07

141 5 4
                                    

Avery

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga nandito ka?" kwinelyuhan ko siya at galit na bulong ko kay Felix dahil baka marinig kami ni mama na nasa kusina. "Sinusundo ka. Bakit? Gusto ko sabay tayo na pumasok. Anong nangyari sa mukha ko? Sinapak ako ni Jisung kahapon sa park. Bakit niya ako sinapak? May gusto siya kay Rc at matagal niya na raw gustong gawin yun. Oh ano? May itatanong ka pa?"

Binitawan ko ang kuwelyo niya at tinulak. "Wala bang morning kiss diyan?" sinamaan ko siya ng tingin "Ulol mo, umalis ka na ayokong kasabay ka"

"Eh gusto ko kasabay ka" kulit naman nitong lamok na'to! "Look, ayokong makita ni Rc na kasama kita, okay? Kaya umalis ka na kung hindi, hindi ako papasok"

"Hmm...pag hindi ka pumasok, hindi kita makikita...kung hindi ka papasok edi hindi narin ako papasok" he smiled like a stupid person and I scoffed "Hindi ka ba talaga titigil? Please umalis ka na kung hindi sasabihin ko kay papa na binabastos mo ako"

"What?!" I smirked "Sige ka pag sinabi ko yun hindi ka na niya papayagan na manligaw" tinignan niya lang ako at bumuntong hininga. Dumating naman si mama at nagtataka "Anong nangyayari? Nag-aaway ba kayo?" umiling naman si Felix. "Hindi po, sige po mauna na ako may dadaanan pa po pala ako, sa susunod nalang po" tinignan niya ako at saka umalis.

"Anak, alam kong ayaw mong magsabay kayo pero bakit?" umupo si mama sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko at inayos. "Eh kasi" ano bang sasabihin ko? "Famous yun si Felix eh, ayoko po na pagtinginan kami ng estudyante. Alam niyo na issue" nag pekeng tawa ako at tumango naman si mama. "Pero nakita ko na may pasa siya sa mukha niya, alam ko ba ang nangyari duon?" tumango naman ako "Nauntog daw po sa hagdan" napakunot naman si mama.

"Sige na mukhang nakalayo narin naman na yun, umalis ka na baka malate ka pa" tumango naman ako at hinalikan si mama sa cheeks at nagpaalam.

Lunch na at nandito kami sa canteen kumakain malamang. Nakita ko si Felix at Jisung kanina na naguusap mukhang nag-aayos ata dahil sa nangyari kahapon. Magaling pala sumapak si Jisung eh. Maya-maya ay naka recieve ako ng chat mula kay Felix at tinignan kung ano yon. At naginhawa naman ako sa sinabi niya. Nagchat naman ako kay Jisung at nagpasalamat.

"So sa tingin niyo sinong target ngayon ni Felix?" tanong ni Trixie at nagkibit balikat lang ako. Masyado pang maaga para malaman nila.

Unstoppable | Lee FelixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon