Avery
Hinila ako ni mama at pumasok kami sa isang store para bumili ng susuotin niya at ng akin narin sa wedding. "Ito po bagay sa inyo" suggest ng babae pero nagtingin pa kami. Dumating naman sunod sila Trixie kasi inbidato sila sa kasal.
Nagsukat si mama ng iba't ibang design, may binigay siya sa akin na mga damit na napili niya yung isa bibigay niya daw sa kaibigan niya na hindi makarating dito.
"Uy bes bagay siguro sa iyo ito" sabi ni Trixie at tinuro ang isang boggang gown. "Hindi naman ako ang ikakasal eh" umiwas naman ng tingin si Trixie.
"Btw ang ganda ng invitation" sabi ni Rc sa akin "Talaga? Hindi ko nakita eh" ngumiti lang si Rc at inakbayan ako.
Nagbukas ang kurtina at nakita ko si mama suot ang napili niya. "Ang ganda ma! Lalong mahuhulog sayo si Tito Xavier" nawala ang akbay ni Rc at pumalakpak.
"Ikaw anak hindi ka magsusukat ng iba?"
"Okay na po itong napili ko" sabi ko at ipinakita sa kaniya.
"Itry mo itong napili ko" tinuro ni mama ang dala ng babae na gown at tinignan ko si mama. "Hindi naman ako ang ikakasal ma"
"Gusto kong makita na suot mo iyan. Malay mo ikasal ka tapos wala na ako"
"Ano ka ba ma"
"Sige na isukat mo na" tinulak ako ni Trixie at muntik na akong sumubsob kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang ako.
Sinukat ko ang damit na sinabi ni mama at...ang ganda ko puñeta hahahahahaha...
"Naks ganda naman ni bes" sabi ni Rc tumawa lang ako. "Ang ganda ng anak ko. Partida wala pang make up" napakamot lang ako ng ulo.
Natapos na ang pagsusukat at lahat kami may susuotin na. Pati sapatos ay nakabili narin kami. Hayst...konting araw nalang at graduation nadin namin. Malapit narin ang kasal. Kami ni Felix? Naguusap lang pag kailangan.
Ewan ko kung alam na nila mama ang paghihiwalay namin ni Felix pero halata naman eh kasi hindi kami nag uusap kaya baka alam na nila.
Basta ang mahalaga nakikita kong masaya si mama, okay na ako.
BINABASA MO ANG
Unstoppable | Lee Felix
Short Story[COMPLETED] ❝Kahit sabihin mong tigilan ko na hindi ako titigil❞ » Lee Felix In which Avery hates the ex of her bff but still agreed to court her even though she knows what he did to her bff.