SPECIAL CHAPTER

2.1K 40 3
                                    

*ERICKA POV*

"DADDY!!I want this!"sabi ni Pink habang hawak yung doll house na medyo malaki at may mga maliliit na tao pa sa loob.

"Ok baby!"sabi ni Ashton at kinuha na kay pink yung laruan.

"Wala naba kayong bibilhin?"tanong ni Ashton sa tatlo.

"Wala napo!"sagot nila Asher at Erish.

"Nasaan nanaman si Pink?"tanong ni Ashton ng mapansing wala nanaman si Pink.

Hayts!Ang napakakulit talaga.
Five years old na sila at nandito kami sa mall para bumili ng kung ano ano.

Nag yaya kasi yung tatlo na mag mall daw kami kaya nandito na kami.

"Daddy!!Eto pa oh!"biglang sulpot ni Pink na may hawak na barilbarilan.

"Anong gagawin mo dyan?Pang lalaki yan ah"sabi ni Asher kay Pink.

"Babarilin ko lang yung lumalandi sa crush ko"sabi ni Pink kaya napaawang yung labi ko.

Grabeng bata toh!!
Ang bata bata pa may crush agad!?

"Who's that boy?"seryosong tanong ni Ashton.

"Ahm!Nothing dad!Wag nyo na po palang bilhin toh!Bayaran nyo napo yan"sabi ni Pink at binalik na yung laruan sabay tago sa likod ni Erish.

"Don't worry,Pink!Your crush is safe"sabi ni Erish at tinapik tapik pa yung balikat ni Pink.

Hayts!!Matured na talaga mag isip si Erish.
Parang sya yung nagiging ate nila dahil iba na ang isip nito.

"Mom!Let's go na!I know na nagugutom na sila Asher at pink"mahinahong yaya ni Erish saamin kaya napangiti ako.

Napakabait na bata!

"Ok baby!Babayaran lang ni daddy itong toys nyo"sabi ni Ashton at pumunta na sa cashier.

Nag squat naman ako para mapantayan si Erish.

"How's school?"tanong ko.

And yeah!Nag aaral na nga sila at nasa kinder na sila.

"It's boring mom!My teacher ask me 2+2 is."sabi niya.

"And?"

"Very easy mom!A piece of bullet to me"sabi niya kaya mahina akong natawa.

Napatingin naman ako kay Pink na nagbibilang.
Natawa nalang ako.

"And mom!My teacher ask me what is 'Matter'."dagdag pa ni Erish.

"Ang dali nun Mom"sabi niya at napasapo pa sa noo na parang problemado talaga.

Natawa nalang ako."Don't mind them!Just enjoy baby"sabi ko at tumango naman sya.

"Let's go family!"biglang sumulpot si Ashton.
Natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Para kang baliw"sabi ko at mahing pinalo yung braso nya.

Umalis na kami dun at pumunta sa isang restaurant.Kumain na kami dun ng nagkukwentuhan at masayang kumakain.

Nang matapos kaming kumain ay nag gala gala kami.Hawak ko si Asher habang hawak naman ni Ashton yung dalawa.

Napahinto naman ako ng huminto sila.
"Daddy!Yung sintas ng shoes ko"sabi ni Pink.

Yumuko naman si Ashton para ayusin yung sintas ni Pink.
Nakita ko yung pagkindat ni Pink kay Erish pati na saamin kay natawa ako.

Tinanggal naman ni Erish yung pagkakaayos ng sintas nya.

Tumayo na si Ashton at aalis na sana ng pigilan sya ni Erish.
"Dad yung akin din po"sabi ni Erish.

Yumuko ulit si Ashton para ayusin yung sintas ni Erish.
Natawa nalang ako ng makitang tinanggal ulit ni Pink yung sintas nya kaya ang nangyari ay inayos ulit ni Ashton.

Tumatawa lang kami ni Asher habang pinaglalaruan lang ng dalawa si Ashton.
May naalala tuloy ako.

"Tsk!"rinig ko kay Ashton sabay biglang buhat sa dalawa kaya napatili sila at sabay na tumawa.

Naglakad na ulit kami papunta na sa kotse.Sumakay na kami at nagmaneho na si Ashton pauwi sa bahay namin.

Yup!May bagong bahay kami dahil gusto daw kaming masolo ni Ashton.Hahaha daming arte diba.

"Mommy!I'm sleepy na"sabi ni Asher habang kinukusot kusot yung mga mata niya.

"Matulog ka nalang muna dyan!Bubuhatin ka nalang ni daddy kapag nasa bahay na tayo"sabi ni Ashton at ilang segundo lang ay bagsak na si Asher.

"Napaka antukin ng batang yan"sabi ni Ashton kaya natawa ako.

"Malapit na yung Christmas!Anong plano mo?"tanong ko kay Ashton.

"Bahala na!"Sagot niya.

"Mommy!Pupunta po tayo kay Lola kapag Christmas na?"tanong ni Pink.

"Pupunta din poba si Mamang?"tanong ni Erish.
Tawag nila sa mama ni Ashton ay lola tapos kay tita naman ay mamang.

Ewan koba kung bakit yan yung naisip ni tita.
Tinuruan kasi ni tita yan na mamang yung tawag sakanya.

"Pag iisipan namin"sabi ko at ngumiti sakanila.

Napatingin naman ako kay Ashton ng hawakan nya yung kamay ko na nasa hita ko.

"Huy!Baka mabangga tayo"sabi ko.

"Don't worry!Hawak ko ang kamay mo kaya hindi ko hahayaang mangyari yun"sabi niya kaya napangiti ako.

****

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]Where stories live. Discover now