SAKURA'S POV
"Keira Torres, 13th floor, room 606" rinig kong sabi ni Yuki mula sa ear piece na suot ko, personal kong ginawa to, kasing liit lang siya ng isang pamintang buo, kaya hindi yun kapansin pansin
Inayos ko yung uniform na pang janitress na suot ko saka tinulak ang cart na naglalaman ng mga gamit panglinis. Pumasok na ko sa elevator at pinindot ang number 13
'Sakura, your mission is to put a camera and wiretaps to Keira's condo unit. And do your best to put a tracker on her phone' - yan ang utos ni Ate Reign sakin
Pagbukas ng elevator, hinanap ko ang room 606, nang mahanap ko, pinindot ko yung doorbell, di kalaunan bumukas yung pinto
"Ako po yung naatasang maglinis sa unit niyo ma'am" magalang na sabi ko. Kaagad naman niya kong pinapasok
"Kanina pa kita hinihintay, I'll just take a bath, you can clean the living room first" nang makapasok na siya sa banyo, kinuha ko yung pampunas at nagkunwaring naglilinis. Inikot ko ang paningin ko para icheck kung may mga camera ba, chineck ko din ang detector na gawa ko at nang masiguro kong wala, nilabas ko na yung maliit na camera na dala ko. Nilagay ko yun sa gilid ng aircon na nasa sulok. Hinawakan ko ang tenga ko
"Sakura speaking, can you see the place properly?" tanong ko sa kabila.
"Yes, the angle is good" yung isang lalaki naman ang sumagot sakin, kung hindi ako nagkakamali, Cyrix ang pangalan niya.
Nilagay ko naman yung maliit na maliit na wiretap sa ilalim ng center table. Sinubukan kong magsalita
"Can you hear me?" tanong ulit gamit yung microphone na nilagay ko
"Yes" sagot naman ni Yuki, napangiti ako. Tracker nalang ang kulang
Hinanap ko ang phone niya, nakita ko yun sa loob ng kwarto niya, dali dali kong binuksan yung likod saka ko nilagay yung tracker. Naglagay din ako ng maliit na gsm bugs na makakapagsend ng mga sounds mula sa phone papunta sa headquarters.
Kaagad akong lumabas ng kwarto nang matapos ako, bahagya akong nagulat nang bumungad siya sakin pagbukas ko ng pinto. Kunot noo niyang nakatingin sakin
"What are you doing there?" nagdududang tanong niya. Ngumiti naman ako
"Nilinis ko na din yung kwarto niyo ma'am" palusot ko, nakahinga naman ako ng maluwag nang tumango siya, kinuha niya yung wallet niya at may inabot siyang 2 thousand
"Here's your tip, you can leave now" nakangiti ko namang tinanggap yun saka nako lumabas. Nang makasakay ako sa elevator, hinawakan ko uli ang tenga ko
"Sakura speaking, mission accomplished"
BRIX'S POV
"Christian Martinez, red sports car, the plate number is 1366" rinig kong sabi nung Yuki ba yon, basta yung singkit na kaibigan ni Yumi. Ibinulsa ko muna ang shades na suot ko saka lumabas sa kotse ko. Nasa parking lot ako ngayon ng isang mall, naatasan akong lagyan ng tracker, camera, at wiretaps ang kotse ni Martinez
Nagikot ikot ako at pasimleng tinignan ang mga plate number ng mga sports car na nakikita ko, di naman nagtagal nahanap ko. Lumapit ako dun at kinuha yung gamit sa bulsa ko, maya- maya lang nabuksan ko yung pinto. Napangisi ako, ang galing ko talaga
Pagpasok ko kaagad kong nilagay yung maliit na camera sa tapat ng dash cam, nilagay ko naman sa dulo ng manibela yung wiretap na galing kay Sakura, sunod naman yung tracker, nilagay ko sa ilalim ng upuan
"Oh ano? Ayos ba?" tanong ko sa kabilang linya
"Oo" boses naman ni Cyrix yung sumagot. Mas lalong lumawak yung ngiti ko.
BINABASA MO ANG
The Royalties [COMPLETED]
AcciónShe's a woman who had everything she want except for one thing... FREEDOM... She's too desperate for freedom so she decided to leave everything just to obtain it. Years had past and her life's not like the previous one. And then one day, she met thi...