AYUMI'S POV
"H-Horror H-House??!!" literal na nanlaki ang mga mata ko nang tumigil kami sa harap ng isang Horror House.
"Yup! Balita ko nakakatakot talaga to kaya gusto kong subukan" excited na sabi niya. Pilit akong ngumiti at ilang beses na umatras.
"Ikaw nalang, h-hintayin kita dito" pilit kong pinipigilang mautal. Dalhin niyo na ko sa lahat wag lang sa horror house!! Tutukan niyo na ko ng isang daang baril at isang daang patalim wag lang ng isang multo!! Nakakahiya mang sabihin pero natatakot ako sa mga multo
"Sama ka na~" hinila-hila pa niya ang kamay ko.
"AYOKO NGA!!" natigilan siya sa sigaw ko. Pati ako nagulat sa ginawa ko. Dahan dahan niyang pinasingkit ang mga mata niya.
"Teka... Wag mong sabihing natatakot ka?" pigil ngiting tanong niya
Natigilan ako. No No No hindi niya pwedeng malaman. Aish!! aasarin ako neto panigurado.
"Ako?! Takot?! Ha. Ha. Ha. H-Hindi ahh" nag fake laugh pa ko. Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Then let's go?" nakangising tanong niya. Napalunok ako ng ilang beses bago naglakad papasok sa Horror House. Sa labas palang nakakatakot na, pano pa kaya sa loob?
Di ko mapigilang mapakapit sa laylayan ng polo ni Zandrick pagpasok namin.
"Akala ko ba hindi ka takot?" natatawang tanong niya.
"Pag ako nakalabas dito Zandrick...bubugbugin kita" banta ko sakanya pero tawa lang ang isinagot niya.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mapadpad kami sa isang parte ng horror house na parang sala. May kabaong, pictures, at mga sira-sirang sofa dito. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Halos mawalan ako ng malay nang may bangkay na tumayo mula sa kabaong. May black lady din na nakabelo sa tabi ko
"AAAAAAHHH KUYAAAA!!" nahampas ko ng bag ko ang black lady sa tabi ko dahil sa sobrang takot.
Naramdaman ko nalang na hinila ako ni Zandrick palayo doon. Nakayuko lang ako at nanginginig din ang mga kamay ko dahil sa takot. May iba't ibang ingay din akong naririnig na mas nakakapagpadagdag ng takot ko.
"Are you okay?" tanong ni Zandrick nang tumigil kami sa pagtakbo. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nang-aasar
"Mukha ba kong okay?" sarkastikong sagot ko. Maluha-luha din ang mga mata ko kaya pasimple kong pinusanan gamit ang panyo ko.
"Pffftt ang tapang tapang mo tapos takot ka sa multo" natatawang sabi niya
"Mamatay ka sana sa katatawa" bulong ko. Natawag ko pa tuloy si Kuya, mula kasi nang mawala si Mama, siya lang ang nakakapagpakalma sakin tuwing natatakot ako.
"Pffftt actually may problema tayo"
Tumingin siya sa harap namin kaya ganun din ang ginawa ko. May tatlong daan dito
"Isa lang dyan ang papunta sa exit" dagdag pa niya. Kinabahan ako bigla.
"Sa gitna tayo dadaan" matapag na sabi ko. Akmang hahakbang nako papunta sa gitna nang matigilan ako.
"Sa tingin ko sa huling daan ang palabas" akmang papasok nako nang matigilan ulit ako
"Mauna ka" utos ko sakanya. Pinipilit kong magmukhang matapang pero nanginginig parin ang mga kamay ko hanggang ngayon.
Pigil na pigil ni Zandrick and tawa niya habang naglalakad kami. May mga nakakatakot na tunog din akong naririnig na mas lalong nakakapagpadagdag ng takot ko.
BINABASA MO ANG
The Royalties [COMPLETED]
AcciónShe's a woman who had everything she want except for one thing... FREEDOM... She's too desperate for freedom so she decided to leave everything just to obtain it. Years had past and her life's not like the previous one. And then one day, she met thi...