Ngumuso sya sa likod ko kaya napalingon ako. There, I saw Rain Rakiel Samonte smirking towards me.
"Hi! Girlfriend!" aniya sabay kindat sa akin. Napaturo ako sa sarili ko and he nooded.
Yung ibang kaklase namin napatili, merong ibang nagagalit at naiinis.
Bigla akong napaubo nang kurutin ako ni Maia sa tagiliran kaya pinandidilatan ko sya ng mata.
"Teka! Okay ka lang Samon..." pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko bigla nya akong hinaklit sa braso at hinila kung saan.
We ended here at the roof top. Inis kong kinalas ang braso na hawak nya.
"Nababaliw ka na ba Samonte?" inis na tanong ko sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin kaya napatikhim ako.
"Bakit mo ba ako dinala rito? Saka anong sinasabi mong girlfriend??"
"I'll pay you!" he said.
What?? Babayaran nya ako? Ano to? Reypin nya ako? Mag tsugtsug kami? No way! Ibahin nya ako! Ayokong ibinta ang Bataan ko noh? Iaalay ko 'to sa mapapangasawa ko!
"No way, Samonte! Anong akala mo sa akin, easy to get na papayag na bayaran para sa isang one-night stand?? Huh? Huwag ako uy!!"
Sa halip na sumagot ay bigla syang humagalpak ng tawa! Tsk! Anong mali sa sinabi ko?
"I won't pay you for a one-night stand Miss! You're not my type."aniya na nakangisi sa akin.
Inismiran ko sya. Tss! Bakit? Maganda naman ako ah!
"So, ano pala yung sinasabi mo?" ismid ko.
"I'll pay you to act as my fake girlfriend.." aniya na seryoso na nang tumingin sa akin.
"What???" di-makapaniwalang tanong ko.
"I'll pay you 300,000.."
What? A three with five zeros?? Tanggapin ko na ba o hindi? Malaking tulong 'to sa enrollment ko next sem.
"300,000 for one hundred days Miss.." he continued nang hindi ako sumagot.
Bigla akong napaubo. Three months mahigit? Three hundred thousands? Sunggaban ko na ba 'to? Tatlong buwan lang naman eh. Madali lang yan kasi fake girlfriend eh. Act fake lang. Kayang-kaya ko yan!
I looked at him seriously, yung tipong di nya ako makikitaan na nagbibiro para may pang tuition ako.
"You'll pay my tuition fee next semester, and you also shoulder all my school project's expenses. That's enough. Forget the three hundred thousand." I said at iniwan sya roon sa rooftop.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa at mabilis akong bumaba sa second floor kung saan naroroon ang classroom namin.
Pang tuition lang ang kailangan ko ngayon saka sa mga school project's at lalo na sa thesis..
Mahirap pag wala kang magulang, wala kang kamag-anak na malalapitan.
Fourteen pa lang ako nang maulila ako sa mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente nang pauwi sila galing sa trabaho.
Hindi ko na inalam kung sino ang mga kadugo kasi, wala rin namang maisagot sila nanay at tatay dahil ampon lang ako. Ang tanging alaala lang ng mga totoong magulang ko ay isang kwentas na diamond ang pendant.
Hindi ko na rin inisip na hanapin pa ang totoong mga magulang ko, tutal wala rin naman silang kwenta.
Masaya na ako sa piling ng nanay at tatay ko, dahil mula pagkabata inaaruga nila ako na parang isang tunay na anak.
A/N
Bear with me till the end 😉
BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomanceSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...