*1 WEEK HAD PAST**ERICKA POV*
Napangiti ako sa nakikita ko ngayon.Nasa walker yung dalawang kambal habang nilalaro sila ni Ashton.
Si Asher naman ay tulog nanaman na nakahiga sa sofa na katabi ko.Nandito kami sa sala at nilalaro yung mga bata.
Naging maayos naman ang lagay ni Ashton ng isang linggo.Hindi ko talaga sya pinapabuhat ng mabigat gaya ng sabi ng doctor na gumamot sakanya.Maayos na sya pero hindi ko parin sya pinapabuhat ng mga mabibigat.Hindi korin pinapabuhat sakanya yung mga bata dahil baka mabinat yung braso nya kahit gustong gusto na nyang buhatin si Baby pink.
Napatingin ako kay baby pink na humahalakhak na sa tawa dahil kay Ashton.
Naglalaro silang dalawa habang si baby Erish naman ay nakatingin lang sakanila.Mahina akong natawa dahil dun.
Tungkol naman kay Chloe ay wala pa akong balita sa sinasabi niyang kalaban ng papa ko.
Naisipan kong tawagan sya kaya kinuha ko yung cp ko at tinawagan si Chloe.
Ilang Segundo lang ay sinagot na nya ang tawag."May balita naba?"tanong ko.
[Nakausap na nila Theo yung mga yun at inaayos palang nila para hindi na magkaroon ng laban]
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kaya naman nating lumaban ahh!Wag nyo na silang kausapin kung ayaw nila,makikipaglaban nalang tayo kung ganun"sabi ko.
[Nako Ericka!Hayaan mona sila Theo ang mag ayos nito.Mag enjoy nalang kayong magpapamilya jan]
Napairap nalang ako dahil dun.
Nagpaalam na ako at pinatay na yung tawag.Napatingin ako kay Ashton na nakatingin na din pala saakin.Ngumiti ako sakanya na binawian nya din naman ng ngiti.
"Sino yung kausap mo?"tanong nya.
"Si Chloe"sagot ko kaya tumango tango sya at lumapit saakin.
Tumabi sya saakin ng upo.Naramdaman ko yung braso nya sa bewang ko kaya tinaasan ko sya ng isang kilay.
"May problema nanaman ba kayo?"tanong ni Ashton.
Paktay!
"Uhm..!A-ano..."napakagat ako sa ibabang labi ko."May kalaban nanaman daw kasi kami pero inaayos na nila yun"
Hindi nya pa kasi alam yung tungkol dun dahil hindi kopa nga sinasabi,ngayun kolang nasabi sakanya.
Tumango tango lang sya at tumingin sa mga bata.
"Mamasyal kaya tayo?"sabi niya.
"Saan naman tayo mamasyal?"tanong ko.
"Ayy wag na pala!Baka mapahamak lang tayo sa labas"sabi niya kaya mahina akong natawa.
"Anong oras naba?"tanong niya kaya tinignan ko yung oras sa cp ko.
"12:00 na"sabi ko.
"Kain na tayo"yaya nya kaya tumango ako.
Tumayo na ako at kinuha yung mga bata habang si Ashton naman ay naghahanda ng mga pagkakainan namin.
Nakaupo na yung mga bata sa pang baby na upuan kaya umupo narin kami ni Ashton.
Magkatabi kami ni Ashton at nasa gilid namin yung mga bata.Kumain na kami at yung sa mga bata ay pang baby talaga na pagkain.
Anong tawag dun?Cereal?Ahh basta!"Punta kaya tayo mamaya kay tita?"sabi ni Ashton kaya napatigil ako sa pagkain.
YOU ARE READING
Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]
RomanceWARNING: 【THIS STORY MAY CONTAIN SOME PARTS MAY NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS】 GENRE:romance General fiction and action