Chapter 3

3 1 0
                                    

*condo

I lay down on my bed and hug my pillow.

I'm Vivian Santillian and no one knows except one..

*ring. ring.

Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag.

Here she is..

"Vivian i miss you!" sabi ng babae sa kabilang linya.

"I miss you too ate shan." mariin kong sagot.

Nag iisa na lang siyang pamilya ko kaya mahal na mahal ko siya.

*flashback

Pauwi na ako ng bahay, galing school. At as usual, oh diba nakapag english ako..

May alam din naman akong english kahit na bobo ako HAHAHA. Joke lang nakinig ko yan kay kelly kanina nung kausap niya yung boyfriend niyang si jerard. So ayun nga as usual, hindi pwedeng matapos ang isang araw ng hindi ako nabubully.

Uuwi nanaman akong may pasa sa braso dahil sa higpit ng paghawak nung teacher ko sakin kanina, pinasagot niya kasi ako sa math kanina kaya lang hindi ko naman alam kung paano sagutan kaya hindi ako tumayo sa kinauupuan ko.

Kaya ayun hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at kinaladkad palabas ng room. Wala nanaman akong natutunan sa araw na ito dahil hindi na ako nakapasok.

Pauwi na ako sa bahay dala dala ang pandecocong binili ko, pasalubong ko kay mama at papa. Wala akong kapatid, nag iisang anak ako ng mga magulang ko.

Si mama ay walang trabaho, sabi niya sa akin housewife daw siya, samantalang si papa naman ay isang construction worker.

Hinigit ko ang manggas ng uniporme ko para matakluban ang pasa ko sa braso, at hindi makita nila mama.

Papasok na ako sa makipot na eskinita patungo sa bahay ng marinig ko ang mga taong nagsisigawan.

"May sunog!"

"Tulong!"

Hindi ko namalayang nabitawan ko ang supot na dala dala ko na may lamang pandecoco, at napatakbo ng mabilis.

Humagulhol ako sa nakita ko, natutupok ng malakas na apoy ang bahay namin, wala na ang bahay na ilang taong pinundar ng aking ama.

Akmang tatakbo ako papasok sa loob ng bahay dahil gusto kong makita sila ama at ina pero may yumapos sa akin.

"Vivian, huwag!" nakilala ko ang boses ng nagsalita, si tita.. kapatid siya ni mama.

"Tita asan po sila ina?" humahagulhol kong tanong.

"Vivian wala na sila! Kanina pa ang sunog at hanggang ngayon ay walang ina at ama mo ang lumalabas sa bahay ninyo." umiiyak na din si tita.

"Hindi tita. baka naman wala sila ina sa loob, baka may binili sila ni ama o di kaya ay namasyal, o di kaya naman.."

Pinigil ako ni tita sa pagsasalita at lumuhod ito sa harap ko.

"Vivian, nasa loob sila at natupok na sila ng apoy." niyakap ako ni tita ng mahigpit at umiyak siya ng umiyak sa balikat ko.

"Pano mo nasasabi yan tita? Hindi ka ba naniniwalang buhay sila? Matatag sila, tita. Hindi sila kayang patayin ng sunog." mariin kong sabi kay tita.

Kumawala ako sa pagkakayakap ni tita at tumakbo ng mabilis papunta sa bukana ng bahay namin.

Natutop ko ang bibig ko ng makita kong lumabas ang mga bombero at may karga silang katawan.

Si ama.

"Ama! Hindi! Hindi pupwede, hindi si ama yan. Nasan ang ama ko. Buhay pa ang ama ko!" nagwawala ako dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko na maglupasay sa sahig.

"Tita hindi si ama yan." sabi ko kay tita ng makalapit siya sa akin.

"Tita hindi pwede, bibigyan ko pa sila ng magandang buhay tita! Ititira ko pa sila sa mansyon, bibilhin ko pa si ama nung kotseng pinapangarap niya, ihahatid pa ako ni ama sa altar tita! Hindi maaari tita!"

Muli akong niyakap ni tita at sinabayan ako sa paghagulhol habang nasa harapan namin ang katawan ng walang buhay kong ama.

Muling pumasok ang mga bombero sa loob ng bahay namin at hinihiniling ko na sana paglabas nila ay kasama na nila ang aking buhay na ina.

Matapos ang ilang minuto ay muling lumabas ang mga bombero, at kagaya ng pangyayari kanina ay lumabas din itong hawak ang walang buhay na katawan ng aking ina.

"Panginoon."

Umiyak ako ng umiyak ng walang tunog, hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung bakit kailangang kunin sila sa akin?

Sila na lang ang meron ako pero bakit kailangan pa niyang kunin?

"Vivian? Are you still there?" nabalik naman ako sa ulirat ng magsalita si ate shan.

*end of flashback

"I'm still here ate shan."

"Vivian, stop reminiscing past." malamig namang tugon ng babae sa kabilang linya.

*/sigh

"Ang hirap ate. ang hirap"

"You're so strong vivian.. kinaya mo."

"Bakit kaya hindi na lang ako ang kinuha ng Diyos ate? Bakit kailangan pahirapan niya ako ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa kanya ate? Bakit ang hirap ng buhay ko dito sa mundo?.."

I'm crying.

"Sssh stop crying vivian, you have your purpose" sabi niya sa kabilang linya na nagpakunot ng noo ko.

"I have p..purpose ate shan? Ano? Ang pasakitan ng ganito? Yun ba ate? Pwes ayoko na! Ang sakit na eh!"

"Sorry vivian, i don't know what to say.. Sorry cause i can't help you.. I feel so sorry" narinig ko namang humikbi si ate shan.

"No ate shan. palagi mo na lang akong tinutulungan, you're always at my side. At hindi nyo ako pinabayaan ni tita."

"I love you cousin. You're really strong."

Napangiti ako bago ko pinatay ang tawag.

She is ate shan, Shannon Prosecco my cousin. She is the daughter of tita Jean, the one who helped me nung nasunog yung bahay namin at nawala ang magulang ko.

Tita jean bring me to America after what happened, doon ko nakilala si ate shan. She is tita's daughter and she's one year older than me.

Doon pala sila naninirahan, kaya lang si tita Jean bumalik sa Pilipinas nung mga panahong yun ay para asikasuhin ang papeles nila, at kasabay naman nun ay ang pag witnessed niya sa nangyari sa akin.

Nakapangasawa si tita ng matandang amerikano na naging dahilan ng pag asenso ng buhay nila. Nung mamatay ito ay naiwan sa kanila lahat ng properties nito.

Utang ko sa kanila ang buhay ko. Namatay si tita jean nung naraang taon dahil nagkasakit ito. Kaya naiwan sa amin ni ate shan lahat ng ari arian nila. Tinuring na akong anak ni tita jean kaya lahat ng properties nila ay may hati ako.

Sa america ako nanirahan ng anim na taon. Pero umuwi din ako dito sa Pilipinas dahil gusto kong ipakita sa lahat what I've got and what I am now. Two years na ako dito sa Pilipinas and kuntento na ako dahil sa pagiging sikat na artista ko dito.

..

Versatile ✅Where stories live. Discover now