THM 1

192K 2K 253
                                    

Welcome back to the Philippines, Tanya Alcaraz

I removed my wayfarer as soon as I saw the big banner in the very center of NAIA Terminal 1. All my staffs are here welcoming me.

Ang assistant kong si Dennis ay ngiting ngiti habang papalapit saken para yakapin ako. Inirapan ko sya at nginitian din pagkatapos.

"Welcome back Ma'am Tanya! Musta States?" Ngising saad niya.

Hindi ko maiwasang ngumiti ng mapakla pero agad din iyong pinalitan ng ngisi.

"Ayos lang. The boys there are just the same parang sa Pilipinas. Both annoying." Sinabi ko na lang. I dramatically fanned myself.

Kesa humaba pa ang usapan namin ay nauna na ako sa kanilang lahat lumabas ng airport. Hindi ako masyadong nakatulog sa eroplano dahil sa dami ng iniisip.

Nag grab ako papunta sa condo ko. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod matapos ang mahabang byahe.

Mabilis akong hinila ng antok pagkauwi. Nagising lamang ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko. It's already 11 in the evening. I have 10 hours of sleep.

"Marga." Sagot ko sa kabilang linya.

She must knew from my staffs na nakauwi na ako ng Pilipinas. She's a close friend of mine. She's 28 years older than me pero hindi halata dahil ang bata pa netong tingnan. Nagkakilala kaming dalawa sa isang casino sa Pasay. Let's say I am her superhero.

"Tanya? So you're really already here in the Philippines. Si De--"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil ayaw kong masira ang gabi ko.

"I miss you too. Where are you?"

Narinig ko ang pagtawa mula sa kabilang linya.

"Sa bahay. Let's meet in Horizon? The night is still young. I want to hear your story."

Napabuntong hininga ako.

"Okay, see you there."

Pinatay ko ang tawag at bumangon na. Dumausdos ang kumot sa balat ko pababa ng sahig. Wala akong suot na kahit ano.

Wala namang papasok ng condo ko dahil bukod sa nag-iisa ito sa top floor, naka double lock at may passcode ang pintuan ko.

Dumiretso ako ng bar counter para kumuha ng wine glass. I turned on the music using the remote.

Humarap ko sa malaking salamin. I twirled some strands of my hair with my fingers while my other hand is holding the red wine.

"Move on, Tanya."

Mula sa salamin ay nakita ko ang picture frame na naka-display sa pader. Agad ko iyong nilingon at tinapon sa basurahan.

"Your lost."

Dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Nakarating ako within 30 minutes sa bar. Marga is already there. Looking at her, mukhang may problema ang gaga.

Wearing a body hugging Dolce & Gabbana black tube dress, I flaunt myself inside the bar.

"Hello Miss, wanna drink with m--"

"How about later?" Sagot ko agad sa mga lalakeng nadadaanan ko.

I am always a teaser wherever I go. Nagpapaasa tapos iiwan. Hindi magpaparamdam. What is that term again?

Ghosting?

"Like what he did to you, Tanya?" Sigaw ng isip ko.

I shrugged it off.

"Well, well, well. The lioness is in distress, isn't she?" I said to catch Marga's attention.

Tumingin sya sa akin at bineso ako.

"I don't know. You tell me." ngumisi sya saken.

Umupo ako sa tabi niya. Sumenyas ako sa bartender after I gave my credit card.

"One manhattan." order ko

"Wow, after 3 years. Lalo kang gumanda because of your tanned skin. I thought pina-takeover mo na kay Dennis ang restaurant mo."

Natawa ako.

"That's his number 1 dream after I rejected him." We both laughed.

Dumating din agad ang order ko. The bartender is all smiling despite of his missing teeth.

He's kinda cute in a funny way.

"I thought makakapag branch out na ako sa US and live a happy life there. I always dream of having California sun-kissed skin, you know."

I sipped on my drinks before I face Marga. The smooth music on the background urges me to tell everything to her. I wonder why they are playing melodramatic song but I remember it's Monday nga pala.

"I broke up with Denver." Panimula ko.

Nakita ko ang pagkabigla at awa sa mga mata ni Marga. She knows damn well how much I really love.....to live in the US. Without the help of my step father. I need a green card and Denver is a US Citizen. Marrying him would be the most convenient thing to do. Aside from that, I love him too.

Kinuwento ko lahat kay Marga ang nangyare. Nakikinig lamang sya sa mga sinasabi ko. Bawat detalye ay sinaad ko hanggang doon sa gabing nakita kong naghahalikan ang step sister ko at si Denver sa isang parking lot ng sikat na restaurant sa Sunnyvale, California.

"She's really jealous of you. I hope you didn't make a scene." Komento niya.

Umirap ako.

"Of course not. I broke up with him via phone call. After that, I flew back here in the Philippines."

Muli akong umorder ng isang glass ng manhattan. I heard Marga scoffed.

"What's your problem? Tell me. Gambling again?" Biro ko.

Nilagok niya ang hawak na inumin. "Worse. It's about my son and his girlfriend."

I laughed hysterically. I am so drunk. "Let me guess...you don't like the girl."

Hindi ba't palagi namang ganon? Palaging mas mataas ang standard ng magulang ng lalake. Akala mo hindi gago ang anak.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Ang malakas na halakhak ko ay naglaho sa ere.

"I know this is too much to ask. You're always helping me during my crisis. But I am desperate, Tanya. Please help me....." Pagmamakaawa niya habang matamang nakatingin sakin na akala mo'y ako lamang ang makakaligtas sa kanyang kalbaryo.

"Be my son's mistress."

--------
I hope you like it!

The Hired MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon