Chapter 6 : Quarrel

229 8 2
                                    


AYUMI'S POV

"Hey! Wake up! It's 7:00 am!""

"Walang pasok ngayon" inaantok na tugon ko sabay talikod sa dereksyon na pinanggagalingan ng boses niya.

"What? But it's Thursday!"

Hindi ako sumagot. Tinapat ko ang yakap yakap kong unan sa tenga ko para hindi marinig ang boses niya. Pero maya maya lang naramdaman ko ang pagyugyog niya.

"Ano ba?!" inis na singhal ko saka ako humarap sakanya.

"What? I'm just trying to wake you up!" huminga ako ng malalim para makontrol ang inis ko

"Wala nga akong pasok ngayon" pagdidiin ko sabay talukbong ng kumot, pero hinila niya yun kaya mas lalo akong nainis

"Pero Thursday palang nga ngayon. May dalawang subject ka ngayong araw di ba?"

Kumunot ang noo ko. Pati schedule ko alam niya? Tss

"Wala yung dalawang Prof ko okay? May seminar sila pareho kaya nag-iwan lang sila ng gagawin, hindi na namin kailangang pumasok sa school dahil through email namin ipapasa. So pwedi ba? Pumasok ka nalang sa trabaho, ang aga aga namemeste ka" inis na paliwanag ko sabay hablot ng kumot sakanya. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko nang bigla niya ulit hablutin ang kumot. At this time, napaupo nako sa sobrang inis!

"Ano ba?!!!" inis na sigaw ko pero nanatili lang na blanko ang mukha niya.

"Do your school works then. So you can clean the house afterwards. Gusto ko malinis ang bahay paguwi ko" lumabas na siya ng kwarto matapos niyang sabihin yun. Napanganga ako... Ano daw? Ako? Lilinisin tong bahay? Hah! Ano siya? Sinuswerte?! Kung makapagutos hmp!

*

"Ayy ano ba yan! Di marunog umasinta. Nakatakas tuloy!" bulaslas ko sabay lapag ng pinagkainan kong cup noodles sa lapag, hinayaan ko lang kahit na may mga natapong konting sabaw sa sahig.

Prenteng prente akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng action movie. Nakapatong sa tiyan ko ang dalawang malaking chichiria na binili ko kahapon. Mag-aalas nuebe na ng gabi, maya maya lang niyan darating na si Euwan.

"Speaking of the devil" nakangising bulong ko nang marinig ko ang tunog ng kotse niya sa labas. Humarap lang ako sa TV habang hinihintay siyang makapasok.

"I'm Ho- WHAT THE?!!"

Nakangisi akong lumingon sakanya. Pigil na pigil kong matawa nang makitang pulang pula ang mukha niya sa galit habang iginagala ang paningin sa sala. Pinagmasdan ko din ang kabuuan nito, maraming pinagbalatan ng chichiria sa sahig, mga cup noodles, at yung plato na pinagkainan ko kanina. And yes, hindi ako naglinis kaya makalat talaga. Pagtingin ko sakaniya nakayuko siya habang nakapamewang ang isa niyang kamay at ang isa naman ay nasa batok niya

"You did this on purpose, didn't you?" pigil inis na sabi niya.

"If you didn't want to clean, you shouldn't have messed our living room" madiing sabi niya. Natahimik ako nang magtama ang paningin namin. Magsasalita pa sana ko nang bigla siyang tumalikod.

"San ka pupunta? Gabi na ahhh" kunot noong tanong ko nang akmang bubuksan niya ang main door.

"I don't want to stay here. Mag-aaway lang tayo, plus, you don't want to be with me, right? That's why you're doing all of this"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng konsensya sa mga sinabi niya. Umiwas nalang ako ng tingin. Maya maya lang naramdaman ko ang tunog ng papalayo niyang kotse.

"Ano ba kasing ginagawa mo Yumi?" bulong ko sa sarili ko.

BRIX'S POV

"The hell is wrong with that woman?!!!"

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon