AYUMI'S POV
Pinipigilan kong ipikit ang mga mata ko dahil natatakot akong sa oras na ginawa ko yun, hindi na ko magising pa. Habol habol ko ang hininga ko habang pilit na humahakbang palabas. Sa tingin ko ano mang oras ngayon ay pwede akong mawalan ng malay, or worst, bawian ng buhay.
But no, kailangan kong makapunta sa hospital.
F L A S H B A C K
"Kill her"
Napaatras ako nang may mga pumasok na mga naka itim. Katulad na katulad ng suot nila ang suot nung sumusunod sakin nung minsan sa mall. Sa tantsa ko ay nasa sampu sila.
Pinalibutan nila ko. Naging alerto ako sa kung ano mang kilos ang gagawin nila.
"Sino kayo at sinong nag-utos sainyo?!" matapang na tanong ko. Ngunit walang sumagot ni isa sakanila
"Sa tingin mo ba talaga sasabihin nila kung sino?"
Napalingon ako sa nagsalita, prenteng-prente siyang nakaupo sa kama ko at nakangisi sakin.
"Ano pang hinihintay niyo? Patayin niyo na yan"
Akmang susugod yung isa sakin nang inunahan ko siya ng suntok. Nang mapaatras siya, saka ko tinandyak yung isa. Sunod sunod ang pagsugod nila sakin at sunod sunod din ang pagiwas ko at minsan ay gumaganti ako ng suntok at sipa.
Tatlo palang ang napapatumba ko. Peste! Matagal tagal na rin ang lumipas mula nang mapaaway ako ng ganito. Napangiwi ako nang taaman ako sa tagiliran ko. Nahawakan ako ng isa mula sa likod at nang makita kong susugod na yung isa sa harapan ko, sinipa ko siya sa mukha, napaatrass siya saka niya nabunggo yung nasa likod niya dahilan para matumba sila.
Sunod ko namang siniko sa tagiliran yung nasa likod ko at nang mabitawan niya ko, hinawakan ko yung magkabilang balikat niya sabay siba ng maselang bahagi ng katawan niya. Napasinghap ako nang may sumakal sa leeg ko mula sa likod gamit at braso niya. Bumwelo ako pagtapos ay iniuntog ang ulo ko sa ulo niya. Nang lumuwag ang pagkakasakal niya, ginawa kong oportunidad yun para makawala saka ko pinalipit ang kamay niya sabay suntok sa sikmura niya.
Hingal na hingal ako nang matapos kong patumbahin lahat ng sumugod sakin, sunod kong nilingon yung sa tingin ko'y leader nila na walang emosyong nakatingin sakin. Sa kanilang lahat siya lang ang walang takip sa mukha. Nanlilisik ang mga mata kong tumitig sakanya.
"Inuulit ko. Sinong nag-utos sainyo?" bahagya akong nagulat nang tumawa siya ng mahina.
"You're a pretty good fighter, Mrs. Takizawa" akmang magsasalita ako nang maramdaman kong may isang matalim na bagay na tumusok sa may tagiliran ko.
"Sh*t!" Di ko mapigilang mapamura nang hugutin ng isa sa mga nakaitim yung kutsilyo na nakatarak sa tagiliran ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit saka ko pilit dinidiinan yung paghawak ko para mapigilan ang pag-agos ng dugo ko.
"Too bad. You're also pretty stupid" mas lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko ang nakakainis na ngiti niya.
"D-D*mn y-you!"
Tumalikod na siya at naglakad paalis.
"That's enough. Euwan Takizawa might arrive any moment now. We'll deal with him later"
Binalot ako ng kaba sa narinig ko.
"W-Wag niyo siyang s-sasaktan" hirap na hirap na sabi ko. Subalit nagtuloy tuloy lang sila sa pag-alis.
E N D O F F L A S H B A CK
Napangiti ako ng mapait. Kanina pa nanlalabo ang paningin ko. Marami nang dugo ang umagos sa sahig. Hanggang dito na lang ba ko?
BINABASA MO ANG
The Royalties [COMPLETED]
AcciónShe's a woman who had everything she want except for one thing... FREEDOM... She's too desperate for freedom so she decided to leave everything just to obtain it. Years had past and her life's not like the previous one. And then one day, she met thi...