Avery
"Felix, stop" tinulak ko siya at tumawa lang siya "Oh c'mon I can't even touch you that much in school because of your friends" I rolled my eyes at umalis sa kama. "Kissing was okay but touching is too much for now, hindi tayo mag-asawa, at ang magulang natin-"
"Can you please not worry about that? Bakit ba ayaw mong natin silang pigilan nalang?" sabi ni Felix at umupo ng maayos. "Kinausap ako ni mama kagabi. Masaya siya na ikakasal na sila at mahal na mahal niya ang Dad mo"
"So?"
"I want her to be happy"
"And you don't want us to be happy too?"
"Ewan ko sa iyo pero masaya ako dahil masaya si mama"
"I don't understand. Sabi ko lalaban tayo"
"Felix...Isang buwan nalang may oras pa ba para lumaban"
"Bakit parang iba yung pagkakaintindi ko sa mga sinasabi mo?"
I sighed. Ayaw kong sumuko pero dahil sa mga kwinento ni mama kagabi...hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Masaya ako ng kinasal siya sa mama ni Felix dahil magkakaibigan kami. But their marriage was arranged at mahal ni Fiona ang tatay ni Felix kaya masaya siya at ako inisip ko nalang na dapat akong maging masaya dahil noon palang mahal ko na si Xavier at kailangan tanggapin ko iyon. Kinasal ako sa papa mo dahil sabi niya mahal niya ako"
Napabuntong hininga nanaman ako at binuksan ang phone ko para malaman kung anong oras na. Pauwi na sila mama galing trabaho...
"At ngayong magkakasama na kaming dalawa ay sobrang saya ko...kasi mahal niya din pala ako noon pa. Kaya sana maintindihan mo kami ni Xavier"
"Felix ngayon lang magiging masaya si mama dahil mapapangasawa na niya ang taong matagal niyang mahal. Naghirap si mama kay papa dahil iniwan niya kami. At ngayon ko lang siya nakitang masaya. Kaya Felix hayaan nalang natin sila"
"Okay, kung yan ang gusto mo" lumabas siya ng kwarto at napaupo ako sa sahig. Gusto ko lang naman makita si mama na masaya para makalimutan niya ang ginawa ni papa.
BINABASA MO ANG
Unstoppable | Lee Felix
Short Story[COMPLETED] ❝Kahit sabihin mong tigilan ko na hindi ako titigil❞ » Lee Felix In which Avery hates the ex of her bff but still agreed to court her even though she knows what he did to her bff.