Chapter 17 : Back in Action

192 6 2
                                    


AYUMI'S POV

"Good Morning" bungad ni Sakura sakin paglabas ko ng kwarto. Naabutan ko siyang nagkakape sa sala habang binabasa yung mga papel na binigay ko sakanya.

"Morning" bati ko pabalik. Dumaretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Binalikan ko siya sa sala pagkatapos.

"Maliligo muna ko, papasok pa ako sa school"

Pagpasok ko sa banyo, binilisan ko ang mga kilos ko. After 30 minutes natapos din ako. Sunod kong kinuha yung camera na pinabili ko kay Franz saka ako pumunta sa sala.

Umupo ako sa tapat ni Sakura at saglit akong napatingin sa relo ko

"Haiyst! Wala pa ba siya? May klase pa ko" inis na bulong ko sa sarili ko. Napansin kong lumingon si Sakura sakin.

"Are you expecting someone?" nagtataka akong napatingin sakanya

"Hindi ko ba nabanggit sayo?" takang tanong ko.

"Ang alin?"

"Ahh Franz is coming here. May kukunin lang ako sakanya tska may bago din akong ipapagawa" pagpapaliwanag ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Franz? As in that Francis?" gulat na tanong niya. Napatayo pa siya

"Yeah" simpling sagot ko.

"K-Kailan ka pa nagkaron ng contact sakanya? Matagal na ba niyang alam na nandito ka?"

"We accidentally met. Probably two weeks ago"

"What?! Hindi man lang niya nabanggit sakin" bakas ang pagkainis niya. Pfftt kahit naman anong gawin ni Franz, hindi parin sila nagkakasundong dalawa.

"Don't be mad. I asked him not to tell anyone"

Sabay kaming napalingon sa pinto nang may biglang magdoorbell

"Sa tingin ko siya na yan" kaaagad akong tumayo para buksan yung pinto.

"Hello~ Goodmooorning ~"maharot na bati ni Franz pagkabukas ko ng pinto. Nagboses bakla nanaman ang baliw tsk tsk tsk. Pinapasok ko siya, kumekembot pa ang loko.

"Natuluyan ka na yata bakla" bungad ni Sakura sakanya, nakataas pa ang isang kilay niya at matalim ang tingin kay Franz

Bahagya akong natawa nang makitang gulat na gulat ang reakyon niya. Napatayo siya ng tuwid at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Sakura

"Baby!" gulat na sabi niya. Akmang yayakapin niya si Sakura pero umiwas ito

"Baby mo mukha mo! Bakla ka! Nataluyan ka na eh no" Mabilis na napailing si Franz.

"No! Of course not! Lalaki ako noh" depensa naman niya.

"Oops that's enough. Baka malate na ko sa klase ko" sumingit nako bago pa mag-away tong dalawang to.

"Sorry" sabay na sabi nila. Napabuntong hininga lang ko saka ako umupo sa tapat nila.

"Franz" tinignan ko siya, mukhang naintindihan naman niya. May inabot siyang folder sakin.

"Ano yan?" takang tanong ni Sakura.

"Updates about my Family's business" tipid na sagot ko. Ito yung iniutos ko sakanya nang magkita kami sa cafe. Inabot ko ang isang papel sakanya.

"Schedule yan ni Euwan for the whole week. Bantayan mo siya at kapag may napansin kang sumusunod sunod sakanya, tawagan mo agad ako" habilin ko.

"Uhmm who's Euwan?" singit ni Sakura. Natigilan ako sa tanong niya.

"Uhh My... My e-ex-husband" nakaramdam ako ng konting sakit sa puso ko nang sabihin ko yun. Yeah... we're not a married couple now

"EX-HUSBAND?!" sabay na tanong nila. Nakataas pa ang isang kilay ni Franz. Oo nga pala, di ko pa nabanggit sakanya

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon