Chapter 5 : Married Life

228 10 0
                                    


AYUMI'S POV

Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok sa school. 20 minutes kasi byahe mula dito sa bahay nung sungit na yun hanggang sa university, hindi tulad nung nasa apartment ako na 5 minutes lang kung tatakbuhin.

Pagbaba ko saktong nakasalubong ko si Euwan na kagagaling lang sa kusina. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. 7:00 am na ahh, buti nandito pa toh?

Hindi ko nalang siya pinansin at dumaretso nalang sa kusina. Wala akong nahanap na matinong pagkain kung hindi cup noodles kaya wala akong choice kung hindi tiisin nalang yun. Ang laki ng bahay, ang daming mamahaling gamit, tapos yung pagkain instant noodles hmp!

Inubos kasi niya yung karne kagabi! Tsss

Magpapakulo na sana ko ng tubig nang mapansin kong nakatayo sa gilid ko si Euwan. Nagtataka akong tumingin sakanya

"Ano pang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sakanya. Pero imbis na sumagot, may inabot lang siyang isang maliit na box at isang card.

"Ano yan?" kunot noong tanong ko.

"Our wedding ring" sagot niya nang hindi tumitingin sakin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Feeling ko bumabalik nanaman ang init ng ulo ko dahil naalala ko nanaman na kasal nako sakanya.

Tinalikuran ko siya nang hindi man lang kinukuha yun. Pero hinila niya ang kamay ko sabay kuha ng hawak kong cup noodles at doon nilagay ang maliit na box at isang card.

"You don't have to eat this. Here's your credit card, buy a breakfast and use it to buy whatever you want. And this wedding ring is yours"

Blanko ang mukha ko habang nakatingin sa kamay ko. Napabuntong hininga nalang ako bago ibalik ang tingin ko sakanya

"Okay" tanging sagot ko bago naglakad palabas ng bahay. Naramdaman kong nakasunod lang siya sa likod ko pero hindi ko siya pinapansin. Ayokong masira ang araw ko kaya mas mabuti pang umakto nalang ako na wala siya sa paligid.

"Sumabay ka na sakin. Malapit lang naman ang university sa Company" alok niya. Hindi ako sumagot. Makakatipid nga naman ako ng 18 pesos na pamasahe sa jeep kung sasabay ako sakanya. Inunahan niya ko sa paglalakad sabay lapit sa kotse niya. Binuksan niya pa ang pinto ng passenger seat habang hinihintay akong makalapit. Sinulyapan ko lang siya bago ako nagtuloy tuloy palabas ng gate.

"What the?!!!" dinig kong bulaslas niya. Napangisi ako. Sige lang, mainis ka pa, ginusto mo yan pfffttt. Okay lang gumastos ng 18 pesos, basta mainis siya hahaha

"Hey! Sabi ko ihahatid na kita" pigil inis na sabi niya habang hawak hawak ang braso ko. Blanko lang ang mukha ko nang lingunin ko siya.

"Kaya kong pumunta sa school ng mag-isa" madiing sabi ko habang inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko saka ako tumakbo paalis nang matanggal ko. Dinig ko pa ang sigaw niya kaya tumigil ako saglit at humarap sakanya. Medyo malayo nako pero kitang kita ko parin ang namumula niyang mukha sa galit.

"Bleh~" pang-iinis ko pa bago ulit tumakbo.

Nakalabas nako sa village nang biglang hinarangan ng kotse niya ang dadaan ko. Lumabas siya sa kotse at galit na galit ang mukha niya habang naglalakad palapit sakin. Pero hindi ako nagpatinag, sakto ding nakita ko na may tumigil na jeep malapit samin kaya dali dali akong tumakbo papunta dun. Ngumisi pa ko sa dereksyon niya bago tuluyang makasakay.

*

Pagkatapos ng lahat ng klase ko, pumunta na ko kaagad sa mall para mag grocery. Kung si Euwan lang eh ayos naman sakin kung walang pagkain sa bahay dahil sabi nga niya, 'he can eat on restaurants' naman daw tsss, pero ako kasi nasanay na sa mga niluluto kong pagkain kaya wala akong choice kung hindi punuin nalang ng pagkain ang ref niya , ako rin naman kasi ang magdudusa kapag walang laman yun -_- .

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon