Veronica's Pov
Ilang buwan na din kaming nagtetaping at paulit ulit lang ang nangyayari.
Sumasama si knox sa lahat ng taping kahit na wala pa naman siya sa scene. At hindi ko mapigilang mabwesit sa kanya.
Sa tuwing makikita ko siya ay para bang tumataas ang presyon ng dugo ko.
Linggo ngayon at wala munang taping, oras namin ngayon para magpahinga.
At naandito ako sa lamesa at kumakain ng prutas.
"Vivian, didn't you notice na napaparami yang kain mo? Tingnan mo nga yang balat ng apple at orange sa tabi mo, apaw na sa mangkok." she said while pointing out the bowl at may side.
Napatingin naman ako sa mangkok sa tabi ko at talaga nga namang ang dami ng lamang balat.
"Ang tamis kasi." yun lang ang nasabi ko sa kanya at itinuloy ang pagkain.
Bigla naman akong nakaramdam na para bang may tumutusok sa lalamunan ko kaya dali dali akong tumakbo papuntang sink at doon dumuwal.
Paulit ulit akong dumuwal pero wala namang sukang lumalabas.
"Hey! Are you okay?" tanong ni ate shan habang hinihimas ang likod ko.
"Yuck! What's that smell? I don't like your perfume!" sabi ko matapos mag hilamos atsaka lumayo sa kanya.
"What? Eh ang bango nga eh." sambit naman niya at inamoy ang damit niya.
"Are you insane? Nababanguhan ka sa amoy na yan? Yuck! So gross.." i said atsaka pumunta sa kwarto ko.
I was about to lay down nung biglang pumasok si ate sa room.
"Hey vivian., I can sense something." sabi niya sa akin at nauna ng umupo sa higaan ko.
"Can you fucking get out in my room ate shan, ang sangsang nung amoy mo!" sabi ko sa kanya at tinakpan yung ilong ko.
"Are you pregnant?" diretsahan niyang tanong sa akin kaya awtomatiko ko siyang nabato ng unan.
"Shit vivian!" sabi niya atsaka kinusot yung mata niya.
"U..uhmm sorry." paghingi ko ng pasensya dahil sa nagawa ko.
"Seriously vivian, buntis ka ba?" she asked me seriously.
"A..I don't know." naiiling kong tugon sa tanong niya.
"Vivian.. Napaparami ang pagkain mo." mahina niyang sabi.
"Syempre palagi akong pagod sa taping." defensive kong sagot.
Tama naman diba, lagi akong pagod sa taping kaya bumabawi ako sa pagkain.
"Palagi kang naduduwal tuwing umaga." dagdag niya pang sinabi.
"I'm just.. I don't know. As you have said na napaparami nga ang kinakain ko kaya siguro naduduwal ako dahil sa kabusugan. Wag ka ngang ma issue shannon." naiirita kong sabi sa kanya.
"Pero nababahuan ka sa pabango ko! Kaya nga siya tinawag na perfume kasi mabango siya! Ano ba vivian, wag ka ngang magtanga tangahan! Hindi mo ba napapansin na lumalaki ka na din. Matagal na kitang pinagmamasdan pero hindi ko lang masabi dahil hindi sapat na ebidensya ang paglaki mo." dirediretsang sambit ni ate shan.
YOU ARE READING
Versatile ✅
Roman d'amourVersatile, That is the proper word to describe Veronica Santillian. An actress who can adjust on every genre. An actress who can dance gracefully, seductively with feelings. And a singer who can sing from the heart. But versatile, really comes from...