Chapter 22 : Akihiro Ren Nishimura

193 7 4
                                    


AYUMI'S POV

"K-Kuya"

"Reign?"

Lalapitan ko na sana siya pero naunahan niya ko, tumakbo siya palapit sakin saka niya ko sinalubong ng yakap. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

"Kuya" tawag ko ulit sakanya

"Where the hell have you been you little brat" pagalit na bulong niya. Humiwalay siya sa yakap at nagulat ako nang bigla niyang hinead butt ang ulo ko

"Aray! Kuya naman ehh" humihikbing reklamo ko. Lumapit samin si Euwan.

"Did I hear it right? You're this guy's little sister?" tanong sakin ni Euwan. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ko hinawakan ang laylayan ng T-shirt ni Kuya bago ako tumango. Nanlalaki ang mga mata niya habang palipat lipat ang tingin nya saming dalawa tapos ay si Kuya naman ang tumingin sakin saka inilipat ang tingin kay Euwan.

"T-Teka nga... si Reign yung napangasawa mo?!" gulat na tanong niya kay Euwan, nagtataka namang napatingin sakin si Euwan.

"Reign?" naguguluhang tanong niya sakin.

"Uhh that's my second name, my full name is actually Ayumi Reign P. Nishimura" pagpapaliwanag ko.

Napaaray ulit ako nang kutusan ako ni Kuya.

"Alam mo ba kung gano ako nag-alala sayo?!" singhal niya sakin.

"Sorry" nakayukong sagot ko, humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng t-shirt niya. Tumingala ako at tinitigan ang mga mata niya, tumulo ulit yung luha ko nang makita kong umiwas siya ng tingin saka nagpunas ng mata. Hindi ako sanay makitang umiiyak yung Kuya ko, huli ko siyang sakitang umiyak nung mamatay si Mama

"Kuya sorry na~" malambing na sabi ko hinihila-hila ko pa yung laylayan ng t-shirt niya

"Tsss, as if naman kaya kong magalit sayo" napangiti tuloy ako. He patted my head as he smile at me

"I'm so glad to see you again" nakangiting sabi niya. Pumunta kami sa sala at randam ko ang tingin nung tatlo. Umupo kaming tatlo sa mahabang sofa, nakapagitna ako kina kuya at Euwan at hanggang ngayon nakakapit parin ako sa t-shirt ng Kuya ko.

"Uhh kapatid mo talaga si Hiro?" pag-iintriga ni Ace habang nakaturo sa Kuya ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay

"Oh bakit parang ayaw mo?" sarkastikong sagot ko, kumapit pa ko sa braso ni Kuya. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya

"Sabi ko nga magkapatid kayo eh" bulong pa niya.

"Wala ka pala bro ehh" pang-aasar pa ni Kuya, napakamot naman si Ace sa batok niya. Hinarap ko naman si Kuya

"Kuya, kaibigan mo tong mga toh?" tanong ko sabay sulyap sakanila, ngumisi pa ang dalawa habang si Cyrix naman natawa lang.

"Sa kasamaang palad, Oo" natatawang sagot ni Kuya, nawala ang mga ngiti sa mga labi nila saka nila binato ng pillow si Kuya. Tumawa lang naman si Kuya, napangiti tuloy ako.

"Yumi, kung magkapatid talaga kayo nitong ugok na to, edi marami ka ring alam sa mga Mafia?" singit naman ni Brix. Napataas pa ang kilay ko, maka-ugok tong unggoy na to hmp!

"Oo" tipid na sagot ko. Sumulyap ko kay Kuya

"Ibang klase, kaya pala nakakatakot k–" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang sikuhin siya nung dalawa.

"Takot ba kayo sa kapatid ko? Pfffttt...tell me, may ginawa ba tong kalokohan?" natatawang singit ni Kuya sabay patong ng kamay siya sa ulo ko. Tinaasan ko ng kilay yung tatlo, subukan nilang magsumbong. Sabay sabay silang umiling kaya napangisi ako. Napalingon pa ko kay Euwan nang bigla siyang umismid, umiwas naman siya ng tingin nang magtama ang paningin namin.

The Royalties [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon