Veronica's Pov
Nagising ako na hirap akong imulat ang mga mata ko. Para bang ang bigat bigat ng talukap ng mata ko.
Hanggang sa naalala ko ang lahat ng nangyari kahapon. Gusto kong umiyak, gustong gusto. Pero wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko. At ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay ang humikbi.
Bumangon ako para mag almusal dahil nagugutom na ako, kumakalam na ang sikmura ko. Hindi nga pala ako kumain kagabi.
"Vivian." mahinang sambit ni ate shan nung nakita niya akong lumabas ng kwarto.
Kahit namumugto ang mga mata ko ay nginitian ko siya.
"May ulam ba tayo? Nagugutom na ako eh." tugon ko naman sa kanya.
"A.. ah eh meron, andyan sa lamesa may tocino." nauutal niyang sagot sa akin.
*Breaking News
Agad akong napatingin sa tv.
The Versatile Vrilliant, Nagdadalang Tao?
Iyan ang nakita kong balita habang may mga picture ako nung nasa hospital at nung nawalan ako ng malay.
"Maaalala natin na nung inenterview si Veronica Santillian sa TWBA ay natanong ang artista kung ito nga ba ay may nobyo, pero nasabi ng artista na wala. Kaya't nagulat ang masa ng kumalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Veronica Santillian na nasa hospital at walang malay, na may caption na 'The Versatile Vrilliant, isang disgrasyada." narinig kong sabi nung reporter sa tv.
Halo halo ang naramdaman ko ngayon, pero wala ng luhang tumutulo sa mga mata ko.
Nanatili lang akong nakatitig sa tv.
Ako disgrasyada?
Bagay ba sa akin ang salitang yun? Sabagay, totoo naman.
Nang makabawi ako ng lakas ay pumunta ako sa kusina na para bang walang nangyari. Pagod na ako, pagod na akong umiyak, pagod na pagod na yung mga mata ko. Pagod na din yung puso ko, sawa na siyang masaktan kaya mas mabuti ng manatili na lang ito sa normal na pagtibok, hindi lalakas at hindi din babagal. Pagod na din yung utak ko, pagod ng maging malungkot, pagod nang isipin ang mga sasabihin ng tao.
Kumain ako, dinamihan ko ang kain. Hindi na lang ako ang kumakain ngayon. From now on ako, si ate shan, si adam, at ang anak ko na lang..
Hindi ko na iisipin ang sinasabi ng ibang tao. Mabubuhay ako ng sarili at pamilya lang ang importante, I'm just 23 at alam kong marami pa akong oras, hindi pa huli ang lahat.
Nakapag decide na din ako. I will go to states. Siguro kung mas pinili kong manatili na lang doon at hindi na bumalik dito para ipamukha sa mga tao kung ano ang narating ko, siguro hindi ako nagkakaganito ngayon. Siguro maayos ang buhay ko at masaya ako ngayon.
Babalik ako sa states, doon ko bubuhayin at papalakihin ang anak ko, sapat na din naman ang naipon ko sa loob ng dalawang taon para sa pagpapalaki ng anak ko. Maghahanap na lang din ako ng trabaho pagdating sa states.
Matapos kong kumain ay naligo na ako, magsisimula na akong mag ayos ng mga papeles para sa lalong madaling panahon ay makaalis na kami.
Panigurado namang alam na nila ang tungkol sa kalagayan ko ngayon, pero mas mabuti pa din kung magpapaalam ako ng maayos. Malaki ang kasalanan ko sa kanila, marami rami na ding pera ang nagastos para sa teleserye kaya hindi ko alam kung paano nila ako nito mapapatawad.
"Oh saan ka pupunta vivian?" tanong sa akin ni ate nung makita niya akong nakabihis.
"I will just fix everything." hindi ko na muna sinabi sa kanya ang balak kong umalis.
YOU ARE READING
Versatile ✅
RomanceVersatile, That is the proper word to describe Veronica Santillian. An actress who can adjust on every genre. An actress who can dance gracefully, seductively with feelings. And a singer who can sing from the heart. But versatile, really comes from...