AYUMI'S POV
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sanga ng puno malapit sa fields habang nagbabasa. Komportable ako dito dahil walang nanggugulo sakin. Malapit kasi tong puno na to sa may highschool buildings. This university has 5 buildings for elementary and highschool students kaya malawak talaga ang sakop nito. Idagdag pa ang mga buildings na mahigit sampu para sa mga college students.
May isang oras pa bago magsimula ang susunod kong klase kaya naman may oras pa ko para magbasa. I really enjoy reading, nakakaalis ng stress at panandalian kong nakakalimutan ang mga isipin ko sa buhay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang muntik nakong mahulog dahil sa gulat nang may biglang mambato sakin. Inis na lumingon ako sa pinanggalingan nung ibinato sakin. Only to find an unfamiliar guy who owns a smile that irritates me.
"Hey pretty girl! Delikado diyan sa taas ng puno. Pwede ka namang magbasa dito sa baba ehh" Nakangiting sabi niya. Di ko mapigilang itaas ang kilay ko.
"Mas delikadong mambato alam mo ba yun?! Muntik nakong mahulog!" nakataas pa rin ang kilay ko habang nagsasalita.
"Oh sorry hihihihi. Di ka parin nagbabago haha" bulong niya pero kahit mahina lang yon ay narinig ko parin. Nagtaka naman ako. Why does it sound like we've already met before? Tumalon ako pababa sa puno.
"Whoa!" he look amazed. Seriously? What's wrong with him?
"Sino ka?" mayabang na tanong ko sakanya. I can just ignore him, but I don't know what's wrong with me, napipikon ako. Saglit akong natigilan nang mapansin kong parang familiar ang mukha niya.
"Wait... have we met before?" kunot noong tanong ko. He just smiled and extended his hand in front of me.
"Hi Miss, I'm Zandrick" he introduced as he smiled once again. Di niya naman hilig ngumiti noh -_-
"Okay" I replied, ignoring his hand. Guni guni ko lang siguro. As far as I can remember, wala akong kilalang Zandrick. I turned my back on him. Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero naiinis talaga ako sa presensya niya. Di pa man ako nakakadalawang hakbang nang bigla ulit siyang magsalita.
"Di ka man lang ba magpapakilala?" tanong niya. And take note, paglingon ko sakanya, nakangiti nanaman siya. Napabuntong hininga ako.
"Ayumi" tipid na sagot ko pagkatapos umalis nako. Narinig ko pa siyang sumigaw mula sa malayo.
"It's nice to meet you again Ayumi! See you around!"
I stopped when I heard that. 'Again'? What does that mean? Lumingon ako para sana magtanong sakanya pero paglingon ko wala na siya. O-Kay? That guy is weird, very weird.
*
"Weird guy?" nagtatakang tanong ni Yshie.
Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan sa apartment ngayon, kauuwi lang namin pareho galing sa trabaho.
"Oo... Uhhh ano nga bang pangalan niya? Zach? Zandy? Uuhh I'm not sure" sagot ko. Naikwento ko kasi sakanya yung lalaking nakita ko kanina.
"Hahaha ikaw talaga Yumi kahit kailan hirap na hirap kang makaalala ng mga pangalan" tumatawang sabi niya.
"I remember that time when I arrived here and became your roommate. You called me Shiena pffftt"
Natawa naman ako nang maalala ko yun...
F L A S H B A C K
2 years ago
Kauuwi ko lang galing sa resto nang may makita akong babaeng nakatayo sa tapat ng pintuan ko. Bahagya pa kong kinabahan sa pag-aakalang tauhan siya ni Dad pero nang makalapit ako todo ngiti siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Royalties [COMPLETED]
БоевикShe's a woman who had everything she want except for one thing... FREEDOM... She's too desperate for freedom so she decided to leave everything just to obtain it. Years had past and her life's not like the previous one. And then one day, she met thi...