33

99 4 0
                                    

Avery

"But that's a good question though" sagot ni Trixie kay Rc matapos niyang ikwento ang paguusap nila ni Felix sa chat kahapon kaya siya inis na inis ngayon. "Ano nga bang gagawin mo pag nalaman mo kung sino yung new girl" tinignan ako ni Trixie at tinignan ko lang ang pagkain ko.

"Ruin her of course duh"

Napatingin naman ako sa kaniya "That's not like you, Rc" sabi ko habang nakakunot. The Rc I know was kind, lovely, not selfish nor selfless.

"I love Felix. You guys know that. Alam niyo kung gaano ako patay na patay sa kaniya noon"

"You're being unreasonable, Rc. Can't you just accept that your relationship with has ended? Kung mahal mo siya tatanggapin mo ang desisyon niya. Masaya na siya" naalala ko ang sinabi ni Felix nung unang date namin. May point siya duon at sinasabi ko na ngayon sa kaniya mismo.

"Paano ka naman nakakasigurado na masaya siya? I can make him happy too" kontra niya. Anong nangyari sa Rc na kilala namin?

"Rc! This is not so you!"

"I am me! I just love-" bigla namang napatayo si Trixie at kinuha ang bag. "You're being unreasonable. I don't think you love him. Because if you do? You would accept his decision. I think you're just obsessed" hinablot ni Trixie ang kape niya at lumabas ng cafe. Bakit ang sobra naman ata ni Trixie? Ako nga dapat itong...hay nako.

"What's her problem?" uminom siya ng frappe niya at tinignan ko naman siya "What's your problem too?" I asked. "Pati ba naman ikaw?" she rolled her eyes at uminom ulit. "I just thought that Trixie was right. Just accept that what's between you and felix is over five months ago" Oo limang buwan na simula non at limang buwan narin ganito umasta si Rc.

"Sa tingin ko sa sobrang obsess mo sa kaniya nag iba ka na. Para ka ng baliw na pilit ipag siksikan ang sarili sa taong ayaw sayo. Hindi na ikaw yung kaibigan na nakilala namin ni Trixie three years ago. Marami pang iba diyan Rc. Huwag kang ganiyan ng dahil lang kay Felix. Think about it Rc" umalis narin ako pagkatapos kong sabihin iyon at tinignan niya lang ako.

I want her to accept it. Para naman kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Felix hindi kami mag-away. 

Unstoppable | Lee FelixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon