Chapter 6

2.2K 39 0
                                    


°ERICKA POV°

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng restaurant.
Nagulat ako ng may humatak saakin palayo kila Ashton.

"ASHTON!!!"sigaw ko.
Nakita ko namang nag labas ng baril yung isang lalaki.
Lumaban ako para hindi nila ako madala pero malakas sila.

Lumakas yung tibok ng puso ko ng makarinig ng putok ng baril.
Parang bumabalik sa utak ko yung nangyari dati.

Nakita ko si Ashton na may hawak ding baril at nakikipag barilan.
Napapikit ako dahil sa putok ng baril.

Nagulat naman ako ng maramdamang wala ng nakahawak saakin.
Nakita ko pa ang isang grupo na nakikipag bubugbugan dun sa mga naka itim.

May nagtakip ng panyo sa bibig ko at nahilo ako dahil sa amoy nun.
Bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko ang pag tawag saakin ni Ashton.

°ASHTON POV°
Nakita kong dinadala na ng mga naka kulay asul na damit si Ericka.
Naubusan na ako ng bala kaya umatras na ako.

Wala akong nagawa kundi ang tignan yung mga papalayong lalaki.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko at tinawagan sila James.

Pinauwi kona kanina sila Claire dahil baka madamay pa sila.
Pumunta na ako sa HQ dahil dun kami magkikita kita.

Pag pasok ko ay nandun na yung mga tauhan ko.

"Bro easy lang!Mahahanap din natin sya"sabi ni James.

"Find her!NOW!"madiing sabi ko.

"Easy!Na track namin ang cp nya kaya mabilis lang natin syang mahahanap"sabi ni Clark.

Nakita ko namang may kinalikot na sya sa hawak nyang cp.

"Here!nahanap kona"sabi ni Clark.

"Wag na!Hayaan nyo na sya"sabi ko at nakita kong nagulat sila.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Chicago.

"Wag nyo na syang hanapin"sabi ko at umalis na dun.

Hindi na sya kailangan hanapin!
Kaya na nya yun!

°CLAIRE POV°
Nakasilip ako sa bintana at hinihintay si ate.
Nakita kong kinuha sya kanina.
Sana ay ayos lang sya.

"Claire!Kumain kana,dadating din yun si ate mo"sabi ni Tita.

"Mamaya napo pagdating ni Ate"sabi ko.

"Pero malilipasan ka ng gutom"sabi ni Tita.

"Busog papo ako!Marami po akong nakain kanina"sabi ko.

"Sige!Ikaw ang bahala"sabi ni Tita.

Ate nasaan kana ba?

°ERICKA POV°
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko.
Pagmulat ko ay nasa isang silid ako.

Tumayo ako at lalabas sana ng naka lock yung pinto.
Ang dilim dito.
Walang ilaw at bintana kaya sobrang dilim.

Anong oras na kaya?

Narinig kong may mag bubukas ng pinto kaya napabalik ako sa kama.
May pumasok dun na isang lalaki na parang nasa 20+.

"S-sino ka?Anong k-kailangan mo saakin?"tanong ko.

"Don't worry Ericka!Hindi ako ang kalaban mo,ibinilin ka saakin ng papa mo"sabi niya na ikinahinto ko.
Si papa?Ipinabilin ako ni Papa sakanya?

"Sino ka?"tanong ko.

"I'm Theo!Kaibigan ni dad ang papa mo"sabi niya kaya tumango ako.

"Bakit ako nandito?Gusto ko ng umuwi"sabi ko.

Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]Where stories live. Discover now