02

262 4 0
                                    

Avery

"So after all this time hindi ka niya pala minahal? eh bat ka pala niya jinowa? nakaka tangina yan" ani Trixie na kumakain ng french fries. Nandito kami sa cafeteria sa tabi ng building kung saan kami nag tatrabaho and its been two days nung nagpunta ako sa bahay nila Rc at kinuwento niya ang nangyari. "I don't know, ang sabi niya may iba siyang mahal at hindi talaga ako yon simula una palang" bumuntong hininga si Rc at umiling at tinakpan ang mata, pinipigilan ang sarili na umiyak. Binagsak ni Trixie ang kamay sa mesa ng maubos niya ang fries. "Asan yon? pumasok ba yun A?" umiling lang ako. A yung tawag nila sa akin kasi gusto nila eh.

"Tsk, sasapakin ko yon pag nakita ko grr" inubos ko na ang coke na inorder ko at sumandal sa kinauupuan at tinignan si Rc na nakatakip parin ang mata. Pinapakalma ang sarili habang si Trixie naman sa tabi nito mukhang problemadong problemado. Ako? Ewan ko ano tong nararamdaman ko. Masaya ako na malungkot. Masaya ako kasi finally naghiwalay na sila, at malungkot dahil nasaktan ang best friend ko. Baka nagtataka kayo kung bakit ako masaya, well sa totoo lang alam ko na niloloko lang ni Felix ang bespren ko. Sinabi ko na sa kaniya yun noon peri hindi siya naniwala. Hays.

"Stop it Rc, walang magagawa ang pag-iyak mo, alam mo yan. Marami pang lalaki sa mundo at isa don ang tunay na magmamahal sayo" sabi ko at tumingin sa counter, si felix at nakatingin sakin kaya inirapan ko siya at nakita ko itong tumawa kaya umiwas ako. "Why don't we go to the mall later? You love shopping, right? Para at least mawala sa isip mo yan" sabi ni Trixie at tumango naman ako "Okay" tinanggal ni Rc ang kamay sa mata at ngumiti.

"Pangit, hindi bagay sayo" umirap naman si Trixie at bumalik sa fitting room. "Ayoko na hindi ko na susukatin yung mga pinili mo Rc, ang pa-girl! Yuck" umupo sa tabi namin si Trixie. Boyish kasi itong babaeng to, she wears baggy pants, t-shirt, long-sleeves, converse, boots, and other boyish looks. "Arte nito parang hindi naka palda pag papasok" sabi ni Rc at natawa naman ako "Uniform yon kaya kailangan, tss" itong dalawa talaga hayss "Edi wow" pinanliitan naman ng mata ni Trixie si Rc "Tse!" ay jusko haha "Tapos na kayo? May bibilin pa bang damit? Bibili kasi ako ng pinabibili ni mama saka libro ko"

"Okay sige" tumayo naman si Rc at sumunod sa tabi ko. Nasa section kami ng pabango matapos kong bumili ng libro at pinabibili ni mama at si Trixie nag titingin ng pabango. "Try niyo nga kung mabango" inamoy ko ang pabangong inabot niya at tumango ako "Mabango" ngumiti naman siya at humarap sa babae saka sinabing bibilhin niya yon.

Lumingon ako sa paligid at nakita yung nagkakagusto kay Rc. "Sis bakit hindi ka nalang humanap nang iba na may gusto talaga sayo, someone you know" nagisip pa si Rc at tinignan ako "Someone like who? Wala namang umaamin sakin"

Tumingin ako sa kabilang stall ng pabango "Someone like him" I pointed with my lips "Jisung?" tinignan namin si Jisung na nagbukas ng isang pabango at in-spray sa mukha kaya nabigla ito at nagpunas ng mukha saka binalik ang pabango. "Yan? Ic-crush back ko? ganon?" Choosy neto jusko. "Matalino naman siya, clumsy nga lang. At saka he likes you ever since third grade. I don't think crush ka lang niya or gusto"

"Pero kaibigan niya si Felix" biglang sabi ni Trixie "Oo nga, but they're different" I shrugged my shoulders at tinignan si Jisung na nakatingin sa amin at nag wave at muntikan pang masanggi yung mga pabango. Umiling si Rc at umalis kaya sinundan namin siya.

Jisung is actually a friend of mine. Alam niyang gusto ko si Felix well noon kaso nalaman ko na gusto rin siya ni Rc kaya kinalimutan ko nalang ang nararamdaman ko. Siya lang ang nakaka-alam, dibale nalang kapag sinabi niya sa ibang kaibigan nila.

"Byeeee guys thanks for today" nag wave goodbye nalang kami ni Trixie hanggang sa umalis ang Taxi na sinasakyan ni Rc. Hinarap ako ni Trixie at bumuntong hininga kaya napalayo ako. "So ano sa tingin mo?" napakunot naman ako "Ha?" she made a straight face habang tinitignan ako sa mata "Hagorn" nagpekeng ngiti ako "Ano sa tingin mo kako kung bakit kaya jinowa ni pileks si Rc kung hindi naman pala niya 'to mahal?" umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa parking lot. "Huy" sinundan naman niya ako "Siguro pinampalipas oras lang siya ni Felix o kaya ginamit lang siya para makalimot" kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang kotse. Pumasok na ako sa driver seat at siya naman sa tabi ko.

"Ano naman ang gusto niyang kalimutan? Hay nako baka naman nagpustahan lang yon sila? Aba sasapakin ko silang lahat" bumuntong hininga nalang ako at pinagana ang motor ng sasakyan.

Unstoppable | Lee FelixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon