AYUMI'S POV
*2 months later*
Sa loob ng dalawang buwan naging payapa ang buhay namin. Hindi muna kami gumawa ng kahit na anong hakbang para kalabanin ang Hades.
Si Kuya naman madalas sa Japan dahil sa business na naiwan sakanya. Kada uuwi siya sa Pilipinas palagi siyang nagrereklamo sa dami ng trabaho niya. Pfftt hindi na siya nasanay.
Sa loob ng dalawang buwan, inasikaso namin ni Euwan ang kasal namin, at si Kuya naman parang mas excited pa samin. Nung malaman niyang ikakasal ulit kami ni Euwan, hindi na siya tumigil katatanong kung may kailangan ba kami at kung may maitutulong ba siya. Pero sinabi naman namin ni Euwan na kaya na naming dalawa yun kaya ayun, sobrang busy namin.
Halos lahat ng naging desisyon namin ni Euwan, pareho naming gusto, nakakatawang isipin na nagkasundo talaga kami sa gusto namin, mula sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal, sa design ng cake, sa gown ko- na siya mismo ang pumili-na nagustohan ko naman, sa mga foods, sa reception, pati sa motif ng kasal which is pastel blue, white, and silver.
At ngayon nandito na ko sa harap ng simbahan, hinihintay ang pagbukas ng malaking pinto sa harap namin.
My long hair is fixed in a messy yet elegant looking bun, my wedding gown has a touch of blue with silver laces, but of course, the dominant color is white, my bouquet is a combination of blue calla lily, white roses, and hydrangea.
"Kuya umayos ka nga" natatawang sabi ko kay Kuya na nasa tabi ko, kanina pa kasi siya hindi mapakali
"Kinakabahan ako" napailing nalang ako, hinawakan ko ang kamay niya, mas lalo akong natawa nang maramdaman ko ang panlalamig at pamamawis ng kamay niya.
"Relax" pagkukumbinsi ko sakanya, huminga naman siya ng malalim. Ganon din ang ginawa ko, kinakabahan din kasi ako, tinatawanan ko lang si Kuya para makalimutan ko ang kaba ko. Medyo nanginginig din ang mga kamay ko kaya't maya't maya kong hinahawakan ang wedding gown na suot ko.
"Let's go?"
Bumukas na ang pinto ng simbahan. Sabay kaming naglakad ni Kuya papunta sa altar, parang naging slowmo ang lahat, mula sa mga tunog ng mga instrumento, boses ng kumakanta, hanggang sa kilos ng mga tao sa loob ng simbahan.
Biglang tumulo ang luha ko, sobra sobra ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na to. Hindi ko inalis kay Euwan ang tingin ko habang naglalakad kami palapit sakanya, napangiti ako nang mapansin kong pasimple pa siyang nagpunas ng mata.
Ahhhh.... I just love this guy so much
Sino bang mag-aakalang mapapamahal ako sakanya ng ganito? Nung una kaming magkita, sinigawan niya ko. Nung araw na pinapirma niya sakin yung mga papeles, akala ko makakalaya na ko, pero hindi, doon pa nagsimula ang lahat. Nung mga araw na palagi kaming nag-aaway, yung mga sigawan namin na nakakarindi, sino ba namang mag-aakalang mapapalitan yon ng mga matatamis na salita?
EUWAN'S POV
Honestly speaking, I didn't have a goodnight sleep last night. I'm so f*cking nervous, hindi ko alam kung normal pa ba tong nararamdaman ko.
I know, I know, everything is perfectly fine, Yumi loves me, and I really, really love her, but d*mn! I'm overthinking! I have this f*cking what if's. Like, what if she'll run away, what if something happens, what if that f*cking organization make their move. Hell! Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na namalayan na umaga na.
But those what if's vanish as I prepare for this moment. And now, here I am, patiently waiting for my Yumi. My hands are still shaking but I'm doing my best to look normal.
BINABASA MO ANG
The Royalties [COMPLETED]
ActionShe's a woman who had everything she want except for one thing... FREEDOM... She's too desperate for freedom so she decided to leave everything just to obtain it. Years had past and her life's not like the previous one. And then one day, she met thi...