CHAPTER 27

1.1K 26 1
                                    

*ERICKA POV*

SINUNDAN kolang yung mapa sa cp ko.

Ilang oras din ang byahe ng makarating ako sa destinasyon.Bumaba na ako ng kotse at tinignan yung nasa harap ko.

Malaking mansion.Napalilibutan ng mga puno dito at walang kabahay bahay.
Tanging itong mansion lang yung nakatayo dito.

Pumasok ulit ako sa kotse at kinuha yung cp ko.Konting kalikot lang dun at nahack kona agad yung mga gadgets sa loob ng mansion.

Lahat ng sulok ng mansion ay may CCTV pero konti lang yung bantay.Madali kong napatay yung nga CCTV sa loob.

Lumabas na ulit ako sa kotse at naghanap ng bintana papasok dahil may bantay dun sa pinto.
Nang makakita ay pumasok na ako dun at tinignan yung dala kong cp kung nasaan ba si Lyrra.

Luminga linga muna ako sa paligid bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sinundan ko yung nasa cp ko at dinala ako nun sa parang baba ng mansion.

Bumaba ako dun at sakto lang dahil walang mga bantay.Nakikita ko yung mga CCTV na nakakabit sa bawat kanto ng pader.

Naglakad na ulit ako at sa pinakadulo ay may isang silid.Papasok sana ako dun ng mapansing nakalock pala.

Agad ko namang kinuha yung hairpin ko sa buhok at ipinasok yun sa doorknob.
Buti nalang pala ay lagi akong naglalagay ng hairpin sa buhok kapag umaalis.Hindi lang napapansin.

Nang bumukas yung pinto ay agad akong pumasok at sinara yun.
Tinignan ko yung kabuuhan ng silid.Napatigil naman yung tingin ko sa kama.

May nakahiga dun at nakabalot ng kumot.
Agad akong lumapit dun at dahan dahang tinanggal yung kumot.

Nakahinga naman ako ng naluwag ng makitang si Lyrra yun na tulog.Napatingin ako sa mukha nya na may mga pasa.

Damn!!Anong ginawa nila sakaniya!?

Tinanggal kona yung kumot sa katawan nya at nakita ko na puro pasa sya.May mga sugat din sya at parang may sariwa pa.

Pati sya ay nadamay.

Gumalaw sya at nagmulat ng mata.Agad syang napaupo ng makita ako at bigla nalang yumakap saakin.

"Salamat at nandito kana!!Maraming salamat!!"parang nahihirapan na sabi niya.

"Ayos kalang ba?Anong ginawa nila sayo!?"tanong ko at humarap sakanya.

"Wala yun!Umalis na tayo para mahanap moba agad yung mga anak mo"sabi niya at pilit na ngumiti.

"Tell me!Anong ginawa nila sayo!?"madiing sabi ko.

"Ahm!Wala naman!Binubugbog lang nila ako kapag sinusubukan kong kuhain yung cellphone ko"sabi niya at mapakla pang natawa.

"Katulad kanina!Nangyari ulit dahil kinuha ko yung cp pero masaya ako dahil nalaman mo na"dagdag na sabi niya.

"Mauna kana!Susunod nalang ako!Here's the key...Umalis kana dito"sabi ko at binigay sakanya yung susi ng kotse.

Hinawakan ko sya sa kamay at inalalayan patayo.Lumabas kami ng kwarto at inilabas kona sya sa mansion nayun.
Idinaan ko sya sa bintana para hindi kami makita.

"Teka!Paano ka?"tanong niya ng nasa labas na sya.

"Wag mo na aking alalahanin!"sabi ko at ngumiti sakanya."Kaya kona ang sarili ko"

"Fine!Sasabihin kotoh kila Chloe"sabi niya at umalis na.

Napabuntong hininga nalang ako at hinanap yung may pakana nito.

Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]Where stories live. Discover now