Chapter 25 : Those Siblings

173 6 2
                                    


AYUMI'S POV

Nagising ako na masakit ang ulo ko, tatayo na sana ko nang maramdaman kong may parang nakadagan sakin, nang tignan ko kamay pala ni Euwan.

Bat dito natulog to?

Tatanggalin ko na sa ang kamay niya pero natigilan ako nang mapansin kong ang init niya. Hinipo ko ang noo at leeg niya.

Sh*t!

Napabalikwas ako nang bangon, ang taas ng lagnat niya. Marahan kong tinapik tapik ang braso niya.

"Euwan... Euwan!" paggigising ko sakanya. Dahan dahan naman niyang iminulat ang mata niya

"Hmm? M-Morning" bulong pa niya

"Euwan ang taas ng lagnat mo" tarantang sabi ko, hinipo naman niya ang noo niya

"Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko" bulong niya ulit.

"Dalhin na kaya kita sa hospital? Ang init mo ehh" kabadong sabi ko, sobrang init niya kasi tapos putlang putla siya.

"Nah, itutulog ko lang to, mamaya ayos na ko" ipinikit niya ulit ang mata niya kaya wala nakong nagawa. Naisip kong ipagluto siya ng lugaw kaya pumunta muna ko sa kusina, naalala ko kapag nilalagnat ako pinagluluto ako ng lugaw ni Kuya

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang biglang mag ring ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot nang makita kong si Kuya yung tumatawag

"Hello?" sagot ko

"Reign? Ayos ka na ba?" bungad niya.

"O-Oo, sorry sa mga kinikilos ko nung mga nakaraang araw. I-I was just taken aback from Dad's sudden death" nakayukong sagot ko

"It's okay, I'm just glad you're fine. Anyway nainform ako nung Lawyer ni Dad na kailangan nandun ka din kapag pinag-usapan yung will niya" napabuntong hininga ko, inaasahan ko na din to pero bakit ang bilis naman.

"Kailan ba?" nag-aalangang tanong ko.

"9 am" awtomatikong napatingin ako sa oras, lagpas 7 am na.

"Kuya di kasi ako makakaalis sa bahay ehh" sagot ko

"Hah? Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya. Napabuntong hininga naman ako

"Ang taas kasi ng lagnat ni Euwan ehh, ayaw namang magpadala sa hospital"

"Sabi ko kasi magpahinga din siya ehh. Ilang araw na rin siyang walang tulog habang binabantayan ka"

Napailing ako nang marinig ko yun. He's right. Mukhang napag-alala ko talaga siya nitong mga nakaraang araw. Tapos nag aya pa siyang uminom kagabi. Nakonsensya tuloy ako, kasalanan ko to.

"Ehh kung dyan nalang kaya sa bahay niyo? Kausapin ko nalang yung lawyer ni Dad" tanong niya, napa-isip ako

"Sige dito nalang. Hintayin ko nalang kayo dito"

Nang matapos kaming mag-usap, nilagay ko na sa isang bowl yung lugaw. Kumuha din ako ng gamot at tubig saka ako bumalik sa kwarto. Ginising ko ulit siya, marahan kong tinapik tapik ang balikat niya

"Euwan kumain ka muna para makainom ka ng gamot"

Umupo naman siya saka sumandal sa headboard ng kama. Pinanood ko siya habang kumakain.

"Kamusta pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ko. Pinunasan ko ang mga namuong pawis sa noo niya.

"I'm okay, medyo masakit lang ang ulo ko" sagot naman niya, hinipo ko ulit ang noo niya, sobrang init parin.

"Ayaw mo talagang pumunta sa hospital?" tanong ko ulit pero umiling lang siya.

"Don't bother" napabuntong hininga ako.

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon