Chapter 16 : Sakura

185 6 0
                                    


AYUMI'S POV

"Ms. Perez... Ms. Perez!"

Napatayo ako nang tawagin ako ng prof namin. Halos lahat ng tao sa classroom nakatingin sakin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

"Y-Yes Sir?"

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot. Are you sure you're okay? Nabalitaan kong nahospital ka for a week at kapapasok mo lang kahapon. I think you should go home. Mukhang hindi pa maganda ang pakiramdam mo" napayuko ako.

"I-I'm sorry Sir. If you'll excuse me" magalang na banggit ko

"Yeah. Just go home and take a rest, maputla ka pa. Ako nang bahalang magpaalam sa mga susunod na klase mo"

Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng classroom. Yeah right. I'll just go home.

Nang makarating ako sa bagong tinitirhan ko, kaagad akong nagtungo sa kwarto saka ako dumapa sa kama. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko. Hindi ko pinansin ang sakit na naramdaman ko sa may tagiliran ko nang matamaan ko yung sugat ko. Dahil walang wala ang sakit na yon sa sa sakit na nararamdaman ng pesteng organ na to

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang madischarge ako sa hospital. At dalawang araw na din ang lumipas mula nang lumipat ako ng bahay. Kasalukuyan akong nakatira ngayon sa isang condo na malapit lang din sa school. Pag-aari to Euwan, nagpumilit siyang dito nalang ako tumira pansamantala. Gaya ng sabi niya, nang matapos ang kontrata namin ay binigyan niya ko malaking halaga ng pera, may mga property din siyang binigay na sakin lahat nakapangalan. Tumangi ako pero nagpumilit pa siya kaya wala na rin akong nagawa. At ang pinakamalala sa lahat...

Tumihaya ako saka itinaas ang kaliwang kamay ko. Tinitigan ko yung singsing na binigay niya sakin. Hanggang ngayon suot suot ko parin to

"You're not wearing your wedding ring so I thought you don't like it and I bought a new one. Don't removed it"

Hinayaan ko lang tumulo ang mga luha ko. Kahapon pumasok kaagad ako sa school para kahit papaano mabaling sa iba ang atensyon ko, pero maghapon parin akong tulala. Napapikit ako ng mariin saka niyakap yung unan ko.

Hanggang ngayon nalang to. Hanggang ngayon ka nalang iiyak Yumi. Ginusto mo to diba? You wanted to protect him so you should fix yourself and do what you must. Pagmaayos na ang lahat...

Pagmaayos na ang lahat saka mo siya balikan

Tumayo ako saka dumeretso sa banyo. Paulit-ulit kong hinilamusan ang mukha ko. Nang makuntento ako saka lang ako lumabas at naupo sa kama ko.

Wala akong mapapala kung iiyak lang ako iiyak. I need to compose myself. Hindi maaayos ng mga luha ko ang mga problema ko. Minsan ko nang tinakasan ang problema ko at hinding hindi ko na gagawin ulit yun.

Huminga ako ng malalim bago damputin ang cellphone ko saka dinial ang number na nakuha ko kay Francis...

Nakailang ring muna to bago sagutin mula sa kabilang linya.

"Who the hell are you?" napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. After 4 years...After 4 long years

"Sakura" saglit na natahimik sa kabilang linya. Chineck ko kung nadisconnect ba ang tawag pero di naman kaya nagsalita ulit ako

"Hello? Sakura? Are you still there?"

"M-Miss R-R-Reign?" bakas ang pagkabigla sa boses niya.

"Yeah It's me. It's been a while but I need you to do something urgently. Will you do it for me?"

"Y-Yes... Yes Miss. My pleasure"

"Are you still in Japan right now?"

"No Miss, I'm in a vacation in Singapore for a week" mabilis na sagot niya.

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon