CHAPTER 25

1.1K 23 0
                                    

*ERICKA POV*

PABAGSAK na humiga ako sa kama.Katatapos kolang maligo at gabi na.
Kanina ay lumangoy lang kami sa tubig hanggang sa makaabot na kami dun sa nakaharang sa dagat.

Napatitig nalang ako sa kisame.
Nasaan na kaya si Ashton ngayon?Anong kayang ginagawa nya?
Magkasama ba sila ni Daisy ngayon?

Napapikit nalang ako ng marandamang parang may kumirot sa puso ko.Hayts!!Buti pa si Daisy ay may baby.

Umayos na ako ng higa at nagkumot na.Pinatay kona yung lampshade sa table na nasa gilid ng kama ko.
Ipinikit kona ang mga mata ko at natulog na.

**__**

Nagising ako ng may marinig na kumakatok sa pinto ng cabin ko.

"Ericka!!Gumising kana!!Tanghali na!!"boses ni Clariz.

Tumayo na ako at tinignan yung oras sa wall clock.9:35 na pala.

Pumunta ako sa pinto at binuksan yun.

"Nako naman Ericka!Kanina pa ako kumakatok dito!Halika na at kakain tayo sa labas"sabi ni Clariz kaya tumango ako.

Isinara kona yung pinto ng makaalis sya.Nag ayos na ako ng sarili ko at ilang minuto lang ay natapos na ako.

Black T-shirt at naka short lang ako ng lumabas.Nakita ko naman agad sila Chloe kasama yung mga lalake kaya lumapit na ako sakanila.

"Ohh!Buti naman at nandito kana!May mga tindahan dito kaya dito tayo bibili ng makakain"sabi ni Rose kaya tumango ako.

Naglakad na sila kaya sumunod nalang ako.Ilang minuto ang nilakad namin ng may marating nanamin yung mga tindahan.

"Bentelog nalang tayo"natatawang sabi ni Eunice ng makakita ng bentelogan.

"Sige!!"sang ayon nila.
Hindi naman sila maaarte pagdating sa mga pagkain.Mukha nga silang hindi mayayaman dahil sa suot nila na simple lang.Makikita molang sa kutis nila dahil alagang alaga nila yun.

Pumunta na kami sa bentelogan at bumili na.Doon nadin kami kumain.
Ang dami nilang inorder.Hotsilog lang yung akin dahil hindi naman ako medyo gutom.

Hindi kami kasya sa isang table kaya yung mga lalaki ay nasa kabilang table.
Kumain na kami ng nag uusap sila habang ako at tahimik lang.

NASA kalagitnaan kami ng pagkain ng may mga kababaihang tumigil sa gilid namin.Nasa pinaka gilid kasi yung table namin.

"Look girls!May mga mahihirap pala na nakapasok dito"sabi nung isang babae at nag sitawanan naman yung mga kasama nya.

"Duh!Ang hihirap nyo naman!Kakain kayo dito sa cheap na--ewan koba kung anong tawag dito!"sabi pa niya at tumingin pa sa nagbabantay.
Parang kasing edad lang namin yung babaeng tindera.

"May mga babae pa dito na mahihirap!"sabi naman nung isa pang babae kaya napataas yung kilay ko.

Napatingin naman ako kay Linds na tumayo.
"Excuse me!?Kami ba ang sinasabi nyo?FYI!Mas marami pa ang pera namin kaysa sainyo!Baka gusto nyong isampal kopa yung pera ko sainyo!"sabi niya.

"Duh!"Ang cheap nga ng suot mo eh!Baka sa sobrang hirap mo ay hindi ka makabili ng magagandang damit"sabi ng isang babae at tumawa pa.

Sasabat pa sana si Lindsey pero pinigilan kona sya at tumayo din.
"Tama na yan!Wag ka ng pumatol sa mga babaeng walang alam tungkol saatin!"sabi ko at lumapit sa isang babae.

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo kaya kung ako sayo ay kilalanin mo muna kami bago ka magsalita"bulong ko sakanya at umalis na.

Ramdam ko naman na sumunod yung mga kasama ko.Buti nalang pala at naubos din namin yung pagkain.

Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]Where stories live. Discover now