CHAPTER 24

1.1K 21 0
                                    

*ERICKA POV*

NAGISING ako ng wala sa tabi ko si Ashton.Bumangon na ako at naligo na.
May damit ako dito kaya nagbihis na ako.

Lumabas ako ng kwarto nya at napahinto ng makita si Daisy at si Ashton na nasa sofa.
Magkaharap sila pero may space sa gitna nila na para pang may kung anong bagay dun.

Walang ingay na naglakad ako papunta sa gilid para hindi nila ako makita.
Parang may karayom ba tumusok sa puso ko ng makitang may baby na nilalaro si Ashton dun.
Tumatawa pa sya habang nilalaro yun.

Napatingin nalang ako sa sanggol na nakahiga sa sofa.Hindi ko alam kung bakit hindi ako magalit sa sanggol nayun.

Sa katunayan ay dapat galit ako sakanya dahil anak sya ni Ashton kay Daisy pero bakit parang hindi yun ang nararamdaman ko?
Dahil ba mahilig ako sa mga bata?Siguro nga.
Tsaka wala syang kasalanan.Isa lang syang batang inosente.

Pumasok ulit ako sa kwarto at hinanap yung cp ko then tinawagan si Chloe na agad naman nyang sinagot.

"Good Morning Ericka!"bati nya kaya napairap ako.

"Walang good sa morning ko!Sunduin moko dito sa bahay!Isama mona yung nga bitches,Aalis tayo"sabi ko at pinatay na yung tawag.

Napatingin ako sa bintana dito sa loob ng kwarto.
Dito nalang siguro ako dadaan para hindi ko sila maistorbo.Napangiti nalang ako ng mapait.

Lumabas na ako dun at buti nalang ay nagkasya ako.Pumunta ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko.
Kinuha ko yung shoulder bag ko at lumabas na ng bahay.Sakto namang may itim na van ang huminto sa harap ko.
Basta si Chloe talaga ang sinabihan ko ay mabilis kumilos.

Sumakay na ako sa passenger seat at umalis na kami dun.

"Saan tayo pupunta?"tanong ni Chloe.

"Kahit saan basta makalayo lang tayo dito!"sabi ko at tumango naman sya.

ILANG minuto palang ang byahe ng huminto yung kotse.Napatingin ako sa labas at napakunot ang noo.

"Kakain muna tayo!Hindi pa kami nag aalmusal at alam kong hindi karin nag almusal!"sabi saakin ni Chloe kaya tumango ako at lumabas ng kotse.

Mukhang mamahalin ang restaurant na toh at tanging mayayaman lang ang makakain dito.
Buti nalang at may mga mayayaman akong mga kaibigan.

"halika na Ericka!Ako na magbabayad sa kakainin mo!"sabi niya kaya natatawang tumango ako.

Pumasok na kami sa restaurant at umupo sa bakanteng upuan.Umorder na kami ng lumapit yung waiter.

Nang dumating na yung order namin ay kumain na kami.

Mabilis lang kaming natapos dahil medyo onti lang yung inorder namin.
Lumabas na kami dun at sumakay na sa kotse.
Pinausad na ni Chloe ang kotse.

"Outing nalang tayo guys!!"sabi ni Rose na sinang ayunan naman nila.

"Mall muna tayo!Wala tayong mga damit"sabi ni Chloe kaya pumunta na kami sa mall.

Bumili kami ng mga damit at swimsuit para pang swimming.Sila din ang nagbayad ng mga pinamili ko na tinatawanan kolang.
Hindi nila alam na may pera din naman ako.

Nang matapos na kaming bumili ng kung ano ano ay sumakay na kami ng kotse at umalis na kami.

*ASHTON POV*

"F*ck!!Where's Ericka!?"iritang sabi ko at palakad lakad.

Nang umalis sila Daisy kanina at wala na si Ericka sa kwarto ko.Bakit ba kasi inuna kopa sila Daisy kaysa kay Ericka!?Damn!!

"Easy Bro!Nandito lang yun si Ericka,Malay mo kasama sya ni Chloe at gumala lang sila"sabi ni James kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Imperial Obsession Wild Pervert Boss [Complete]Where stories live. Discover now