25

112 3 0
                                    

Avery

School ended and finally gusto ko ng bumili ng gulaman sa kantooooo, ayoko ng milktea hindi ko type. (Hindi ko talaga siya type guys nasusuka ako hehe) I prefer smoothie o kaya halo-halo.

Wala akong ilalagay sa locker ko o kahit kukunin pero sabi ni felix bibigyan niya ako ng sulat everyday kaya baka hindi ko makuha kaya dadaan muna ako saglit duon. Nakita ko si Rc sa locker niya na may ka text pero bukas ang locker. Lumapit ako sa locker ko buti nalang malayo ang locker namin sa isa't isa.

Nakita ko yung sulat na nakaipit sa locker ko kaya kinuha ko yon at inamoy. The scent was different from before but also smells so good. Binuksan ko ito at tinignan ang sulat.

Hi berry

I have two different perfumes, which one is better?

fr: imy

Sana all may pabango, char. hahahaha

Inamoy ko ulit yung papel, well actually this one is good too. Pero yung kahapon na binigay niya before magkaroon ng meeting sa field was good and lasted for so long, ginamit ko pa ngang pamaypay dahil mainit.

"Huy ano yan?" lapit ni Rc sa akin at tiniklop ko naman agad ang papel. Kinuha naman niya ang kamay ko na hawak ang papel kaya nanlaki ang mata ko. "Ang bango, secret admirer?" tinignan ko lang siya at nakita ko naman si Trixie at inakbayan ako.

"Oo may secret admirer na itong si A" tinignan ko naman siya at ngumiti lang "Alam mo ba kanina meron ding sulat sa kaniya"

"Talaga? Asan na?" tanong ni Rc at tinignan naman ako ni Trixie. "Tinapon niya" nanlaki naman ang mata ko

"What? Grabe ka naman hays tara na may bibilhin ako sa kanto" tumango naman ako kay Rc at hinila ako.

Kinuha sa akin ni Trixie ang sulat at binasa ito at inamoy.

Inabot niya sakin uli "Throw it, the other one was better" tinignan ko naman siya at inakbayan niya si Rc.

Yeah I think mas better yung kahapon. Nakita ko naman si Felix sa exit. Paano ko sasabihin sa kaniya sagot ko?

Tinignan niya ako at umiwas naman ako at tumabi kila Rc sabay inunahan at tinapon sa basurahan sa tabi ng halaman malapit sa exit.

"Tinapon mo ulit?" tumango ako sa tanong ni Rc "Sayang mabango pa naman" ngumiti lang ako at tinignan si Felix. Mukhang nagets naman niya yung pagtapon ko ng papel. Baka isipin niya ayoko ng sulat niya eh.

Unstoppable | Lee FelixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon