Trixie
Haaaaaayyyy buhayyy buti nalang tapos na ang klase makaka uwi narin sa wakas!
"Bye guys see you nalang ulit" tumango nalang ako matapos mag paalam ni Rc at sumakay ng taxi. "Tara na" sabi ko kay Avery pero nakatingin lang siya sa phone niya. "Huy" tawag ko ulit at nilingon naman na niya ako buti naman kundi tutulak ko siya sa kanal.
"Oh?"
"Sabi ko tara na"
Tumingin naman ulit siya sa phone niya, ano bang meron duon? Sinilip ko pero tinagi naman niya ito agad. "Sorry Trix ikaw muna mag isa uuwi ngayon may pupuntahan pa pala ako"
Napakunot naman ako ng noo at tinignan lang siya "Samahan na kita"
"Huwag na kaya ko na ito mag isa sige na mauna ka na sa susunod nalang, babawi ako" tumakbo naman na siya pagtapos. Kailangan magmadali?
Malapit na ako sa kanto kung saan sakayan ng bus kaso hindi ako makampante eh. Ano bang meron dun sa phone niya? Bakit nag mamadali siya? Magsasara na ang school maya maya. Delikado. Tsk.
Bumalik ako ulit sa school at dinaanan ko kung saan lumiko si Avery. "Nasaan kaya yon?"
Sarado na ang library pati ang mga room. Napunta ako sa hagdan papunta sa rooftop. Bakit may mga rose petals na nakakalat?
May nanliligaw ba kay Avery?
Sinundan ko yun at nakarating nga sa rooftop. Sumilip ako sa pinto at nakita si Avery na nakatayo sa gitna. Kaso hindi ko makita kung sino yung kasama niya hayst.
"sigurado ka ba talaga dito?"
"oo naman"
pamilyar yung boses nayun ah...
"felix wala bang ibang paraan na magbago ka? ayokong magalit sakin si Rc"
Felix?! Ano?! Teka?! What?!
"Ito lang ang tanging paraan na naiisip ko eh"
"I'm sure meron pang iba ayoko–"
"Kelan ka ba titigil magsabi ng ayoko?"
Natahimik naman ang paligid at walang nagsalita sa kanila.
This is not so right.
Magagalit si Rc.
This is war.
Ano bang iniisip nitong ni Felix? Mga kaibigan ko ang tinitira. At anong magbago? Gagamitin niya si Avery para magbago? Pwede namang siya nalang mag isa ang gumawa ng paraan para magbago, sasapakin ko to eh.
"Just let me court you and it will work, I can feel it"
"Fine, wala namang makakapigil sayo eh. Pero once nalaman ni Rc ang tungkol dito? Stop it immediately"
Wala namang sinagot si Felix at niyakap lang si Avery. Tss.
Parang tanga naman tong si Avery hay nako. May nag notify naman sa akin. Nag post si Rc ng picture habang nasa bus at nag comment naman ako. senti gurl.
Binalik ko naman na ang phone ko sa bulsa pero ikinagulat ko nga biglang nagbukas ang pinto.
"Trixie?! A-anong ginagawa mo dito?"
Lumapit naman sa Felix at tinignan ako.
"Kailan ka pa nandiyan?" tanong ni felix. "Enough to hear what are you guys doing" sagot ko pabalik "And everything is not so right"
"Bakit ba mga kaibigan ko tinatarget mo ha?" tanong ko "Gusto ko lang magbago"
"Magbago ka mag isa mo" mabilis kong sagot at hindi na siya nakapagsalita.
Hinila ko naman si Avery at wala naman siyang sinabi.
Habang nasa waiting area at iniintay yung bus ay walang nag sasalita sa amin pero mayamaya nagsalita si Avery.
"Sabi ko naman sayo mauna ka na"
"Oh edi kung hindi ako sumunod hindi ko malalaman na nililigawan ka niya kasi mukhang wala ka namang balak na sabihin kahit sa akin lang. And I get na ayaw mo sabihin kasi magagalit si Rc lalo na ngayon gusto niya magkabalikan sila. This is wrong move dahil mamaya isang lapit sayo ni felix bubugahan ka na ng apoy non ni Rc" hindi pa ako tapos huminga lang ako "at saka, dumbbell ka? Alam mo yung ginawa niyang grabe na panloloko sa kaibigan natin tapos papayag kang palandi don?
"I told felix na huwag akong lalapitan pag nandiyan si Rc pero lagi kong sinasabi sa kaniya na huwag akong ligawan kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Rc pero mapilit ang lamok. Unstoppable. At saka hindi landi yon nanliligaw lang yung tao"
"Peste yon hindi tao" irap ko "Trix huwag mo sabihin kay Rc, please?"
Tumango ako "Sabi mo nga unstoppable ang pesteng yon baka kahit itulak ko sa bangin yon ligawan ka parin. Fine. Pero sa dulo malalaman din ni Rc ito, sira tayo"
BINABASA MO ANG
Unstoppable | Lee Felix
Short Story[COMPLETED] ❝Kahit sabihin mong tigilan ko na hindi ako titigil❞ » Lee Felix In which Avery hates the ex of her bff but still agreed to court her even though she knows what he did to her bff.