Dirediretsong kinukumpas ng aming maestro ang kanyang kamay habang kami ay umaawit.
"Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso
Di ka pa sisiil.."Subalit bigalang natigil sa pagkumpas ng kamay ang aming maestro sa asignaturang mapeh.
"Kaninong boses yung nangingibabaw? Bakit napakasintunado?"
Matalas ang matang tinitigan kami ng aming guro.
"Ayaw kong mapahiya sa principal, kaya umayos kayo, naturingan kayong higher grade pero Lupang Hinirang na lang hindi ninyo pa makuha ang tamang tono?" galit na asik ng aming guro.
Nagulat ako nang maramdaman kong umuga ang ulo ko dahil sa isang sapak..
Maluha-luha akong napatingin sa lalaki kong katabi na siyang sumapak sa akin.
Ang sakit, napakasakit nung sapak niya dahil lalaki siya at hindi ko maipagkakailang malakas yun.
Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa guro, nagpapahiwatig na gusto kong galitan niya ang lalaking katabi ko dahil sa ginawa nito..
Pero umiling lang ito habang patuloy na nagtatawanan ang mga kaklase ko.
Wala akong ibang magawa kundi ang tumakbo palabas ng silid na iyon upang takasan ang kahihiyang nangyari sa akin at dahil na din sa sakit ng kaliwang pisngi ko.
Napadpad ako sa garden sa likod nitong school, para bang nawalan ako ng lakas dahil bigla na lang akong napasalampak sa lupa at unti unting nagsi-agos ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.
"B.. bakit po?" tumingin ako sa taas at kinausap ang panginoon.
"Ito po ba talaga ang dahilan kung bakit ako nabuhay? Ang pasakitan ng ganito Panginoon?"
Umulan ng malakas at hindi ko nagawang bumangon sa pagkakasalampak dahil nanghihina na ako, kaya nabasa ako ng ulan.
Kasabay ng malakas na pag ulan ay ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha galing sa mga mata ko.
I'm just 12 years old that time at lahat ng pangbubully naranasan ko na.
..
Veronica's Pov
"If this is my last night with you
Hold me like I'm more than
Just a friend
Give me a memory
I can use
Take me by the hand
While we do what lovers do
It matters how this ends
'Cause what if i never love again?.."Natapos ang pagtugtog ng violin kasabay nang pagkatapos ko sa pagkanta.
I'm here at ASAP, guesting.
They called me and ask to sing here.
So I sang, at hindi ko alam kung bakit habang kumakanta ako ay meron nanamang mga luhang dumaloy sa pisngi ko.
Agad ko itong pinusan at ngumiti ng malawak sa harap ng mga tao at ng camera.
..
"So Veronica, what's your plan for this coming summer?" tanong ng babaeng nasa harapan ko.
She is Hannah Aserin ang babaeng former leading lady ng lalaking leading man ko ngayon. Halata namang inis siya sa akin dahil nakuha ko ang pwesto niya at mas pumatok sa masa ang loveteam namin nung ex leading man niya.
"Wala ka bang balak mag out of town?" dagdag taong ng babaeng nasa harap ko.
"Nothing. I'm just staying at my condo." walang gana ko namang sagot dito.
"Whaat? That was boring!" tss akala mo naman totoong concern, e plastic naman.
"I preferred it more."
"Waaaah! Veroniiicaaaa!" isang nakabibinging sigaw naman ng babae ang umalingawngaw.
It's Kelly Lonta. She's not an actress but she's my number 1 supporter.
"Fans are too noisy" matigas sa sambit ni Hannah.
"Excuse me ms. Hannah I'm not just a fan of Veronica, I'm also her friend" malawak naman ang ngiting tugon ni Kelly.
Friend. She's a friend? I don't think so.
*flashback
I'm 15 years old and fourth year high school that time. Walang pagbabago, center of attention pa din ako at palaging binubully. They keep on telling me na bukod sa wala akong talento ay napakapangit ko dahil sa maitim na balat ko. Halos lahat ng kaklase kong babae ay mayroong boyfriend, samantalang ako wala ni isang magkacrush sa akin. Mataba din ako at walang kurba ang katawan, bakit ba naman kasi ako tinuruan ni mamang magluto, ayun tuloy, sa kusina ako nag stay nung buong bakasyon.
Nandito ako sa canteen nakaupo, at nag iisa sa lamesa. Kumakain ako ng spaghetti na niluto ni Aling Susan. Meron din akong palamig na katabi at meron pang isang tinapay na monay.
Nagulat naman ako nung maramdaman kong may malamig na tubig na bumasa sa buhok ko. Napaangat ako ng tingin at nagulat nung mapagtanto kong sinadya akong buhusan ng palamig. Si Kelly at ang grupo niya, sila ang mean girls kung ituring. Maganda, maputi, mabango, mayaman, at higit sa lahat talentado.
Wala akong magawa kundi ang tumakbo. Hindi ko sila kayang harapin kahit na hindi na ako bata. Hanggang ngayon ay natatakot pa din ako sa kanila.
*end of flashback
"Wooy Veronica!" sigaw sa akin ni Kelly kasabay ng pagsnap sa harap ng mukha ko na gumising ng diwa ko.
"What?" blangko kong tanong dito.
"Ang ganda ganda mo talaga, napakakinis ng balat mo at ang pusyaw." sabi nito habang mariing tinititigan ang mukha ko.
Napansin ko namang wala na si Hannah.
"Where's Hannah?" tanong ko sa kanya.
"Ah kanina pa umalis, mapunta daw siya sa manager niya" tinalikuran ko naman siya at akmang lalabas na ng building.
"Wait lang veronica! Pa-picture naman!" sabi nito sa akin at kinuha yung cellphone sa bag niya.
Nang iharap niya sa akin yung camera ay hindi ko nagawang ngumiti kaya napatitig siya sa akin.
Awtomatiko akong napangiti nung bigla siyang tumingin kaya napangiti din siya at pinindot ang cellphone.
Hindi na ako nagpaalam at sumakay sa taxi'ng pinara ko
"Babyeee Veronica!" narinig ko namang sigaw ng babae ng makita niya akong sumakay sa taxi.
What if malaman niyang ako si Vivian? Will she continue what her doing? Will she still idolize me?
Tss I don't fucking care. They me hurt me once and I won't let them make it twice.
..
![](https://img.wattpad.com/cover/218278305-288-k832149.jpg)
YOU ARE READING
Versatile ✅
RomanceVersatile, That is the proper word to describe Veronica Santillian. An actress who can adjust on every genre. An actress who can dance gracefully, seductively with feelings. And a singer who can sing from the heart. But versatile, really comes from...