Chapter 11 : A Blessing in Disguise

210 9 2
                                    


AYUMI'S POV

Lunes na lunes at eto ako, nag-aabang ng taxi sa labas ng school dahil hindi ako makakasakay ng jeep sa lagay ko. Pinagtitinginan na din ako ng mga studyante dahil basang-basa ako. Naligo lang naman kasi ako ng orange juice kanina

F L A S H B A C K

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Katatapos ko lang magbasa sa library. Actually ako lang ang estudyante don dahil busy ang lahat sa pagcecelebrate ng Foundation Day ng school namin. Sobrang ingay sa labas dahil marami ding students na galing sa ibang school. One week celebration to kaya one week ding walang klase at one week din akong magtitiis sa ingay sa paligid -_-

Liliko na sana ko nang may bigla na lang may bumuhos na tubig----no juice mula sa taas. Tumingala ako para makita ko kung sino ang may gawa non at hindi nako nagulat nang makita kung sino ang may hawak ng malaking bote na may lamang juice kanina

"Oooppsss! My Bad! I thought the trash bin passed by. I'm so sorry my dear" sarcastic na sabi ni Khyle tapos nag apir pa sila ni Kaycee. Tsk! These freaking evil twins. Konting-konti nalang talaga!

Pumunta nalang ako sa locker ko para kunin yung extra shirt ko kaso pagdating ko dun, nakita ko yung shirt ko na punit-punit na. Napabuntong hininga nalang ako at nag decide na umuwi nalang.

E N D O F F L A S H B A C K

Bwisit yung kambal na yun! Pati Foundation Day walang patawad! Napabuntong hininga nalang ako, ang childish talaga nung mga pesteng yun. Pagpasok ko ng bahay, sobrang nananalangin ako na sana wala pa si Euwan dahil paniguradong di ako titigilan nun kapag nakita niya kong ganito.

Dali dali akong tumakbo paakyat ng hagdan hanggang sa marating ko na ang kwarto ko pero bago pa ko makapasok, may bigla na lang nag salita sa likuran ko kaya halos mapatalon ako sa gulat

"Bat basang basa ka? Ang what's with the smell?" kalmadong tanong ni Euwan.

Huminga muna ko ng malalim bago dahan dahang lumingon sakanya.

"It's none of your business" matapang kong sagot sakanya tapos dali dali akong pumasok sa kwarto ko tapos ni-lock ko yung pinto. Bwahahahahaha Naiimagine ko tuloy kung pano kumunot yung noo niya sa galit.

"What the!!!" narinig ko pang sabi niya. Maya maya ay sunod-sunod yung pagkatok niya sa pinto.

"Hoy lumabas ka dyan! Were you being bullied again? Let me talk to you!" sigaw niya mula sa labas. Di ko siya pinansin at dumaretso ako sa banyo para maligo.

After kong maligo, dali dali nakong lumabas para kumuha ng damit.

"What the?!" nanlaki ang mata ko nang makita ko si Euwan na prenteng prete na naka-upo sa kama ko. Tsk! Pano nakapasok to? Bigla siyang napalingon sa dereksyon ko.

"I was talking to-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang makita ako. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko-pamumula dahil sa galit.

"LABAS!" sigaw ko sakanya. Napaiwas naman siya ng tingin sabay tayo. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pamumula ng tenga niya.

"Bat ka ba pumasok dito? Kung may sasa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla kong maramdaman ang pagkalaglag ng towel na nakabalot sa katawan ko. Dali-dali akong umupo habol habol ang towel at muling ibinalot sa katawan ko.

Natahimik ang paligid. Hindi parin ako tumatayo. Napapikit ako ng mariin.

"I-I d-d-didn't see any-"

"LABAS!" sigaw ko ulit nang hindi lumilingon sakanya. Nakatitig lang ako sa sahig habang ipinoproseso ang nangyari.

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon