hug me ♡ twenty five

36 8 2
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa classroom, nagulat nalang ako dahil naramdaman ko ang paghila ng kung sino sa buhok ko. It stings, kaya naman ay hindi ko napigilan ang mapa-sigaw.

"Ouch, stop!" Sabi ko, kaya lang ay kinaladkad niya pa ako hanggang sa nakarating kami sa gilid ng building.

She let go of my hair, at saka ako tinulak sa wall but I didn't show her na nasaktan ako. Magsasaya lang siya lalo. Crossing her arms across her chest, she glared daggers at me.

"Wag kang maka-ouch ouch sa akin, ang arte arte mo! Anong walang kayo ni Ten?! Anong ginawa mong panggagayuma?! Bakit kayo magkasama nung minsan? He even treated you to lunch again at kayong dalawa lang!" Sigaw ni Fatima sa akin, kaya naman napakunot ang noo ko.

"Ano ba sayo yun, Fatima? Magkaibigan kami!" Sagot ko, trying to stand up for myself kaya lang ay nasampal na agad ako.

"Matapang ka na nyan?! Don't talk back to me! Sagutin mo lang ang gusto kong malaman! I don't care about whatever else na sasabihin mo!" She exclaimed, at saka sinampal akong muli.

Naiiyak na ako, pero pinigilan ko. Even my cheeks felt stingy. Kahit na sumigaw ako dito, alam ko naman na walang magtatanggol sa akin dahil they will be too scared to stand up to someone lalo na at wala namang kinalaman sa kanila.

"Bakit kayo magkasama?!" She asked, making me look down.

"He went with me-"

"I HATE YOU SO MUCH! HAHAHAHA, teka nga, kung sugatan ko ba 'yang mukha mo, lalapitan ka pa ni Ten? Hm, maybe next time. Ngayon, gugupitin ko nalang 'yang buhok mo!"

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata nang maglabas siya ng gunting at saka sabunutin akong muli.

"Fatima, please! Tama na!"

She started cutting my hair, at nagsituluan nalang ang mga luha ko nang isaboy niya sa mukha ko ang buhok na nagupit niya.

"Nanggigigil ako sayo, Saiko Minami! Watch out, hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sayo,"

Nang marinig ko na ang paglayo ng mga yapak niya, nagtuloy tuloy nalang ang mga luha ko. I clenched my fists at saka hinayaan na magbagsakan ang mga luha ko.

Why am I so weak? Bakit hindi ko nanaman naipagtanggol ang sarili ko kay Fatima? Nakakainis!

I stared at my hair na ginupit niya. Although hindi naman mahaba 'yun, halata pa rin na hindi siya pantay. Anong gagawin ko ngayon? No one should see me like this.

Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko ngayon, dahil napaupo nalang ako kanina sa floor nang umalis siya. Screw it.

I took my phone out, dialing the number of who I think would be there to make me feel better. After a few rings, sinagot naman na niya ang tawag ko.

"Oh, Sai? Napatawag ka? May klase ka ah? Hindi ako pumasok," sagot niya agad, and I couldn't stop myself from sobbing again.

Naaawa ako sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko?

"C-Can we hang out? I need you,"

"Sai, ayos ka lang? Fuck, papunta ako dyan. Hintayin mo 'ko,"

"Thank you, Sungjae. You're really my best friend,"

"Mamaya ka na magpasalamat. I'm on my way."

hug me ♡ tenWhere stories live. Discover now