Chapter 13 : A Moment To Remember

213 5 2
                                    


AYUMI'S POV

"A-Aray!"

Kaagad akong napalingon kay Euwan.

"Napano ka?" kunot noong tanong ko nang makalapit ako sakanya. Ipinakita niya yung daliri niya na nadaplisan sa kutsilyo

"Tsk! Di kasi nag-iingat eh!" sermon ko sakanya saka tinuloy yung ginagawa ko.

"Aren't you gonna do something about this?"

"Hugasan mo! Para simpling sugat lang eh. Lagyan mo ng band-aid!" tsk ano siya?! Bata??

"Ako nang bahala dito. Magbihis ka na dun" utos ko pa bago siya makalayo.

Pinunasan ko yung mga tupperware saka maayos na nilagay dun yung vegetable salad na ginawa ko. Sunod kong nilagay yung mga sandwich. Pagkatapos ay kumuha ako ng mga in-can na mga soft drinks sa ref.

Lumipas ang kalahating oras at natapos na din ako. Kasalukuyan kong hinuhugasan yung mga pinaggamitan namin nang bigla kong nakita si Euwan

"A-Aww" daing ko nang hindi ko napansing kutsilyo pala yung hawak ko. Pano ba naman, hindi ako sanay na makitang nakacasual si Euwan. Madalas kasi nakapang office attire siya tapos kapag nasa bahay naka jogging pants at plain shirt siya palagi.

B-Bat ba ang gwapo niya ngayon?

Napa-iling ako sa naisip ko. Pilit kong kinukunot yung noo ko nung makalapit siya para hindi niya mahalatang hinahanga-este-nilalait ko yung hitsura niya.

"Tapos ka na ba?" tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit sakin. Tinanguan ko lang siya saka nilagay na sa tamang lagyanan yung mga hinugasan ko.

Akmang aalis nako para magbihis nang bigla niyang hablutin ang kamay ko.

"Hey! Your finger is bleeding" kunot noong sabi niya.

"Nadaplisan lang" walang ganang sabi ko.

"Magbibihis lang ako saglit. Ilagay mo na sa sasakyan yang mga pagkain" dagdag ko pa bago umalis.

Naghanap ako ng maisusuot ko...Naalala ko nanaman yung suot niya Amp!

Plain white polo shirt, beach shorts at sandals lang naman ang suot niya pero ang lakas ng dating niya. Kainis!

Naligo nako kanina paggising ko kaya magpapalit nalang ako. Wala akong mapiling simpleng damit kaya yung pale yellow na off shoulder nalang ang sinuot ko tska white shorts saka ko nalang sinuot yung sandals na nasa gilid ng cabinet. Nagbaon din ako isang pares ng damit para pampalit. Sinuklayan ko din ng konti ang buhok ko saka nagpulbo at pagkatapos ay lumabas nako.

"Tara na?" aya ko kay Euwan nang makalapit ako sakanya. Hindi siya nagsasalita kaya napakunot ang noo ko.

"Huy!" tawag ko pa sakanya.

"H-Huh?!" takang tanong niya pa

"Sabi ko alis na tayo. 9 am na ohh" tinuro ko pa yung relo ko

"A-Ahh yeah"

Tamihik lang kami pareho. Gaya kagabi ay siya ang nagpapatakbo ng yate, ako naman ay pinagmamasdan yung dinadaanan namin. Dahil umaga na, kitang kita ko na kung gaano kaganda ang paligid. Greenish blue ang kulay ng tubig at sadyang nakagagaan sa pakiramdam ang view dahil maaliwalas ang langit ngayon. Kitang kita din ang malalapit na Isla na nakapalibot sa dagat.

Maya maya lang nakarating na kami sa mismong beach resort na nasa kabilang Isla, inassist kami ng isang staff papunta sa isang nipa hut. Hindi ganoon kadami ang mga tao kumpara sa inaasahan ko, siguro dahil hindi pa naman summer season at baka dahil na rin tago ang lugar na to. Nang makaalis yung staff hinarap ko si Euwan.

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon