THM 12

70K 1.1K 46
                                        

"I told you already, Denver. We're done so quit the drama! I'm not interested anymore!" then I ended the call.

Nakakainis na lalakeng 'to. He seems to find ways on how to contact me.

I massaged my temple and sighed.

Kaya ayaw kong nagseseryoso ng relasyon. Guys are too easy to fall into temptations. Pakitaan mo lang ng konti bibigay na agad.

Just like what I did to Dreymont. He's very easy sa totoo lang. Hindi man lang ako nilayuan. Wala din siyang say noong sinabi ni Marga na doon ako titira sa kanila pansamantala.

Hmm. Very interesting, indeed.

After kong kumaen, bumalik na ako ng bahay nila Marga para muling subukan ang anak niya.

Pasukin ko kaya sa kwarto?

So cliché.

Bahala na.

Nang makarating ako doon, una kong nakita si Joan. Surprisingly, she's wearing a very expensive dress. Not only that. It's almost the same as my style!

Bukod pala sa pagka gold digger, may pagka social climber din ang babaeng 'to. She's trying to fit in our world.

Pft. As if!

Binigyan ko siya ng plastic na ngiti.

"You must really like me that much." I smirked.

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Dreymont na papalapit sa amin. Masungit na naman.

"Ah bigay lang 'to sakin ni Drey. Malapit na kasi ang birthday ko." Mahinhin nitong saad.

Kung plastic ako, mas plastic 'tong babaeng ito.

"Really, huh? He must be thinking of me noong binili niya yang dress na yan." Pang-aasar ko.

"Tanya!" Suway sa akin ni Dreymont.

I chuckled.

"Nagbibiro lang naman ako ah."

"Well, that's not a good joke." Singhal nito at pagkatapos ay hinila ang girlfriend paalis.

Guilty?

Umakyat na lang ako sa taas para makapagpahinga. Gabi na nang magising ako.

I took a bath again. When completely dolled up, bumaba ako para hanapin si Dreymont.

May lakas na ulit ako para muling akitin siya.

Naabutan ko silang dalawa ni Joan sa garden habang naglalampungan. Nakakalong ito sa kanya habang naghahagikhikan.

"Hey love birds!" Singit ko sa kanilang dalawa.

Bigla namang tumahimik ang mga ito at umayos ng upo.

"Oh please. Don't mind me." I smiled at them and then beckoned one of the maids to get me some coffee.

Hindi ko alam kung aware ba si Joan na dito ako nakatira sa bahay ng boyfriend niya. Probably. Wala din naman silang magagawa.

"By the way, Dreymont, thank you for saving me the other night."

I haven't thanked him properly since that night. I guess ito ang perfect timing dahil kasama niya ang girlfriend niya.

Nakita kong nagulat si Joan at tiningnan ang katabi na para bang humihingi ng explanation dito.

Oops!

"It was nothing. Nagkataon lang na nakita kita doon." Paliwanag nito sabay tingin na naman ng masama sa akin.

Napahalakhak ako. "Okay..."

Mayamaya pa ay dumating si Marga para saluhan kaming tatlo.

"I really love the ambiance here, Marga. Baka dito na ako tumira." Biro ko.

Nanlalake ang mga mata niya na para bang nagugustuhan ang ideya.

"I'd be more than happy, Tanya. Kesa naman manirahan ka mag-isa. At least dito may kasama ka."

Binigyan ko ng nakakalokong ngiti si Dreymont.

"Sa bagay, Drey can protect me naman."

Hindi makapagsalita si Joan dahil kasama namin si Marga. Kapag nagpatuloy ito, si Joan na mismo ang makikipaghiwalay kay Dreymont.

Lalong matutuwa si Marga kapag nangyare iyon. She's desperate to dispose her.

"Enough!" Suway ni Dreymont sa ina. Masama ang tingin nito sa aming dalawa.

"I'll send you home now. Bukas susunduin ulit kita." saad nito sa nobya, ang amo ng mukha. Malayo sa expression na ibinibigay niya saken kapag magkausap kami.

Akala ko pa naman may progress na kami after niya akong ngitian! Kung sa bagay, marami pang pwedeng mangyare.

Saglit kaming nagka kwentuhan ni Marga. After, may inasikaso na muli siya habang ako naman ay inabangan si Dreymont sa veranda.

Nang makauwi, agad ko siyang sinalubong ng halik ngunit umiwas ito at nag dirediretso sa taas.

"Ano ba, Drey. Talk to me naman." Tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

Nang mainis ako ay hinila ko na ang laylayan ng damit niya.

"Please lang, Tanya. Not now." Napipikon na saad nito.

"What if I don't." I taunted.

Lumingon ito sa akin at matiim akong tiningnan.

"You cheated already. Ayaw mong ituloy-tuloy?" Pang-aasar ko pa lalo.

Since nakatigil siya, I grabbed my chance to walk closer to him.

Inangkla ko ang mga braso ko sa leeg niya at mapangahas siyang hinalikan sa labi.

Noong una ay hindi siya gumaganti, pero nang lumaon ay sumabay na din siya sa ritmo.

Biglang pumasok sa isip ko ang mainit naming halikan ni Zeno kaya bahagya akong natigilan. Dreymont took that opportunity to push me away.

Naiwan tuloy akong mag-isa sa hallway.

"Gosh! I need a drink."

Nagpautos ako sa maid na magdala ng brandy sa kwarto ko.

Nagpalit na ako ng damit at nagsuot na lamang ng roba. Wala na akong suot bukod doon.

May terrace sa labas ng kwarto na nagsisilbing smoking area.

I decided to drink there and smoked too. Gusto ko nang mawala sa sistema ko ang lalakeng iyon.

Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin na humahaplos sa balat ko mula sa labas.

"Thinking of me?"

Nagulat ako nang may biglang nagsalita mula sa likod ko.

Oh my!

"Zeno?!"

—-————
Sorry! Busy with other priorities. Anyway, hope you like it! Lovelots!

The Hired MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon