* Stay safe and Stay at home para maiwasang mahawaan ng nakamamatay na CORONA VIRUS. Maniwala kayo sa STAY AT HOME, huwag kayo magpapaniwala sa ITLOG kontra COVID-19***
Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Rain sa boarding house ko para daw sabay kaming papasok ng school. Hindi na ako makatanggi kasi nandito na sya eh.
"Ba't ang aga-aga mo?"
"Siyempre para maabutan kita!"
"Di mo naman kasi ako na-inform kahapon."
"Nakalimutan ko eh.." walang pakialam na saad nya at humiga sa sofa.
"Tsk! Ganyan ka ba talaga?"
"Oo, kaya maligo ka na, amoy tikbalang ka na!"
"Ano!? Aba't.." kinuha ko yung tsinelas ko at ibinato sa kanya.
"Aray! Ba't ka ba nambabato ha!" reklamo nya sabay himas ng noo nyang natamaan ng tsinelas.
Inirapan ko lang sya at dumeretso na sa banyo para maligo.
Amoy tikbalang talaga? Nakakaamoy na ba sya ng tikbalang ngayon?
Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis ng uniform at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko syang may kausap sa phone nya pero kaagad naman nyang ibinaba nang makita ako.
"Lets go?" Aniya.
Tumango ako at nagpatiunang lumabas ng boarding house.
Saktong 7:30 kami nakarating ng campus. Lahat nagulat nang makita akong bumaba sa kotse ni Rain. Maliban sa barkada ni Rain at Maia na ngayo'y parang di makatae sa sobrang pigil ng pagtili.
Mabilis akong naglakad papasok nang gate nang bigla akong akbayan ni Rain. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Bitaw!" inis kong sita sa kanya.
"Ayaw.."aniya.
"Tss! Isa!"
"Dalawa.." aniya na nakangiti pa sa akin. Pinanlalakihan ko sya ng mga mata pero ginaya nya lang ako. Ah ganun ha?
Kaya bigla kong inapakan ang sapatos nya ng sobrang diin kaya napahiyaw sya sa sakit.
"Aww! Shit! Shit! Shit!.. ang ingrown ko.. awww!!" aniya habang hawak-hawak ang paa na inapakan ko.
Tinaasan ko sya ng kilay at mabilis na umalis. Narinig ko pang kinantyawan sya nila Kelvin, Brian at Tyrone. Buti nga sa kanya.
Pagkapasok ko nang classroom ay kaagad kong nakita si Maia habang busy sa kakadotdot ng cellphone nya.
"Hoy!" sundot ko sa tagiliran nya. Kaya napaigtad sya sa gulat.
"Ginulat mo naman ako best.." aniya.
"May utang ka sakin.."
"Huh? Magkano?"akmang kukunin nya ang wallet sa bag pero pinigilan ko.
"Hindi pera best. May utang kang kwento sa akin." wika ko sabay kindat sa kanya.
Nangunot ang noo nya habang nakatingin sa akin.
"Sus! Huwag ka ng magkunwari riyan. I saw you with Brian yesterday."
Bigla syang natahimik at namula ang mukha nya. Kinwento nya sa akin na niyaya daw sya ni Brian ng date kaya hindi na sya tumanggi lalo na't may gusto sya rito.
"Pano mo kami nakita?" tanong nya.
"I'm with Rain kahapon! Day 2!" nakabusangot kong saad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hundred Days With You (COMPLETED)
RomantizmSamantha was being paid to act as a fake girlfriend of Rain Rakiel Samonte sa loob ng tatlong buwan mahigit. Samantha has no other choice but to accept the offer of Samonte. Pero, hindi pa umabot ang hundred days ay hulog na sila sa isa't-isa. And j...