"HALA SHET, NOONA! ANG GANDA!" Sigaw ni Haechan, nang magpunta ako sa classroom nila at saka iabot sa kanya 'yung portrait niya.
"Sakto lang. Um, keep it, okay?" Sabi ko naman, and then he grinned saka tumango.
"Naman! Ang gwapo ko ditooo, nice! Anyway, sa Saturday 'yung competition, noona. Make sure you come!" Sabi ni Haechan, and I just smiled at him before nodding. "I'll chat you the details."
♡♡♡
Saturday is in two days. Friday na bukas and I'm so nervous. Paano kapag nakita niya ako na nanunuod, and what if magalit siya? Magagalit ba siya?
I sighed, and finished up my piece of today. It was a quick sketch of him. I smiled, kaya lang ay nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng art club room.
"Come in!" Sabi ko, dahil alam kong si Venley lang naman ang papasok at bibisita sa akin dito.
I was surprised, however, nang makarinig ako ng ibang boses. What the hell?!
"Oh... is that me?" Tanong ni Ten, kaya naman ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon.
Shit. Si Ten! Nakita niyang dinadrawing ko siya! Oh, God. Anong gagawin ko?!
Sasabihin ko nalang na hindi.
"Uh, o-oo," sagot ko, and I closed my eyes due to exasperation.
Hindi nagkaisa ang utak at bibig ko! Sabi nang wag aamin na si Ten 'yan, eh! Pero... halata naman na rin siguro.
Mas ikinagulat ko naman nang maupo siya sa upuan na katabi ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon, and I saw that he had a smile across his face as he looked at the piece.
"You're actually great at this, huh? I figured why you'd spend so much time doing art. Good job. Anyway, uhm, para sayo 'to," sabi niya sa akin, kaya naman namula ang mga pisngi ko at saka napakunot ang noo ko.
Para sakin? Ang alin?
He then gestured to the mini gift bag he was holding, and I widened my eyes. Para saan 'yun?! Saka bakit para sa akin?!
"Those are just art materials I bought that day, nung magkasalubong tayo sa may stationery shop. I don't need it anymore, so I thought you might want to have it," sabi niya, and I blinked.
Ramdam ko ang tibok ng puso ko. Toki doki.
Para akong mauubusan ng hininga, and my fingers were trembling. Hindi ako nagulat na bumili siya nito, but I was more surprised to the fact na... dumaan ako sa isipan niya. But why?
"Uhm, ayaw mo ba?" Tanong niya, na siyang nagpagising sa akin.
"H-Hala, hindi! Nagulat lang ako. uhm, salamat, ha? Thank you talaga," sabi ko, stuttering, but then he chuckled and ruffled my hair.
"Una na ako, Sai. May practice pa ako." Sabi niya, and I smiled at him saka tumango. "I loved your drawing, by the way."
When the door closed, nanlaki ang mga mata ko.
He loves my drawing.
He wasn't mad.
He loves my drawing!
Oh. My. God.
♡♡♡
"Ang lawak ng ngiti. Bakit, naging kayo ba ni Ten, ha?" Pang-aasar ni Sungjae sa akin, habang kumakain kami sa NCity.
Bukod kasi kina Venley, si Sungjae ang nakakaalam ng mga ganap ko sa buhay. Hindi ako sure kung bakit, pero basta komportable ako kay Sungjae. Actually, he courted me before pero ngayon, naging best friend ko nalang siya. We decided that if it didn't work out that way, baka mas mabuting magkaibigan nalang kami. And it was true.
"Hindi. But look, binigay niya sakin, oh?" Sabi ko, at saka ngumiti ng malawak while showing him the mini gift bag from Ten.
Inagaw naman niya agad, at saka sinilip ang laman. Ngumanga naman siya, at saka binalik na sa akin 'yun.
"Weh? Bigay niya 'yan? Andaming drawing pens, tapos iba't ibang type ng brushes! Tapos meron pang mga pang-shading! Tapos tubes ng paint na oil-based. Hooooy, galing sa kanya 'yan?" Tanong niya na tuloy-tuloy, and I grinned while nodding. "Chos, lawak ng ngiti. Akala mo nagpropose si Ten."
"Pake moooo? Kumain ka nalang, Sungjae." Sabi ko, and then he pouted saka kumain.
"Kapag naging kayo ni Ten, ipaghanda mo ako ng pangbuffet!" Sabi niya, narrowing his eyes at me kaya naman ay natawa ako.
"Asa ka," sabi ko, at kumain na.
Mali, Sungjae. Asa tayo.
YOU ARE READING
hug me ♡ ten
Fanfiction[ nshitty series ] "hug me," in which she asked for a hug from him, but he wasn't one to give in so quickly. cover by @venleyy