Chapter 16

0 1 0
                                    

Veronica's Pov

Pumasok kami sa loob ng palengke at hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil kanina pa nakabusangot ang mukha nito simula ng pumasok kami dito.

Ngayon ko lang din napansin na naka walking short na lang pala ito.

Tss i hate to admit it pero halos lahat ng isuot niya ay bumabagay sa kanya kasi maputi siya.

"Is safe here?" bulong niya sa akin.

"Ofcourse, palengke lang ito ano." tugon ko naman sa kanya.

Tahimik siyang sumunod sa akin habang papasok sa palengke. Tumingin tingin naman ako kung saan mayroong tinda nung mga nakasulat sa listahan.

Pumunta ako dun sa pwesto na may nakita akong papaya.

"Magkano po ito?" tanong ko dun sa babaeng nakaupo sa timba.

"Singkwenta lang yan ineng." sabi nung babae sa akin.

Nagulat naman ako dahil sobrang mahal ng presyo nito.

"Aba'y ang mahal naman po niyan inay." reklamo ko dito dahil napakamahal naman talaga ng presyo nito.

"Mahal pa ba yun? 50 pesos? It's not expensive." nainis naman ako dahil sa pagmamarunong ng kasama ko.

Hinila ko siya papunta sa isang tabi para kausapin.

"Pwede ba tumigil ka nga! Mahal yun! Mahal! Alam mo bang 30 pesos lang yun? Akalain mo yun, 20 pesos ang patong niya!" medyo napalakas yung boses ko kaya may ibang tao ng tumitingin sa amin.

Nahiya naman ako para dun sa matandang pinuntahan naman kanina. Sorry po inay, eh pano kasi itong katabi masyadong nagmamarunong, makakabwesit!

"Ikaw huh! tumahimik ka na lang!" mariin kong sambit sa kanya at dinuro pa ito.

Tumango naman siya at sumunod sa akin nung maghanap ako ng ibang mabibilhan. Muli akong pumunta sa ibang pwesto at dun nagtanong.

"Manong magkano po sa papaya?" tanong ko dun sa manong.

"Ah, 30 lang yan ineng." sabi nung matanda.

..

Knox's Pov

"Ah, 30 lang yan ineng." sabi nung matandang lalaki.

"Wala na po bang tawad yan? Dalawa naman po ang bibilhin namin."

Seriously? Humihingi pa siya ng tawad eh thirty pesos na nga lang ang benta sa kanya? Kawawa naman pala ang mabibilhan nitong babaeng ito, malulugi.

Napangiti na lang ako dahil sa ugali nito. Sino bang mag aakalang ang isang Veronica Santillian ay mapapadpad sa palengke at doon mamimili, at sino din bang mag aakala na marunong itong humingi ng tawad.

Kinakabahan lang ako dahil baka kapag may naka kilala sa kanya ay dumugin siya ng tao.

Pero mukhang wala namang nakakapansin sa kanya dahil napaka busy ng mga tao dito.

Nakuha niya ang dalawang papaya sa presyong 50. Grabe talaga itong babaeng ito. Dito na din bumili si Veronica, uhmm i prefer calling her by her real name, Vivian.

Dito na din bumili si vivian ng iba pang nakalista, nakabili na kami ng manok, baboy, at iba pang gulay. Ang hindi na lang namin nabibili ay ang kangkong? I'm not really familiar with that.

Versatile ✅Where stories live. Discover now