Veronica's Pov
Kailangan kong umuwi sa Pilipinas dahil may papeles na pinapakuha sa akin yung modeling agency na pinatatrabahuhan ko.
Mukhang ito na ang oras para harapin ko ang lahat. And this time sisiguraduhin kong hindi na ako tatakbo.
..
And finally we're here.
Napagdesisyunan din nila ate shan na umuwi ng Pilipinas kaya ngayon, kasama ko sila. Ate shan, kuya nate and adam. At syempre ang mga anak ko.
Karga ko si sciene, habang si schier naman ay karga ni kuya nate. Siya ang pinagbuhat ni ate shan. Samantalang si adam naman ay gising na gising at mukhang excited na excited.
I don't know kung ano ang nangyari dito, sa loob ng tatlong taong pamamalagi namin sa states ay wala akong balita. Hindi ko nga alam kung nakalimutan na ako ng masa o baka naman kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa pangungutya nila.
I am wearing my shades kaya paniguradong walang makakakilala sa akin.
After almost an hour ay nakarating kami sa condo ko. I miss my home.
Nagising ang mga anak ko kaya nagtatakbuhan sila dito sa loob ng condo habang si ate shan at kuya nate ay nasa kusina, naghahanda ng makakain namin para mamayang hapunan.
3:30pm pa lang ang oras at mukhang kahit si adam ay naiinip na dito sa condo.
Napag isipan ko namang mag mall kaya inakit ko sila ate. Na excite din naman ito kaya mamaya na lang daw nila ipagpapatuloy ang pagluluto.
Mukhang pareparehas kaming hindi napagod sa byahe.
Sa kotse ko, kami sumakay. Ako na din ang nagdrive at ang nasa passenger seat ay ang dalawa kong anak na nakaseatbelt. At nasa likod naman ang mag anak.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall. Hawak hawak ko si schier habang si sciene naman ay buhat ni kuya nate.
Hindi kami nagugutom kaya hindi na kami nagpasok ng restaurant. Dumiretso kami sa mga shop ng damit para mamili. I am wearing my black fitted dress habang si schier ay naka pants at black shirt habang may suot na shades. He's the one who get that shades kanina sa bahay. Habang si sciene naman ay naka off shoulder blouse at naka maong na palda. My little girl look hot on her outfit hahaha.
Pumasok kami sa isang botique, at nagtingin tingin ng mga damit.
After almost half an hour ay nauna kaming lumabas ni shier, madami na kaming napamili at nauna kaming mag bayad sa counter.
Nagtingin tingin muna kami dito sa mga katabing shop.
At sa hindi inaasahan ay nakita ko ang isang bulto ng lalaki sa restaurant.
That eyes was really familiar on mine.
Alam kong hindi niya ako makikita dahil hindi siya nakatingin sa kinaroroonan ko kundi sa babaeng katabi niya na halos lumuwa na ang kaluluwa sa suot na tube.
At hindi ako makapaniwala nung mapagtanto kung sino ang babaeng ito. It's kelly, kelly lonta. The one who posted my pictures on social media having the caption 'The Versatile Vrilliant, isang disgrasyada.'
What a bitch.
"Oh my Gooood Veroonicaaa Santilliiiian???" narinig ko na may sumigaw at pagbaling ko sa kaliwa ko ay nakita kong marami rami na ding tao ang nagtatakbuhan papunta sa pwesto ko.
May mga hawak silang camera at yung iba ay nasa malayo pa lang pero kinukuhaan na ako ng litrato.
I look at my son, na medyo tumago sa likod ko. I smiled at him na ipinaparating na okay lang ang lahat.
YOU ARE READING
Versatile ✅
RomanceVersatile, That is the proper word to describe Veronica Santillian. An actress who can adjust on every genre. An actress who can dance gracefully, seductively with feelings. And a singer who can sing from the heart. But versatile, really comes from...